;
embed embed2
#SPConfessions: Paano Maka-Move On Sa Pangangaliwa Kung Hindi Mo Ito Makalimutan?
PHOTO BY Shutterstock/Have a nice day Photo
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Cheating ang isa sa mga problemang madalas ilapit sa amin ng mga miyembro ng aming online community.

    Marami ang gusto lang maghinga ng sama ng loob, pero mayroon din naman iyong mga naghahanap ng payo kung paano ba nila mapapatawad ang pangangaliwa ng asawa nila.

    Narito ang sabi ng isang nanay na nagpadala sa amin ng #SPConfessions:

    Paano ba magtiwala ulit? Paano ba magpatawad ng asawa na niloko ka? Kahit na humingi na siya ng tawad, kahit na nagsusumikap siyang patunayan na hindi na siya uulit, nandoon pa rin ang takot na magtiwala ulit.

    Pinag-usapan na namin ang nangyari. Ipinaliwanag niya kung bakit. Nagkasundo kaming ituloy. Pero hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Bumabalik-balik ang mga detalyeng tinanong ko at ikinwento niya.

    Sabi niya, kung talagang napatawad ko na siya at handa na akong magsimula kaming muli, hindi ko na ibabalik pa ang nangyari. Pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga maialis sa isip ko ang ginawa niya.

    Maaayos pa ba namin ito? Mayroon ba dito na nagawang makalimutan o maka-move on sa panloloko ng asawa ninyo? Paano ninyo ginawa?

    Maraming mga nanay nanaman ang agad na nagbigay ng advice. Heto ang mga payo nila:

    Paano magtiwala ulit sa asawa kong nangaliwa?

    Huwag mong isiping mawawala agad ang pagdududa

    Ayon sa mga nanay, hindi basta-basta maibabalik muli ang dati ninyong pagsasama. Sa katunayan, maaaring hindi na maibalik sa dati ang lahat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ng mga nanay, kapag pinili mong magsimula muli, panibagong chapter na ito sa buhay ninyo. Bigyan mo ng sapat na panahon ang iyong sarili.

    Iwasang balik-balikan ang nakaraan

    Hindi mo agad maiaalis sa isip mo ang mga detalyeng nalaman mo. Pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan mo ring patuloy o walang tigil na balik-balikan ng isip mo ang nangyari.

    Paliwanag ng mga nanay, kapag nagdesisyon kayong dalawa na ituloy ang inyong pagsasama, kaakibat nito ang pangakong magsisimula na kayong muli at hindi niyo na babalikan pa ang nakaraan.

    Huwag kayong magsisihan

    Tulad ng hindi ninyo pagbabalik ng nakaraan, dapat ay hindi rin kayo magsisihan. Kung natatakot kang magtiwala, kailangan mo ring maintindihan na natatakot din ang partner mo na baka parusahan mo siya sa kabuuan ng inyong pagsasama.

    Mag-usap kayo ng masinsinan

    Kailangan, sa ikalawang pagkakataon na ibibigay ninyo sa relasyon ninyo ay mas bukas na kayo sa isa't-isa. Kung may pagkukulang man ang isa, mahalagang maiparating ito agad. Dito kasi maiiwasan ang paghahanap ng iba.

    Sabi rin ng mga nanay, isa-isahin ninyo ang mga unresolved issue ninyo sa inyong relasyon para hindi na maulit ang nangyari.

    Patawarin mo siya nang paulit-ulit

    Handa ka bang gawin ito sa kabuuan ng inyong pagsasama? Kung alam mo sa sarili mo na darating ka rin sa puntong mapapatawad mo siya nang lubos, magandang choice ang magsimula kayong muli.

    Sumailalim sa marriage counseling

    Maraming mga nanay din ang nagrekomenda ng marriage counseling. Sabi nila, isa itong magandang hakbang para i-repair ang isang pagsasamang nasira dahil sa kawalan ng tiwala.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ilan lamang ang mga ito sa payo ng mga nanay. Ang pinakamahalaga ay kilalanin mo ang iyong sarili. Hindi madaling magpatawad at lalong hindi madaling makalimot. Ngunit kung desidido kayong ituloy ang inyong pagsasama, ano mang hirap ay kakayanin ninyong dalawa.

    Nagkaroon ka na ba ng ganitong karanasan? Paano mo ito nalampasan? I-share ang iyong experience sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles