embed embed2
  • ‘Utan Bisaya’ Ang Pakulo Ni Daddy Para Sa Asawa Ngayong Women’s Month

    Paborito ng kanilang 2-year-old son ang veggie dish.
    by Jocelyn Valle .
‘Utan Bisaya’ Ang Pakulo Ni Daddy Para Sa Asawa Ngayong Women’s Month
PHOTO BY Facebook: Eighth Chico Mojal
  • May naisip na pakulo ang isang daddy na miyembro ng Smart Parenting Village Facebook page para makiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

    “Rest muna kayo mga mommies,” sabi ni Eighth Chico Mojal, ang handle name ni Leopoldo Mojal VIII sa online parenting community. “Kaway-kaway sa mga hands-on dads.”

    Kuwento ni daddy na nagluto siya ng veggie dish na kung tawagin ay Utan Bisaya. Pruweba nito ang kalakip na litrato ng kanyang nilutong putahe sa kanyang Facebook post. Ganyang pagkain lang daw ang kinakain ng kanyang 2-year-old little one.

    Leal Kiersten ang pangalan ng unico hijo nila ng asawang si Nina Marie, sabi ni Eighth sa SmartParenting.com.ph.

    Dagdag pa ni daddy na ayaw kumain ng bata ng karne o fried chicken man lang, pati na hotdog. Ang akala pa naman daw niya ay “kid’s favorite” ang hotdog, ika nga ng sikat na commercial ng isang brand. Kaya tuloy, biro niya, hindi na niya alam kung healthy pa rin na gulay lang ang kinakain ng anak.

    Sagot naman ng ilang kapwa niya miyembro ng Smart Parenting Village sa kanyang post na healthy talaga ang gulay. May mga naka-relate dahil mahilig din daw ang mga anak nila sa gulay. “Talo pa ako,” saad ng isa sa kanila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Meron pang nagsabi na paborito ng kanyang bunso na kainin ang Utan Bisaya, lalo na kapag may kaparehang pritong galunggong. Ganoon ang isa pa, partikular iyong Ilokano version na Denengdeng.

    Paliwanag ni daddy na “almost same” ang Utan Bisaya sa Denengdeng, na Inabraw din ang tawag. Ang kaibahan lang daw, “’Yung Utan, madaming madudulas na gulay at may sahog na isda o bagoong.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa mga nanghihingi ng recipe kay daddy, ganito raw ang ginagawa niya: “Halo-halong kalabasa, gabi, okra, talong, sitaw, saluyot, malunggay, at alugbati...Halo-halo lang siya sa kumukulong tubig na may luya, sibuyas, at kamatis. Pag malambot na, timplahan lang.” 

    Happy cooking!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles