embed embed2
  • 'Laging Gutom!' Mommies Ibinuko Ang Nakakainis Na Ugali Ni Hubby Ngayong ECQ

    Dahil magkasama 24/7, heto ang mga nadiskubre ng mga misis tungkol sa kanilang mister.
    by Lei Dimarucut-Sison .
'Laging Gutom!' Mommies Ibinuko Ang Nakakainis Na Ugali Ni Hubby Ngayong ECQ
PHOTO BY @mkitina4/iStock
  • Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng tayo ay buhay quarantine na. Ibig sabihin, ganoon na din katagal simula nang araw-gabi na kayong magkasama ng inyong better half sa bahay. Kumusta na kayo ngayon?

    Dahil sa quarantine, nasusubok ang katatagan ng maraming mga relasyon. Sa China, tumaas ang mga kaso ng divorce pagkatapos ng lockdown doon. 

    Pero sabi nga, ang pag-aasawa ay isang pangako na kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa... at kahit araw-araw mo pang nakikita ang mga kapintasan ng iyong asawa (may good qualities din naman). 

    Bilang katuwaan lang, tinanong namin ang mga mommies sa Smart Parenting Village: Ngayong araw-araw kayong magkasama, ano ang habit ni mister na pinaka-kinaiinisan mo? Heto ang ilan sa mga sagot nila. 

    What other parents are reading

    "Cellphone na lang palagi ang hawak. Tapos kapag kinakausap laging nagha-hang." - Angelica Gamboa-Villarmente

    "Di sumasagot kapag kinakausap. Preoccupied." - Jesume Pelicano

    "Yung maaga nga siya nagigising pero tutok pa din yung mata kakapanood ng anime sa celphone." - Ciel Uy 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Kapag umiiyak si baby pero tuloy pa din ang pag-Mobile Legends (ML) niya." - Rozanne Lorraine Monserrat Tandas

    "Nakakainis yung wet towel at yung cotton buds kahit saan ilalagay." - Stella Marie Aguirre Yee

    "[Yung] Hawak cellphone tapos naka-headphone, hindi ako marinig. Need ko pang lumapit at kalabitin para makuha attention nya." - Vikai Apilado

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Nakakainis yung tanong ng tanong kung ano yung ulam." - Mary Rose Ibañez Menchavez

    "Nakakainis yung cotton buds nang cotton buds tapos kung saan-saan naiiwan." - Jeng Febbles Acha

    "Hindi nagtataas ng toilet seat." - Justine Anne

    "Hindi naliligo ng isang araw. Pero mabango pa din naman." - Roseville Almaden-Casilan

    "Matagal sa CR." - Maybelle Tombucon-Panis

    "Kain nang kain." - Lualhati Manangkil Purugganan

    "Ang sarap ng tulog nya!!! Nakakainggit!!" - Agnes Paras-Corder

    "Nakakainis yung inutusan mong mamili tapos uuwi ng walang binili sa mga kailangan mo." - Sedecrem Otnarac Oblatnom

    "Pag may inuutos ka, parang walang narinig. Pag nagalit ka na tsaka lang kikilos!" - Sam Azul-Diaz

    "Yung paggising ko may video ako habang natutulog, tapos yung lower lip ko ginagalaw nya na para akong kumakanta to the tune of 'I Will Always Love You' (siya yung kumanta with matching tawa)." - Psalm Ignacio Judy Zira

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Laging gutom." - Ja Ne D Abrillo

    "Pinaka-nakakainis yung mabaho nyang utot na papunta na sa amoy ng imburnal!" - Reichiel Anne Galang Leocadio

    What other parents are reading


    "Laging nasa FB o Youtube." - Maydeen Guevarra

    "Walang kusa." - Momsi Kz

    "[Siya si] boy “teka lang” hanggang sa di na nagawa." - Bije Domingo-Lupango

    "Nakakainis yung lahat ng bagay kung saan-saan nilalagay tapos sa akin hahanapin pag kailangan." - Ellie Maclang Marantan

    "Yung hindi nya pagsunod sa mga rules sa bahay, like huwag ipapasok ang shoes/slippers sa loob para kahit papano ma-minimize ang spread ng virus." - Pii Yaa

    "Nakakainis yung magsi-CR siya ng napakatagal. Abot ng siyam-siyam." - Valerie Salvador Ramiro

    "Nagagalit siya kapag may nakikita siyang kalat, halos hindi ka magalaw kapag nag-mop siya ng sahig. Ayaw niyang may kalat, ultimo hair strand makikita niya." - Apple Ann Valenciano Ulep-Esteban

    "Nagre-request ng ulam, pero pag tinanong kung ano ang gusto, ang sagot, 'Impress us, mom.' Ang hirap kaya mag-isip ng uulamin." - Ghie De Guzman - Lustado

    "Nakakainis yung kapag matulog sya, parang sa kanya lang ang bed." - Wawie Baling 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Nakakainis yung joke niyang mag-volunteer ako as frontliner para wala daw ako sa bahay." - Rhea Uy

    "Kapag hindi siya nag-flush after umihi kasi sayang daw yung tubig. Baka daw iihi din ako para isang flush nalang." - Laila Nombre-Martin

    "Nakakainis pag puro celphone siya at nakahiga, tapos magrereklamo na masakit daw ang likod nya!" - Kitel Kitz

    "Tanghali gumigising kasi puyat maglaro or mag-Netflix. Dami ko na nagawa, tulog pa din." - Aya Fuertes

    "Less than 20 seconds pag naghuhugas siya ng kamay! Di tinatapos ang Happy Birthday song." - Carmie T. Balase

    "Nakakainis yung dagdag sya sa nagkakalat sa bahay, tandem sila nila ate at bunso." - Avee Tripoli Orquia

    "Minsan ayaw makinig sa mga safety precautions. Paulit-ulit pa ako kailangan mag remind na maghugas ng kamay, mag-alcohol, maligo pag galing sa labas." - Mary Grace Garciano Fernández

    "Pinaka-nakakainis: Tamad maligo and mag-toothbrush!!!" - Chin Capiral

    "Pinaka-nakakainis yung kahit wala nang laman yung lalagyan ng tubig, inilalagay pa rin nya sa ref. Di man lang i-refill muna yung pitsel." - Liza Capate - Quiling

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ayaw niyang kumain ng ulam na ininit. Kailangan bagong luto lagi." - Kat Alanis

    "Yung pinaka-ayaw ko talaga na ginagawa niya ay yung mauupo sa isang tabi at mag-iisip nang malalim, katulad ng ano na ang mangyayari sa amin after ECQ, yung work niya. Feeling ko, ang bigat ng iniisip palagi." - WinnieJoan Bustamante

    What other parents are reading


    "Araw-araw chine-check at pinapainit ang motor niya. Mapapanis daw kasi ang gasolina." - Mavic Eugenio - Mamaril

    "Pag siya naghugas ng pinggan, dami pa ding dumi after! Ako pa din ang mag-take two." - Nikki Ng

    "Magbubukas ng TV tapos iiwanan." - Kriz Mejia Tigayon

    "Pag iniiwan nyang nakabukas ang ilaw sa CR, sa kusina. Lagi siyang may taga-patay ng ilaw." - Lara Carina

    "Lagi na ngang tulog, mainitin pa ulo." - Marie Ann Consolacion Cag-ong

    "Tanghali na bumangon. I work from 3 am to 12 nn pero ako pa rin nag-aalaga sa anak namin kasi tulog pa rin sya hanggang 10-11 am." - Bartz Villanueva

    "Mas nagiging spoiled mga anak namin kasi kapag pinapagalitan ko, nilalambing naman nya! Ggrrr!" - Jam Barros

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Laba nang laba. Alam ko hindi dapat ito kainisan, pero kasi naglalaba siya halos araw araw. Hobby na yata niya. Kahit kakaunti ang labada, maglalaba. Super daming detergent, tubig at kuryente ang nasasayang." - Jessica Rose Jimenez Tinio

    "Hindi nakakatagal [mag-alaga] sa anak nya. Ilang minuto pa lang na karga niya, balik na agad sa akin." - JO Ann

    "Order nang order ng pagkain para sa akin (kala mo sweet eh) pero pag dineliver na, ako pala magbabayad." - Kenzie Barrera Viray

    "Pinaka-nakakainis yung pagkatapos kumain, hihiga. Akala mo siya yung buntis." - Cherimay Batallones

    "Hindi palagi naghuhugas ng paa, all white pa naman ang bedsheet." - Khen Medz

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles