embed embed2
  • Malunggay, Bulaklak Ng Kalabasa, At Panty? Mga Practical Bouquets Mula Kay Hubby

    Hindi talaga matatawaran ang humor at practicality ng mga padre de pamilya.
    by Ana Gonzales .
Malunggay, Bulaklak Ng Kalabasa, At Panty? Mga Practical Bouquets Mula Kay Hubby
PHOTO BY Ann Bayanin and Glory Ann Cantos Perez
  • Aminado ang marami sa atin na sadyang mahirap ang buhay ngayon dala na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

    Ngunit sa mga nakita naming posts sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, mukhang hindi naging hadlang ang hirap na ito para iparamdam ng mga mister kung gaano nila kamahal ang kanilang mga misis.

    More from Smart Parenting

    Nagsimula ito nang ibahagi ni mommy Lois Oracion ang litrato ng asawa niya na may hawak na malunggay bouquet. Pagbabahagi niya, madalas na praktikal talaga ang mga regalo sa kanya ng asawa niya.

    Ayon sa kanya, noong ikinasal sila, cookware set ang iniregalo ni daddy sa kanya. Ngayon, para suportahan ang kanyang breastfeeding journey, isang bouquet ng malunggay ang madalas surprise sa kanya ng asawa niya.

    PHOTO BY Lois Oracion
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mula dito ay na-inspire kaming hanapin ang iba pang mga practical bouquets na ibinigay ng mga tatay sa kanilang mga maybahay.

    Mga practical (at nakakatawang) bouquets mula sa mga tatay

    Bulaklak at talbos ng kalabasa

    Sabi ni mommy Glory Ann Cantos Perez, sobrang toxic at stressful ng trabaho niya isang araw. "Parang me against the world!" kwento niya. Bigla raw nagpaalam ang asawa niya at nagsabing lalabas lang sandali.

    Wala raw sunflowers kaya bulaklak ng kalabasa na lang!
    PHOTO BY Glory Ann Cantos Perez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang bumalik ito, may dala na itong bulaklak ng kalabasa na may kasama pang talbos! "Wala raw sunflower kaya bulaklak na lang ng kalabasa. It meant a lot to ease my stress—at may malinamnam pa kaming gulay after!" Dagdag pa ni mommy, "It's the thought that really counts."

    More from Smart Parenting

    Beauty mist

    "'Yung inner tita feeling nag-uumapaw!" kwento ni mommy Rob Sagun. Hindi man daw nakaayos na bouquet ang bigay ni daddy, inipon naman nito ang lahat ng mga paboritong bagay ni mommy. Kabilang dito ang chocolates, Katinko, at ang Beauty Mist ng beauty at mommy vlogger na si Anne Clutz.

    Tita hits! LOL!
    PHOTO BY Rob Sagun
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cauliflower

    Pagbabahagi naman ni mommy Mary Michelle, nagsisimula nang mag-solid food ang baby nila nang bigyan siya ng 'cauliflower boouquet' ng asawa niya. "Ine-encourage ko si husband na baby-led weaning kami kaya fruits and veggies talaga ang kailangan," kwento ni mommy. "Pag-uwi niya, ayan! Flower pa rin nga naman daw."

    Para sa baby-led weaning!
    PHOTO BY Mary Michelle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Yakult

    Noong nakaraang Valentine's Day naman, masakit daw ang tiyan ni mommy Ann Bayanin. Ikinwento niya raw ito sa asawa niya, kaya nung araw na iyn, sa halip na bulaklak, Yakult bouquet ang nakuha niya!

    Okay ka ba tiyan, mommy?
    PHOTO BY Ann Bayanin

    "Susunduin niya raw ako sa work para date daw kami. Masakit ang tummy ko noon kaya nabanggit ko habang magka-chat kami," kwento ni mommy. "Ginawan niya na pala ako ng mini bouquet ng Yakult para maging okay daw ang tummy ko. Natawa ako na kinilig!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Green leafy veggies

    Ginisang gulay naman ang naging ending ng bouquet na bigay ng partner ni mommy Myreen Paderes Formoso. Youtube lang ang naging gabay ni daddy para mabuo ang veggie bouquet na ito. Gumamit siya ng spinach at tangkay ng bokchoy.

    Ang healthy naman ng bouquet na ito!
    PHOTO BY Myreen Paderes Formoso
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malunggay

    Ito na siguro ang pinaka popular na bouquet sa Village. Madalas kasing ito ang 'handog' ng mga daddies sa kanilang partners para na rin makatulong sa breastfeeding journey ni mommy.

    Kwento ni mommy Agnes Paras-Corder, sobrang hilig niya sa ginataang malunggay, kaya naman sobrang saya niya sa tuwing makakatanggap siya ng malunggay mula kay hubby.

    Panty! 

    Ayon kay mommy Ma Ronna Liza Natividad-Concepcion, si daddy ang punong abala sa bahay nila simula nang manganak si mommy. "Pati paglalaba siya ang gumagawa. Ayun, napansin niya ang mga panty ko," kwento ni mommy. "Kinabukasan, pagpasok niya sa office naisingit niya na ibili ako ng 18 pieces at siya na rin ang nagtapon ng mga luma. Nabawasan ang postpartum blues ko dahil sa effort niya."

    More from Smart Parenting

    Walis tambo!?

    Ito na siguro ang pinaka-unique sa mga 'bouquets' na mayroon dito sa listahan namin. Kwento ni mommy Ai Bernal, maliit at mumurahing walis lang ang ginagamit niyang panlinis ng bahay. Kaya naman laking tuwa niya nang makatanggap mula kay hubby ng high-quality walis tambo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dinagdagan pa ito ni daddy ng steam iron dahil nasira na raw ang ginagamit ni mommy.

    More from Smart Parenting

    Patunay ang mga bouquets na ito na hindi naman talaga mahirap pasayahin ang mga ilaw ng tahanan. Sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan nila.

    Bukod pa riyan, ang gusto lang naman nila ay ang maramdamang pinahahalagahan natin ang mga efforts nila at nakikita natin ang lahat ng ginagawa nila para sa kanilang pamilya.

    Mahalaga rin sa mga nanay na maramdamang hindi sila nag-iisa.

    Ikaw, anong uri ng bouquet na ang natanggap mo? I-share mo na iyan sa comments section. Kung sakali mang nararamdaman mong mag-isa ka, sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Doon mo makikita at makakausap ang mga tulad mong nanay.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles