Kinagiliwan ng singer na si Ice Seguerra na makitang game na game ang kaniyang nanay sa paggamit ng social media.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ice ang screenshot kung saan makikitang nag-comment ang kaniyang nanay Caridad Seguerra sa isang Facebook post na nagtatanong kung anong ire-reply sa ex na nag-message ng "mahal pa rin kita."
Sa comment section, makikita ang kwelang sagot ni mommy Caridad. "Neknek mo sabay tawa," aniya, patunay na mother knows best talaga!
Hindi naman mapigilan na matuwa at matawa ng kaniyang anak nang makita ang comment na ito. "Itong nanay ko, ang active mag comment. Haha!," saad ni Ice sa kaniyang caption.
Closeness ni Ice sa kaniyang nanay Caridad
Bokal si Ice sa pagpapakita kung gaano niya kamahal ang kaniyang nanay Caridad. Sa pagpanaw ng kaniyang tatay noong 2020, isang madamdaming mensahe ang inialay ni Ice sa kaniyang ina.
Ani Ice, hanga siya sa hindi matatawarang katatagan ng kaniyang ina noong mga panahong magkakasama nilang hinarap ang pagsubok nang magkasakit ang kanilang tatay Decoroso “Dick” Seguerra ng prostate cancer.
"She's been through a lot. Pero ni minsan hindi siya nag give-up. Sobrang proud ako ikaw ang nanay ko, mama. Mahal na mahal kita," ani ni Ice tungkol sa ina.
Nito lang din Pebrero 2022, puno ng pagmamahal ang birthday message ni Ice para sa kay nanay Caridad. Muli sumentro ang kaniyang mensahe sa hindi matitinag na tatag ng loob ng kaniyang nanay. "Kahit anong pagsubok, walang panama sa iyo. Ibang klase ka talaga, mama."
"Thank you for being my strength, simula pa noong bata ako lalo na ngayong tunatanda na rin ako. Thank you for inspiring me to be better sa bawat aspeto ng buhay."
Dagdag ni Ice, "Sa buhay ko, isa lang ang gusto ko. Ang masabing sa bawat ginawa at ginagawa ko ay maging proud ka sa akin. Salamat mama."
Agree kami kay Ice na kahanga-hanga talaga ang katatagan ng mga nanay. Mapa-kwela mano seryoso ang sitwasyon, at maging sa pagbibigay ng love advice laging handa ang mga nanay na samahan ang kanilang mga anak!
Mga love advice na dapat ituro ng magulang sa anak
Bilang magulang, dapat ay maaasahan din tayo ng mga anak natin pagdating sa usapang pag-ibig. Pagdating ng panahon at kailangan ng inyong anak ng heart-to-heart talk narito ang ilang payo tungkol sa relasyon na maaaring ibahagi sa kaniya.
1. Hindi basta-basta ang pagpasok sa isang relasyon.
Turuan ang anak tungkol sa kahalagahan ng relasyon at kung ano ang mga responsibilidad na kaakibat nito.
2. Huwag ihuhuli ang sarili.
Bagamat mahalagang parte sa isang relasyon ang pagbibigayan, hindi ito nangangahulugang dapat ay ihuli ang sarili sa lahat ng pagkakataon. Ipaalam ang sa anak ang importansya ng pagpapahalaga sa self worth.
Gaya nga ng comment ni nanay Caridad, matutong humindi kung kinakailangan!
3. Na hindi gaya sa mga fairy tale, maaaring hindi laging happy ang ending.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mala-fairy tale ang pagkakaroon ng karelasyon. Ipaunawa sa anak na sa isang relasyon, na mayroon at mayroon darating na mga pagsubok at hamon. Hindi man ito maiiwasan, ang maipapayo mo lamang sa iyong anak ay kung paano masusolusyunan ang mga problema nang maayos.
Anong love advice mula sa inyong mga magulang ang hindi niyo malilimutan? I-share sa comment section.
Basahin dito ang iba pang life advice mula sa mga mommies.