embed embed2
  • How To Maintain The Kilig? Marian Rivera Says 'Huwag Mo Siyang Baguhin'

    Heto ang mga tips ng celebrity mommy para sa isang maayos na pagsasama.
    by Ana Gonzales .
  • Laging tinatanong sa amin ng mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung paano nga ba i-maintain ang kilig sa isang pagsasama.

    Aminado kasi ang marami sa atin na habang tumatagal ang isang relasyon, nakakalimutan na ang page-effort para sa kilig at romansa.

    Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ang Smart Parenting team na kausapin ang celebrity mom at mompreneur na si Marian Rivera, isa ito sa mga tanong na ihiningi namin ng payo sa kanya.

    How to maintain the kilig in a relationship? Lalo na kung busy?

    "Hindi naman nakakababa ng pagkababae na tayong mga asawa ang mauna na maglambing," sabi ni Marian sa mga Summit editors sa nakaraang Summit Sandwich Sessions.

    Dagdag pa niya, nagkakaroon ng miscommunication kung hindi ninyo sasabihin sa isa't-isa ang mga pangangailangan ninyo. "Doon nagkakaroon ng tampuhan."

    "Alam kong pagod 'yung asawa ko, hindi ako nilalambing, kasi nga pagod, maraming ginagawa. Ako na ang gagawa ng move," kwento pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa kanya, kinukumusta niya ang kanyang kabiyak na si Dingdong Dantes. Tinatanong niya ito kung may gusto siyang kainin o kung mayroon itong special request.

    "Alam mo naman, kapag tayo na ang nauna, sila naman ang tumatapos," biro niya pa. "Tayong mga babae ang mauna kung sakali mang busy ang ating mga asawa. Hindi 'yan nakakabawas sa ating pagkababae. Tayong mga babae ang tumatahi sa ating mga pamilya."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag mong baguhin ang partner mo

    Isa pang napakagandang payo ni Marian ay ang tanggapin mo kung sino ang asawa mo.

    Nang tanungin siya tungkol sa pagmomotor ni Dingdong at kung nagpapaalam ba ito sa kanya kapag lalabas, sinabi niyang simple lang ang sistema nila sa bahay.

    "Nakilala ko kasi si Dong, na ginagawa na niya 'yan. So lahat ng mga bagay na ginagawa niya noong binata siya, hindi pa niya ako asawa, never ko 'yang pinakialaman," paliwanag niya.

    "Naniniwala kasi ako na nakilala ko siyang ginagawa niya 'yung hilig niya at gusto niya. 'Yun nga lang, ang kaibahan ngayon, kailangan mayroon kang ibibigay na reminders."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinapaalala na raw niya sa asawa niya na tatlo na sila ngayong naghihintay sa pag-uwi niya. "Mag-ingat ka. Tatlo na kaming naghihitay sa iyo. Kailangan safe kang uuwi ng bahay," kwento niya.

    Mas pinaigting pa nilang mag-asawa ang pag-iingat dahil sa pandemic. "Automatic 'yan, hindi lalapit 'yan sa amin. Diretso 'yan sa kwarto, mag-steam 'yan, maliligo 'yan, magpapalit ng damit, bago 'yan bumaba sa amin."

    "Naniniwala ako na kailangan binibigyan pa rin natin ng me-time ang sarili natin. Kasi, ako rin naman, pinapayagan din naman niya ako kung may gagawin din naman ako. Minsan hinahayaan niya ako, nasa office lang ako," sabi pa niya.

    "Mr. Friendship 'yan eh," makulit niyang biro. "Maraming kaibigan, maraming barkada. Hinding-hindi ko 'yan pipigilan."

    "Naniniwala ako na kapag may tiwala kayo sa isa't-isa, 'pag buo 'yan, hayaan mo lang. Bakit mo hihigpitan? Ako, hindi ako mahigpit na asawa."

     

    ***

    Abangan sa mga susunod pang araw ang iba pang napag-kwentuhan ng Smart Parenting team at Summit Media Editors kasama si Marian Rivera.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ka rin ba mahigpit na asawa tulad ni Marian? I-share mo ang iyong experience sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o magkwento sa amin sa pamamagitan ng email: smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Suportahan sina Marian at ang Tanghalang Ateneo, sa kanilang nalalapit na play na pinamagatang Password: 03d1pu5_R3x. Ipapalabas it sa February 22, 25, at 27. Mabibili mo ang ticket sa halagang Php100 para sa general viewing at Php200 naman para sa general viewing na may kasamang souvenir program. Available ang mga tickets sa Ticket2Me. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles