embed embed2
'Sex Is a Whole Day Affair': 7 Kailangang Malaman ng Mag-Asawa Tungkol sa 'Great Sex'
PHOTO BY iStock
  • “So, how’s your sex life?”

    ‘Yan ang unang tanong na bumulaga sa’min nung nagpa-marriage counselling kami ni Mark (aking asawa) nung nakaraang taon. Medyo na-disorient ako ng slight kasi ‘di ko makita masyado ‘yung konek ng sex life naming mag-asawa sa growth ng marriage namin.

    Kung tatanungin kita ngayon, bes, anong sagot mo sa tanong na, “So, how’s your sex life?

    A. ‘Pag may okasyon lang
    B. Matumal
    C. Ano yun?
    D. Next question, please!

    What other parents are reading

    Aminin natin, mula ng nagka-anak tayo isa siguro ito sa mga naisantabi natin. Kumbaga natambak na sa bodega ang mga sex drive natin, naagiwan na at halos gusto na natin i-declutter. Dumating din kami sa point ng marriage namin ni Mark na tumumal and we don’t mind. Hindi kami bothered kumbaga.

    Hanggang sa nabili ko yung book ni Dennis and Thammie Sy na The Great Sex Book at dun nag-iba ang perspective ko pagdating sa sex.

    3 important truths about sex

    1. Sex is a gift from God. He created and designed it. Sex within the bounds of marriage is great! It pleases and honors the Lord.
    2. Sex outside marriage is sin.
    3. Sex is the central task of marriage.

    Yung unang dalawa alam na alam ko na ‘yan. Pero ‘yung pangatlo, medyo nagitla ako.

    What other parents are reading

    Hindi ito ‘yung basta kayo mag-se-sex dahil kailangan. Sa pitong taong pagsasama naming ni Mark, ito ang mga mahahalagang natutunan ko tungkol sa sex:

    Sex is a whole day affair

    Kailangan ma-set ang mood ng bawat isa para masiguro ang great sex. Lambingan, speaking each other's love language (quality time, acts of service, physical touch, receiving gifts, words of affirmation), mapang-engganyong text or chat message at kung anu-ano. Kung baga, dapat i-build up ito at climax na lang ang sex. Cherry on top ang datingan!

    Balewala ang sex positions kung may unresolved issues

    Kahit gaano tayo ka-expert sa mga sex positions, kung may mga issues tayong mag-asawa na 'di pa naaayos, hindi natin masasabing magkakaranas tayo ng 'great sex.' Dapat tandaan ng mga lalaki na ang mga babae ay emotional beings — kung may mga dinaramdam si misis, asahan mong walang gana 'yan. So upuan muna ang mga issues bago mahiga. 

    Sex starts in the kitchen

    May aaminin ako sa inyo. Nabuo namin si Hope ('yung isa naming anak) sa kitchen. Nakakaantig kasi ng puso kapag 'yung mga asawa natin pinaglilingkuran tayo, 'di ba? Nakakakilig din kapag gumagawa kayo ng mga bagay na magkasama (gaya na lang ng paghuhugas ng pinggan) na pareho ninyong na-e-enjoy. Hindi naman basta-basta nangyayari ang sex. Lalo na kapag marami tayong iniisip na mga bagay, kaya kailangan talaga nating maghanap ng konek sa isa't-isa, kahit gawaing bahay pa 'yan. 

    What other parents are reading

    Please lang, hiwalay na ang mga anak ng higaan

    Co-sleeping kami for the longest time. 'Nung nalaman naming mahalaga ang sex sa marriage, napagdesisyunan namin na ilipat na ng higaan ang mga bagets, dahil limang taon na si Faith at tatlong taon na si Hope. Kasama pa rin namin sila sa kwarto pero hindi na sa parehong kama. Mahalaga sa'min na makatabi ang mga anak namin pero #marriagefirst. Kailangan namin ang ganitong pagbabago para mas mag-thrive pa ang pagsasama namin.

    Alarm is the key

    Make time for things that matter to you. Nung na-realize namin na vital ang sex sa aming marriage, kailangan rin naming gumawa ng conscious effort para dito. Kasi sa totoo lang, paglipas ng panahon, hindi na siya automatic 'di gaya noong honeymoon season pa. At dahil dumating sa point na consumed kami ng maraming bagay, nag-se-set kami ng alarm to remind ourselves of this important affair that we need to attend to. We need to be intentional about it!

    Sex is just a fruit of intimacy

    We cannot force sex to happen. Actually, bunga lang talaga siya ng intimacy ng mag-asawa. Kaya sa totoo lang, hindi talaga sex ang goal. Ang goal ay intimacy. Kailangan mag-trabaho ng maigi para ma-achieve natin ang intimacy at alam ko na sasang-ayon kayo na effort talaga ito. Pero katulad ng kahit anong prutas, kailangan mo talaga magtanim, mag-alaga, at mag-effort bago mo ma-enjoy ang bunga ng isang puno. 

    What other parents are reading

    Sex is God's gift, but it is not God

    Sex is good and it is important for married couples but let us not chase the gift  instead, chase the Giver! Nakakalungkot na ang culture natin ay unti-unting pinagpalit ang Diyos sa mga blangkong pangako ng sex at lust. Huwag nating hanapin ang satisfaction, fulfillment, at completeness natin sa sex o sa sarili nating marriage, kasi mabibigo lang tayo. Ang Diyos lang ang makapagbibigay sa atin ng fulfillment na hinahanap natin.

    Great sex only happens in a great marriage. And great marriage is only possible when GOD is the center. When we make JESUS the King and Lord of our lives hindi lang basta great sex ang mapapala natin, kundi great marriages, great families, at great lives!

    Si Cass Brion ay isang transformational speaker, life coach, at author na nasa likod ng blog na Bibong Pinay. Siya rin ang asawa ni Mark Timothy at mayroon silang tatlong anak — Naomi Faith, Tabitha Hope, at Hadassah Grace na kasalukuyang ipinagbubuntis ni Cass. 

    As parents, you should not be shy about displaying affection in front of the kids. Click here to learn how public displays of affection can have positive benefits for your children.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles