Relationship goals naman talagang maituturing ang relasyon ni Jim Bacarro at Saab Magalona. Mula sa kanilang podcast na Wake Up with Jim and Saab, mga vlog at social media accounts, at pati na rin ang iba't-ibang business venture nila bilang mag-asawa, makikitang talagang magkasundo at “aligned” ang goals nila, lalo na sa pagpapalaki sa dalawa nilang anak na si Pancho at Vito.
Kwento nila sa SmartParenting.com.ph minsan na silang nagkaroon ng discussion kung paano nga ba mas magiging mabuting magulang at partner sa isa't-isa. Ani Jim, “‘We have to be happy people. We have to be in love. We have to support each other because that’s the best way we can be better parents,” Jim shares.
Dahil mukhang “in sync” ang mag-asawa, sinubukan ng Smart Parenting team kung gaano talaga nila kakilala ang isa’t isa at kung kaya ba nilang basahin ang nasa isip ng kanilang partner sa pamamagitan ng isang game na tinatawag na “What Would My Partner Say?”
Panoorin ang kabuuan ng Smart Parenting Exclusive na ito: