;
embed embed2
  • Solo Mo Ba Dapat Ang Chores Dahil Stay-At-Home Mom Ka? Heto Ang Tingin Ng Mga Nanay

    Paano nga ba dapat hatiin ang responsibilidad?
    by Ana Gonzales .
Solo Mo Ba Dapat Ang Chores Dahil Stay-At-Home Mom Ka? Heto Ang Tingin Ng Mga Nanay
PHOTO BY Shutterstock
  • Noong mga panahong si tatay pa lang ang kumikita ng pera, automatic na si nanay ang naiiwan para mag-alaga ng mga bata at mag-asikaso sa bahay.

    Ngayon, hindi na lang si nanay ang kumikilos sa bahay—may trabaho man siya o wala. Malimit, shared responsibility na ng mag-asawa ang paga-asikaso sa mgagawaing bahay.

    Ngunit paano kung stay-at-home mom ka at si tatay lang ang nagtatrabaho? Kailangan bang ibalik sa dati na ikaw lang ang in charge sa mga gawaing bahay?

    Hati ang opinyon ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Mayroong tutol at mayroon din namang sumasang-ayon.

    Narito ang ilan sa mga pahayag nila:

    "Depende sa trabaho ni mister."

    May ilang mga nanay sa Village ang nagkwentong 24 hours ang duty ng padre de pamilya kaya hindi na nila ito inaabala pang tumulong sa gawaing bahay.

    Ayon sa kanila, kapag rest day ni mister ay hinahayaan na lang din nilang magpahinga lalo na kung sagad-sagad talaga sa puyatan.

    Nagkukusa rin naman daw ang kanilang mga asawa na tumulong kung hindi masyadong pagod sa trabaho.

    "Bantayan na lang niya ang mga bata para may me-time ako."

    Sa ibang mga nanay naman, naaappreciate nila na sa rest day ni working tatay ay isinasabay nito ang pagbabantay ng mga bata.

    Ito naman ang ginagamit ng mga nanay na pagkakataon para magkaroon ng me-time.

    "Shared reponsibility pa rin ito dapat."

    Samantala, ilang mga nanay naman sa Village ang nagsabing hindi man sila nagtatrabaho, naniniwala silang dapat ay shared responsibility pa rin ang pagaasikaso sa bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang mga tatay na sang-ayon dito dahil yon sa kanila, hindi madaling mag-alaga at magpalaki ng mga bata—lalong-lalo ngayon na homeschooling pa.

    Sabi pa ng ilang mga nanay, mas magaan at mas mabilis matapos ang mga gawaing-bahay kung dalawa ang mag-asawang nagtutulong para matapos ito.

    Bukod pa riyan, maaari rin daw maging bonding ang gawaing bahay.

    "Hanggat kaya, ako na ang gagawa."

    Sabi naman ng ilang mga nanay, hanggat kaya naman nila, hindi na sila nagpapatulong kay tatay. Kung hindi na kaya ni tatay dahil sa hapo sa trabaho, inaako na lahat ni nanay ang mga gawaing bahay.

    Ayon naman sa mga nanay ay kusa namang tumutulong si tatay kung nakikita niyang hirap na talaga si nanay.

    "Humihingi kami ng tulong sa isa't-isa."

    Aminado naman ang ilang mga magulang sa Village na hindi na sila nagpapakipot pa kung kailangan nila ng tulong.

    Hindi naman daw masamang aminin na overwhelming na ang pag-aalaga sa bata o paglilinis sa bahay. Bilang mag-asawa, responsibilidad ninyo ring alagaan ang isa't-isa, hindi lang ang itaguyod ang pamilya.

    "Pinaplano namin ang chores."

    Ito naman ang ginagawa ng ilang mga nanay at tatay sa Village para wala raw sukatan at sumbatan kung sinong mas maraming ginagawa at sinong mas kaunti.

    Importante raw na maglaan ng panahon para sa pahinga ang isa't-isa, para hindi magkaroon ng sumbatan kung sino ang mas gumagalaw.

    Pagdidiin ng mga magulang sa Village, ang pag-aasawa ay isang partnership. Sabi nga nila, matagal nang lumipas ang panahon kung saan si misis lang ang gumagawa ng gawaing bahay at si mister naman ang kumikita ng pera.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ngayon, mahalaga ang pag-uusap at pagtatalaga ng mga paraan kung paano ninyo pagagaanin ang buhay ng isa't-isa.

    Agree ka ba sa mga sinabi ng mga nanay at tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village? Hindi? Bakit? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles