embed embed2
  • Paano Napatawad Ni Vicki Belo Si Hayden Kho At Nalampasan Nila Ang Pagsubok

    May 2009 nang pumutok ang scandal na kinasangkutan ni Hayden.
    by Jocelyn Valle .
  • Alam ni Dr. Vicki Belo na maraming nagtataka kung bakit nakayanan niyang patawarin ang asawa na niya ngayong si Dr. Hayden Kho Jr. nang masangkot ito sa sex video scandal noong 2009.

    “At that time, I looked so bad,” sabi ng celebrity beauty doctor kay Toni Gonzaga. Nagpa-interview siya at si Hayden para sa vlog ni Toni na posted nitong Febbruary 22, 2021 (mag-scroll sa baba para mapanood).

    Sa mata ng publiko, nagmukha raw siyang “dumb” para protektahan pa ang taong nanloko sa kanya. Aniya, “The perception is this old lady still loves this guy despite everything.”

    Mayroong 25 years na age gap sina Vicki, 65, at Hayden, 40. Nagkakilala sila noong 2000, kung kailan ipinagdiwang ni Hayden ang kanyang 25th birthday. Naging magkaibigan sila at tuluyang naging magkasintahan. Nagpakasal sila sa Paris, France noong 2017.

    Pero bago pa pumutok ang sex video scandal, ayon kay Vicki, apat na buwan na silang break. Alam na niya ang tungkol sa sex videos ni Hayden nang mga panahon na iyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bandang late 2008 pa lang kasi nakatanggap si Hayden ng “extortion attempt.” December 8 ng taon na iyon mapanood si Vicki ang sex videos, at pagkaraan ng isa o dalawang araw, nagtangka si Hayden ng suicide.

    Kuwento ni Hayden na “hindi willing to negotiate” ang taong nage-extort sa kanya, kaya naisapubliko ang sex videos sa mismong birthday niya, May 20, 2009.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kahit break na si Vicki kay Hayden, siya pa rin ang umagapay kasama ng pamilya ni Hayden. Nag-alala raw si Vicki dahil tatlong araw na hindi nagigising si Hayden. Pinatingin na nga raw nila sa neurologist para ma-check ang brain waves measurement at energy.

    Pagbabalik-tanaw ni Hayden, “Kung ako lang, on my own, hindi ko masu-survive. So, my family, Vicki. Siya na ang na-offend ko, siya pa ang ka-help ko do’n. People will find this corny, but it’s really God.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kalaunan, nagkabalikan sina Vicki at Hayden. Nagpaliwanag si Vicki kung bakit nakayanan niyang magpatawad at tanggapin muli si Hayden. 

    Lahad niya, “Hayden is very kind. So no problem with me. I also know that he was molested by a gay person. That part of him he’d talk to me about…

    "I know in his mind he’s so dirty. Parang this guy is capable of so much, he’s such a good person, but not the right breaks, and he’s so young.”

    Nanghihinayang daw si Vicki na hindi pinahalagahan ni Hayden ang buhay para subukang mag-suicide. Umalalay lang daw siya, pero si God daw talaga ang nakapagpabago kay Hayden.

    Pahayag ni Vicki, “People think that they can change people by doing things. You have to realize you can’t do anything. Nothing worked until God came into his life. And then, I let go, and he totally changed.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Hayden, narating niya ang “point of surrender” nang makilala niya noong 2013 ang sinasabi niyang mentor na si Ravi Zacharias, isang Christian evangelist. Pumanaw si Ravi noong 2020.

    Kuwento ni Hayden tungkol sa kanyang mentor, “He shared to me how important it is to live your life according to the truth. Truth is not an idea. Truth is a person. That’s when I discovered Christ, my Lord.”

    Mula raw noon, napapansin ng mga malalapit sa kanya ang pagbabago sa kanyang disposition. Naging “at peace, mellow” daw siya, ayon sa kanyang mga kaibigan. Pinatotohanan naman ito ng kanyang asawa.

    Sabi ni Vicki, “He really lives the talk. It’s not a monologue. I see him struggle. People don’t believe. It’s too good to be true. But I promise you it’s true. It’s not a perfect life, of course.”

    Pahayag naman ni Hayden na sobrang appreciated niya ang kanyang asawa at ang pamilyamg nabuo nila kasama ang anak na si Scarlett Snow.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, “For me, the whole idea that I married the person that God sent to me. Who changes me by her love. That to me is the very gift. That’s why we have this small family with Scarlett.” 

    Mapapanood dito ang interview ni Toni Gonzaga sa mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho Jr.:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles