embed embed2
Akala Ko Tatanda Na Akong Dalaga, May Pulis Na Surprise Pala Ang Tadhana
PHOTO BY courtesy of Karen Mei Caro
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na love story na ipinadala sa amin ng isa sa aming mga readers. Mayroon ka bang ganitong kwento? Ipadala mo lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Hindi ko pinangarap ang makapag-asawa ng isang pulis. Kasi naman, lagi silang laman ng balita. Mapa-radyo, telebisyon, o dyaryo man 'yan. Ayon pa sa mga tsismis, babaero rin daw sila. Hindi ko lang alam kung totoo.

    Pero mapagbiro ang tadhana dahil pulis pala ang mapapangasawa ko.

    Pangarap kong ikasal

    Ito ang greatest dream ko. Excited akong magsuot ng wedding gown at magmartsa sa altar habang tumutugtog ang kantang "A Moment Like This."

    Kaya lang, ang problema, wala naman akong jowa. Hanggang pangarap na lang muna.

    Halos anim na taon akong nagtrabaho sa Nueva Ecija pero wala akong natagpuang Prince Charming doon. Ang masakit pa, lahat ng mga kaibigan ko ay may lovelife na.

    Sila may naghahatid at may sumusundo. Ako umuuwing mag-isa. Sila may ka-text at kausap sa telepono. Ako puro load at text promos lang. Sila may ka-date at pa-flowers kapag Valentine's Day. Ako nagkukulong sa bahay. It's so unfair!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bakit ganoon? Edukada naman ako at may kaunting ganda, pero sadyang mailap ang tadhana.

    Nagdesisyon na lang akong umuwi na sa aming probinsya sa Isabela at dito na lang magtrabaho for good. Bago ako umuwi, naka-mindset na talaga ako na tatanda akong dalaga. Kung sa Nueva Ecija nga wala akong natagpuan, sa Isabela pa kaya?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkatapos ng isang buwan nang pananatili sa probinsya, biglang may isang pulis na umaali-aligid. Mukhang interesting. Pogi. Pero syempre, hindi naman ako agad na naniniwala. 'Yung pangit nga nanloloko, 'yung gwapo pa kaya?

    Ganito kami nagkakilala

    'Yung tita ko na officemate ko, pinipilit niya sa akin na may binata raw na pulis sa katabi naming police station.

    Gwapo raw. Magaling mag-basketball. Ayoko namang maniwala. Wala na rin sa isip ko ang magka-lovelife. Kaya lang, pursigido talaga ang tiyahin ko.

    Sa sobrang pagpupursigi niya, inaya niya pa akong kumuha ng police clearance na hindi naman namin kailangan! Pagpunta namin doon, wala naman si mamang pulis. Pinaiwan pa ng tita ko ang number ko sa logbook! Sinulat ko na lang para makaalis na kami.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hanggang sa may dumating na bagyo sa bayan namin. Bilang bahagi ng trabaho ko, nag-ikot kami kasama ang DSWD para tignan at tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

    Habang nagpapamigay ako ng mga relief good, may pulis akong nakikita na nagpapa-cute. Hindi ako interesado (Ang taray!).

    Isang araw, may nag-text sa akin. Siya raw si pulis. Hindi ko pinapansin noon una pero masyadong makulit kaya sinakyan ko na lang ang trip niya.

    After two weeks of gabi-gabing pag-uusap, magdamag na tawagan, at araw-araw na pagdalaw sa bahay, aba! "Can This Be Love?" na ni Sarah Geronimo ang theme song ko.

    Kinikilig naman ang lahat ng mga kaopisina ko, pati na rin ang mga kapulisan sa bayan namin.

    Makalipas ang isang buwan, sabi niya, gusto na raw niya akong pakasalan. Ang bilis naman! Sabi niya, huwag na raw naming patagalin, kasi doon din naman pupunta at baka mamaya, masingitan pa ng iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    To make a long story short... September kami nagkakilala, October naming kami, December namanhikan na siya, at April ikinasal na kami. Ganoon kabilis ang mga pangyayari.

    Napatunayan ko na hindi pala basehan ang tagal ng isang relasyon para magkatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan.

    Kung talagang kayo ang para sa isa't-isa, gaano man kaiksi o katagal ang inyong pagsasama, kayo talaga.

    Ito ay sagot sa panalangin. Basta kapag si Lord ang kumilos, perfect ang timing.

    Ang mahalagang natutunan ko

    Ang pag-ibig, hindi mo kailangang hanapin. Kasi may taong nakalaan sa iyo at darating siya sa tamang panahon.

    Darating siya sa oras na akala mo ay napakyaw na ang lahat ng lalaki sa mundo. Darating siya sa panahong akala mo wala nang natira para sa iyo.

    Tiwala lang.

    Mag-enjoy ka muna habang naghihintay. Flash forward sa present day, mahigit sampung taon na kaming kasal kapiling ang aming dalawang anak na lalaki sina Gio at Eko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamilya ka ba sa kwento ni mommy? Kung pakiramdam mo ay nakita mo na ito dati, 'yan ay dahil lumabas na ang kwentong ito sa palabas ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. 

    Kung mayroon kang kwentong katulad nito, pwede mo itong ipadala sa aming email address na: smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles