embed embed2
  • ‘Aminado Na Kontrabida Minsan’ Si Iya Villania Sa Buhay Ni Drew Arellano

    Kontra noon si Iya sa hilig ni Drew sa motor at tattoo.
    by Jocelyn Valle .
‘Aminado Na Kontrabida Minsan’ Si Iya Villania Sa Buhay Ni Drew Arellano
PHOTO BY Instagram/Iya Villania-Arellano
  • Aminado si Iya Villania na kontrabida siya minsan sa buhay ng kanyang asawang si Drew Arellano. Mayroon silang tatlong anak: Primo (August 2016), Leon (August 2018), at Alana (July 2020).

    Nagkuwento si Iya sa isang episode ng Mars Pa More, ang morning talk show nila ni Camille Prats sa GMA-7.  Tinanong kasi nila ang celebrity guests nilang sina Epy Quizon at Martin del Rosario kung kailan sila nagiging kontrabida sa totoong buhay. Sina Epy at Martin ang gaganap na kontrabida sa Voltes V: Legacy, ang paparating na remake ng iconic Japanese animated series sa Kapuso network.

    Lahad ni Iya, “Ako, mars, aminado ako na kontrabida ako minsan sa life ni Drew.“ Noon daw hindi pa sila kasal, mahigpit ang pagkontra niya sa desisyon ng kapwa niya GMA-7 host tungkol sa pagpapa-tattoo.

    Sabi pa ni Iya sa balak ni Drew noon para sa tattoo: “Parang gusto niyang ayusin. I was like, 'No. Your body is a temple of God. You shouldn't do that to your body.' Achuchuchuchu...Ang dami kong sinasabi.“

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero hindi raw siya pinakinggan ng boyfriend noon, kaya napaiyak siya. Sinabihan pa raw ni Iya si Drew: "You don't love me. You don't care about, you know, what I have to say."

    Kalaunan, nahimasmasan si Iya at nagkaroon ng realization. Aniya, sabay tawa, “Only for me to realize na inggit lang pala ako. Gusto rin pala ng tattoo.”

    Dagdag pa niya, "Parang I think I wanted some sense of control over him, the same sense of control that my mom has and my parents have over me. So, parang I felt like I wanted that kind of control over him, kahit 'yung pagmo-motor.“

    Bukod sa tattoo, sabi ni Iya, hilig din ni Drew ang pagmo-motor. Tutol din daw siya sa pagmo-motor dahil lapitin ng aksidente. Pero sa huli raw, siya ang sumuko at bumili na lang ng sariling motoring gear para makasakay din sa motor.

    Kaya ang payo ni Iya sa mga misis na may mga mister din na hilig ang motor at tattoo: “Sa mga mars, magpaka-totoo. Join them.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles