-
Tanong Ni Toni Gonzaga Kay Direk Paul: What Would Make You Walk Out of Our Marriage?
Game na game na sinagot ng batikang direktor ang mga tanong ng kanyang asawa tungkol sa kanilang pagsasama.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa pinakahuling vlog ng actress at TV host na si Toni Gonzaga, kinapanayam niya ang kanyang asawang si direk Paul Soriano. Umikot ang vlog sa mga tanong ni Toni na ayon sa kanya ay hindi pa nila napag-uusapan ng masinsinan.
Nagsimula si Toni sa pagtatanong kung bakit pare-pareho lang ang isinusuot na damit ni Direk Paul. “It’s just comfortable—so I don’t have to waste time thinking about what I need to wear,” sagot naman ng direktor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTinanong din ni Toni kung paano nga ba hinahandle ni Paul ang mga bashers. “Do you get affected by criticisms?” tanong ng aktres. “From people that I don’t know? No. It doesn’t bother me,” sagot naman ng kanyang asawa. “At the end of the day, I listen to the people who are close to me. Their criticism is what matters,” dagdag pa nito.
Mula sa mga tanong tungkol sa career, napunta naman ang usapan sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Nang tanuning ni Toni si Paul kung mayroon man itong gustong baguhin sa kanya, mabilis na sumagot ang direktor na wala. “You just have to love and accept people for who they are and the change will just come naturally,” paliwanag nito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIkinwento pa ni Toni na nang ipagupit daw niya ng maiksi ang buhok niya, hindi pala ito nagustuhan ng kanyang asawa pero wala itong sinabi. “I remember that. He went home and my hair was so short. Sabi niya, ‘O, what happened to your hair?’ But he didn’t say anything.” Kwento ni Toni. “Such a nice guy,” dagdag pa ni Toni. “That’s a tip for husbands out there,” singit naman ni Paul. “Sometimes, just don’t say anything.”
Maganda rin ang ipinadalang tanong ng kapatid ni Toni na si Alex. “Do you still get kilig?” Sagot naman ni direk Paul, “Right now, in this stage of our relationship, the kilig has evolved into watching you take care of our son, when you change his diaper when you know I don’t want to, when you brush his teeth, and you know I’m already sleeping.” Ayon pa sa kanya, hindi na basta ordinaryong kilig kundi mas malalim na appreciation.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIpinatanong din ni Alex kung kailan nga ba nalaman ni Paul sa si Toni na ang “The One”. Ayon sa direktor, nalaman daw niya na si Toni na dahil hindi na niya nakalimutan ito. “You were always in my mind,” sabi niya. “You have never left.”
Sumunod na tanong ni Toni ay kung ano ang pinakamahirap na pinagdaanan ni Paul simula noong sila’y magkasintahan pa lang. Unang sagot ni Paul ay ang publicity. Pangalawang sinabi niya ay ang mga magulang ni Toni. “With your parents, at the end of the day, you just have to respect. You may not agree, so you agree to disagree,” paliwanag ni Paul. Ayon pa dito, dahil gusto niyang maging maayos ang relasyon niya kay Toni, iginagalang niya ang rules ng mga magulang nito. Sagot naman ni Toni, “I’ve known Paul. There was never a time na dinisrespect niya ang mommy and daddy. Kahit hindi na niya gusto ‘yung mga rules. That just shows his character and how he was raised.” Biglang singit naman si Paul ng, “And also, how worth it you are.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagdating naman sa pagiging misis ni Toni, sabi ni Paul, hindi raw niya inasahang makakaya ni Toni na maging homemaker dahil na rin sa dami ng mga responsibilidad nito sa showbusiness. “I try to make our home look nice para you would want to come home,” sabi naman ni Toni.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIkinwento rin ni Paul na dati, hindi maagang nagigising si Toni, ngunit ngayong nanay na siya, gising na siya ng 6a.m. Sobrang aga na rin daw nilang pamilya na mag-mall. “When you have a kid, walang tao sa mall is the best time to go to the mall,” sabi ni Toni.
Tinanong din ni Toni si Paul kung sa tingin ba nito si Toni ay better wife o better mother. “Mother,” sagot ni Paul.
“Being a better mother is what makes you a better wife."
Ang pinakahuling tanong ni Toni kay Paul ay kung ano ang isa sa maaaring maging dahilan para mag walk out si Paul sa kanilang pagsasama. “It’s when you walk out,” sagot naman ni Paul. “What if I don’t?” mabilis na tanong ni Toni. “Then I won’t,” sabi naman ni Paul.
What other parents are reading
Hindi maikakailang mahirap ang buhay may asawa. Laging katambal ng kaligayahan ang kung anu-anong challenges at problema. Hindi rin maiiwasan ang away at hindi pagkakaintindihan dahil normal itong bahagi ng kahit anong pagsasama. Ang pagpapakasal ay isang pangako na pipiliin mo araw-araw ang mapapangasawa mo ano man ang maranasan ninyong dalawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ka bang kilig stories o di kaya ay away mag-asawa na napagtagumpayan ninyo? Pwede mong i-share yan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments