embed embed2
  • Valentine's Day Gifts Na Pinakaiingatan Ng Mga Mommies Hanggang Ngayon

    Stuffed toys, jewelry, flowers, appliances ang ilan sa popular gift items.
    by Jocelyn Valle .
Valentine's Day Gifts Na Pinakaiingatan Ng Mga Mommies Hanggang Ngayon
PHOTO BY courtesy of (from left) Julikita Rigor Olvido, Marella Placido Zalameda
  • Malapit na ang Valentine’s Day! Kaya naman nagbalik-tanaw ang mga miyembro ng Smart Parenting Village Facebook group sa panahong boyfriend-girlfriend stage pa lang bago maging hubby o life partner.

    Ang topic: Inalala ang mga regalong natanggap noon at pinagkakaingatan pa nila hanggang ngayon.

    Valentine's Day gifts

    Sa sobrang pagpapahalaga ng ilang mommies sa mga natanggap gaya ng bulaklak (roses!), itinago nila ang mga iyon hanggang matuyo kalakip ang kanilang mga magagandang alaala.

    Patunay lang iyan na iba talaga ang pagpapahalaga sa mga bagay na mula sa nagmamahal at minamahal.

    Saying 'I love you' with stuffed toys

    Taong 2017 nang matanggap ni Marella Placido Zalameda ang giant bear mula sa kanyang life partner na si Russell. Ngayon may Baby Aimeerah na sila na 2 years old na sa March 2021.
    PHOTO BY courtesy of Marella Placido Zalameda
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Karamihan sa mommies ay naitabi pa ang stuffed toys na kadalasan ay teddy bear at halos kasing laki nila. Nakatago raw sa baul at, sabi ng isa, “naka-plastic pa since 2012.” Pero meron din namang ipinasa na sa kanilang mga anak ang laruan.

    May isang mommy na treasured ang kanyang panda collection na “kahit maalikabok,” naka-display sa ibabaw ng cabinet.

    Nagkuwento ang isa pang mommy tungkol sa “small pillow with small bear face sa isang side” na kanyang natanggap noon. Aniya, “Excited pa akong buksan kasi nakabalot ng gift wrap. Kaya lang sobrang dismaya ko kasi may tag prize pa. Guess what? It’s only 150 [pesos]. Then next na no’n is puro flowers na lang at food.”

    Forever jewelry

    Singsing ang alahas na kadalasang natatanggap mula sa mga boyfriend pa nila noon. Nariyan ang silver ring na dahil hindi na kasya sa ring finger, sinusuot na ngayon sa little finger.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero paliwanag ni mommy, “Kidding aside, we’re on our 19th wedding anniversary, turning 20 years in September. Kaya I consider myself a lucky girl!”

    Meron naman ang isa pang mommy na promise ring (bilang first anniversary gift noong February 2006) at three anniversary rings (February 2007, February 2008, at February 2009) hanggang dumating sa wedding ring (March 2009).

    Popular din ang necklace, kahit pendant lang, pati na bracelet na “terno kami,” at watch “that still works.”

    Regalo ni Daddy noon, pillow na ni baby ngayon!

    Kuwento ni Julikita Rigor Olivido, first Valentine surprise ng kanyang hubby ngayon, si White, ang pillow na ito noong 2017. At ginagamit na ni Baby Jewel Nina, ang kanilang 2-year-old daughter.
    PHOTO BY courtesy of Julikita Rigor Olvido
      
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Starting a family with pets!

    Ang Shih Tzu na ibinigay kay mommy noong 2012 ay parte na ng pamilyang nabuo nila ng hubby na niya ngayon bilang kanilang “fur baby.”

    Appliances very much welcome

    Nagustuhan din ng mommies ang appliances na ibinigay sa kanila, maging 50-inch TV set pa ito o ordinaryong plantsa.

    Kuwento ng isa sa kanila na ang plantsa na natanggap niya noong 2008 ay nagagamit pa rin niya ngayon na ilan taon na silang mag-asawa ng nagregalo sa kanya. 

    Ayon pa sa kanya, “Teddy bear sana ibibigay niya, pero takot ako sa may mata. Feeling ko, nakatingin sa ’kin. Kaya tinanong niya ako ano gusto ko. Nagdo-dorm ako no’n at wala akong plantsa, kaya ’yun ang sinabi ko.”

    Marami ring mommies ang nagsabing lahat ng ibigay sa kanila noon at ngayon, appreciated nila nang husto. Andiyan ang love letters na “madrama” at “cheesy,” pati na samu’t-saring mga gamit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nga ng isang mommy, “Kahit ga’no kaliit o kalaki—mula sa plastic na bulaklak, wallet, bag—nakatabi ’yan lahat. Actually, kahit ano naman na bigay sa ’kin, tinatabi ko talaga. Kahit di ko magamit kasi pag bigay, napaka-special for me.”

    May mga nagbiro naman na mga anak ang regalong nasa kanila pa hanggang ngayon at meron ding sumagot ng “sama ng loob” ang binigay sa kanila.

    Rosary as a sign

    Sa lahat ng natanggap na regalo ni mommy, ang rosary na mula pa raw sa Jerusalem na ibinigay sa kanya noong 2016 ang kanyang paborito.

    Katulad niya ang isa pang mommy na ibinahagi ang love story nilang mag-asawa: “Rosary, binigay niya sa akin no’ng nag-meet kami, since textmate lang kami back in 2004. ’Yon pala, hiningi niyang sign kay God na kapag nagkita ulit kami at nasa akin pa ang rosary, ako na talaga ang babae para sa kanya. After 2004, nagkita kami ulit ng 2009, at nagsama. Sa ngayon, 10 years married na.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles