-
Relationship Goals? Kung Mag-aasawa Kang Muli, Siya Pa Rin Ba Ang Pipiliin Mo?
Maraming magagandang sagot ang mga nanay at tatay!by Ana Gonzales . Published Jul 19, 2020
- Shares
- Comments

Halos apat na buwan din tayong nanatili sa ating mga bahay dahil sa banta ng COVID-19. Para sa marami, hanggang ngayo'y nakapirmi pa rin tayo sa loob ng bahay para lang makasiguro.
Ito na siguro ang pinakamatagal na magkasama ang mga mag-asawa nang halos 24 oras araw-araw. Dahil dito, marami tayong mga bagong nadiskubre sa ating mga kabiyak.
Para sa ilan, nakatulong ang quarantine para mas maging matatag ang kanilang pagsasama. Samantala, para naman sa iba, mas nagdala ito ng maraming hamon.
Kaya naman marami ang nakarelate sa tanong na ishinare online ng Facebook page na Hugot ni Misis: 'Kung mag-aasawa kang muli, asawa mo pa rin ba ang pipiliin mo?'
Marami kaming nakitang mga magagandang sagot. Iba-iba rin ang sagot ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung saan nakarating din ang post.
What other parents are reading
Narito ang ilan sa mga sagot na tumatak sa amin:
"Yes! No matter how many lives God would give me, I will still choose my husband now. He is responsible. He stays sweet no matter the challenges. He respects me and he loves my family," sagot ng isang mommy.
"Yes! He is a good provider. He is responsible and he looks after me and our children. We are his priority." sabi naman ng isa.
"Hindi na," pahayag naman ng isa pa. "Pipili ako ng isang taong kaya akong ipaglaban, sa magulang niya at sa ibang tao. Pipili ako ng asawa na handang magsikap para sa aming pamilya."
"Oo naman! Hindi na ako makakakita ng lalaki na kasing bait ng asawa ko. Naiintindihan niya ako, lalo na ang aking mga pangangailangan at kahinaan."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Siya pa rin. Wala siyang bisyo at may pangarap siya para sa mga anak namin. Responsable siya at hindi niya kami pinapabayaan kahit na minsan ay mayroon kaming mga tampuhan. Hindi man kami ganoon kayaman, sinisiguro niyang nakakakain kami ng sapat at tama. Hindi niya kami pinapabayaang mag-iina."
"Siguro. Pero ngayon, iba na ang timing. Sisiguraduhin ko munang mayroon na kami parehong maayos na trabaho bago kami magsama at magpakasal—para walang sisihan. Mahirap makita ang mga anak mo na nahihirapan. 'Yun ang pagkukulang naming mag-asawa."
"Oo. Dahil no man is perfect. Minahal niya ako despite my imperfections."
"Hindi na. Kung alam ko lang na hahanap siya ng iba, sana hindi na lang kami nagkakilala."
"Ako oo. Pero alam ko, ang asawa ko hindi na. Sabi niya dati, kung maibabalik daw ang panahon, iiwasan niya na magkita kami ulit."
"Hindi na. Kahit kailan hindi naging sweet sa akin ang asawa ko. Pero sa iba, sweet siya."
CONTINUE READING BELOWwatch now"Hindi na siguro. Itutuloy ko na lang ang pag-aaral ko para mabigyan ko ang sarili ko ng mas maayos na buhay."
"Hindi na. Pero kung magkakaroon ako ng mga anak, sana maging sila pa rin ang anak ko."
"Hindi na ako mag-aasawa, kung makakapili ako. Magtatrabaho na lang ako ng mabuti at magdadasal na makahanap ng ibang lalaki na hindi ako papabayaan at lolokohin."
"Oo, siya pa rin. But I will ask God to give him a longer life. Kinuha kasi siya sa amin ng maaga."
"Yes! I Will still choose my husband! He was a very good husband and a very good father. He understands me when no one else can."
"Oo. Kahit lagi kaming nag-aaway! (LOL!) Hindi man kami agree lagi, magaling naman kaming humanap ng compromise. I believe my husband and I are a very good team. We may not always agree, but we always make sure we take care of each other."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang ang mga iyan sa mga sagot ng mga nanay. Marami sa kanila ang pipiliin pa rin ang kanilang mga asawa ngayon, sa kabila ng mga pagkakaiba nila o sa mga tampuhan.
Sabi nga ng ilang mga nanay, ang pag-aasawa ay hindi madali. Araw-araw mong pipiliin ang asawa mo, lalo na kung hindi kayo madalas na mag-agree sa isa't-isa.
Ikaw? Kung mag-aasawa kang muli, pipiliin mo pa rin ba ang partner mo ngayon? I-share mo na sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments