embed embed2
  • Wala Na Kaming Sexy Time Ni Hubby, Anong Gagawin Ko?

    Nag-eeffort ako para maibalik ang dati pero wala pa ring nangyayari.
    by Ana Gonzales .
Wala Na Kaming Sexy Time Ni Hubby, Anong Gagawin Ko?
PHOTO BY iStock
  • Bahagi na ng pagsasama ng mag-asawa ang sex, ngunit may mga pagkakataon sa pagsasama ng mag-asawa na nagiging madalang ito. Normal lang itong pinagdadaanan ng mag-asawa pero hindi maiwasang makaramdam ng pag-aalala ang mga nanay, lalo na kung kapapanganak lang nila o nagiging busy na sila sa kanilang mga anak.  

    Narito ang mga kwentong patungkol sa usaping iyan:

    Anong gagawin ko kung wala na kaming “Zumba sessions?”

    I know it’s funny, but as married people, we all know it’s normal. May nabasa kasi ako na dapat ang mag-asawa, at least once a week ay may “Zumba” sessions. Okay naman kami ng asawa ko. Pareho kaming OFW. Hindi ko alam kung sobrang pagod lang sa work pero madalas, wala siyang gana na makipagsex sa akin. 

    Minsan, gusto ko siyang kausapin tungkol dito, pero nauuwi lang sa biruan. Hindi niya ako sineseryoso pagdating sa ganitong isapan. Hindi ko alam kung dahil sa age gap namin—nasa 20s ako at nasa 30s naman siya. Wala ring third party na involved. Maalaga naman ako sa sarili ko at sinisiguro kong gaganahan siya sa akin. Pero wala talaga. Dati, hindi na namin kailangang pag-usapan, tinginan lang, haplos, at ngitian, alam na namin ang gusto ng isa’t-isa. Ngayon, wala na. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Normal pa ba ang pangangailangan ko sa sex?

    Hindi ko alam kung normal pa ba ito. One of my emotional needs is sexual fulfilment. Unfortunately, hindi kasama sa mga emotional needs ng asawa ko ang sexual fulfilment. Ang tagal ko nang kinikimkim ito, pero ngayon, nasabi ko na sa kanya. 

    Open naman kami sa isa’t-isa, pero sa topic lang na ito talaga kami nahihirapan. Simula nang magkaroon kami ng anak, hindi na kami intimate sa isa’t-isa. Kung may mangyari man sa amin, parang wala na siyang intimacy. Wala na kaming emotional connection. 

    More from Smart Parenting

    Wala namang third party. Noong nag-usap kami, wala naman siyang nabanggit na ano mang sama ng loob sa akin. Wala rin naman akong sama ng loob sa kanya. Pero nasaktan ako nang sabihin niyang kung papipiliin siya, mas gusto na lang niyang matulog.

    May libro bang pwedeng makatulong sa akin? Mayroon ba akong pwedeng gawin o kailangang malaman?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala naman akong mairereklamo tungkol sa asawa ko. Mabuti siyang ama. Good provider din siya. Lahat ginagawa niya para maging maayos ang buhay naming pamilya niya. Buong sahod niya, surrender niya sa amin. Pero hindi naman iyon lang ang hinahanap ko. Namimiss ko ang lambingan at ang emotional at sexual connection namin.  

    More from Smart Parenting

    Selfish ba ako dahil sa hinihingi ko sa kanya? Madamot ba ako dahil gusto kong maging intimate kami? Hindi ko na alam ang gagawin. How can I make our relationship work kung mayroon akong need na hindi fulfilled? 

    Mahal na mahal ko ang asawa ko. Ayokong tuluyang mawala ang intimacy namin. Ayaw kong mawala ang aming emotional at sexual connection. Hindi ko na alam kung anong gagawin. 

    Pababayaan ko na lang ba ito? Hihintayin ko bang magbago ang mga pangyayari? Isasakripisyo ko ba ang pangangailangan ko na iyon? Wala akong balak na palitan ang asawa ko. Gusto ko lang na bumalik o mas painitin pa ang sex life namin. Hindi ko na alam ang gagawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles