embed embed2
  • Bakit Mahalaga Na Alam Mo Ang Kinikita Ng Asawa Mo

    May karapatan ka, Mommy, na malaman ang totoong kinikita ng asawa mo!
    by Laira C. Pelesco .
Bakit Mahalaga Na Alam Mo Ang Kinikita Ng Asawa Mo
PHOTO BY iStock
  • Sa isang tipikal na pamilyang Pilipino, pangkaraniwang set-up na ang asawang lalaki ang nagtatrabaho at naglalaan ng pinansiyal na pangangailangan ng pamilya niya. Ang asawang babae naman ang nag-aaalaga ng mga bata. Bukod doon, si nanay rin ang nakatoka sa gawaing-bahay gaya ng pagluluto, paglalaba at paglilinis.

    Kaya sa dami ng ginagawa mo bilang isang ina, importante mo pa bang malaman kung magkano ang kinikita ng mister mo? Kaya mo bang maging budget manager ng iyong pamilya? Ang sagot ay tumataginting na Oo!

    More from Smart Parenting

    Bakit mahalaga na alam mo ang kita ng asawa mo

    Makakatulong ang awareness sa sweldo ng iyong asawa para magawa mo ng tama ang trabaho bilang “budget manager” ng pamilya. Paano ka makakagawa ng budget na kabangga ng kita ng mister mo kung hindi mo alam ang eksaktong halaga ng kita niya? Parang nagpaplano ka non ng walang binabatayang anuman!

    Nakabase rin sa main income ng pamilya ang paraan ng pamumuhay ng isang pamilya (family lifestyle). Gusto mo maiwasan rin ang overspending, o ang paggastos na sobra o lagpas sa kita ng pamilya, na maaaring pagmulan ng di-kinakailangang pangungutang. Paano ka rin makakapagtabi (save) kung hindi mo alam ang kita ng asawa mo? Kasama ito lahat sa pagbuo ng budget ng pamilya mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa mga nanay na hindi naghahawak ng pera ng pamilya, nararapat pa rin na malaman ang totoong halaga ng sweldo ng kaniyang asawa, dahil ang kita ni mister ay kita rin ni misis. Ang sweldo ni mister ay kasama sa tinatawag na “conjugal properties” ng mag-asawa na initakda ng batas ng Pilipinas. Anuman ang kinikita niya ay kita ng buong pamilya (family income).

    Kaya may karapatan ka, Mommy, na malaman ang totoong kinikita ng asawa mo! Hindi para sa sarili mong kapakanan kundi para sa kapakanan ng buong pamilya mo. Bukod pa rito, ang pagiging “transparent” sa bawa’t isa sa lahat ng aspeto ng buhay may-asawa ay nakakatulong para maging mas matibay ang pagsasama at maging mas panatag ang bawat miyembro ng pamilya.

    More from Smart Parenting

    Iniisip mo hindi ka marunong sa pera

    Pakiramdam mo ba na hindi mo kayang maghawak ng budget ng pamilya? May mga ibang babae na ganito ang pakiramdam – na hindi sila marunong sa pera, o hindi sila sigurado kung kaya ba nila ang responsibilidad ng pagba-budget.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong ako ay mag-asawa, ako talaga ang humahawak ng budget namin. Pero noong nanganak na ko, ibinigay ko sa asawa ko ang pamamahala sa pera. Ang dahilan ko? Gusto ko kasi maibigay ang buong atensiyon ko sa pag-aaalaga sa mga anak ko. Parang hindi ko kayang intindihin pa ang pagba-budget. Basta sinasabi ko lang ang pangangailangan ng mga bata — hindi ko sinisilip kung meron pa bang panggastos o wala na.

    Ang resulta? Hindi kami nakapagdagdag sa naipon naming pera, at nakakalungkot, nabawasan pa nga namin iyon. Dahil sa hindi ko iniisip ang pagba-budget noon, hindi namin nakontrol ang paggastos. Kaya doon ko naisip na napakahalaga pala na bigyan rin ng pansin ng isang kagaya kong nanay ang pagba-budget ng gastusin ng pamilya. Noong nakaraang taon ako na ang humawak uli sa pagbabudget ng pera.

    More from Smart Parenting

    Budgeting tips for moms 

    Mahirap ba ang maghawak ng budget? Hindi naman. Kailangan mo lang magkaroon ng malasakit at panahon para asikasuhin ang pinansiyal na pagpaplano para sa pamilya mo. Dahil kung hindi mo ito gagawin at basta ka na lamang hihingi ng panggastos, parang nakatingin ka lang sa pangkasalukuyang mga pangangailangan (present needs), at hindi nakikita ang panghinaharap na kalagayan ng iyong pamilya tungkol sa pinansiyal – gaya ng pag-iipon, pagkakautang, pagkakaroon ng seguro (insurance) at iba pang bayarin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Ang simpleng kaalaman sa pagba-budget na kailangan mo sa umpisa

    Isulat sa isang papel ay isulat ang gastusin ng pamilya sa loob ng isang buwan. I-grupo ito base sa pangunahin pangangailangan (main needs) at kagustuhan (wants) ng pamilya.

    Nakapaloob sa main needs ang gastusin sa grocery, palengke, utility bills (kuryente, tubig, house rent) at iba pa. Sa isang group naman (wants) ay isulat ang gastusin sa paglilibang, pagkain sa labas at iba pa.

    Kalkulahin ang lahat at ikumpara ito sa kita ng pamilya. Ang sobrang pera ay gawing petty cash ng pamilya para sa mga iba pang maliliit na gastusin.

    More from Smart Parenting

    2. Huwag kalimutan ang pagtatabi ng pera.

    Bago ang lahat, sikaping magtabi ng pera mula sa kita. Magtabi ng 20% sa net income ng pamilya bago gumawa ng budget. Sa paraang ito ay makakapaglaan ka na para sa pag-iipon at hindi magagastos ang lahat ng pera.

    3. Gumamit ng mga envelopes or money organizers

    Nakakatulong ito para pagbukod-bukurin ang mga pera, at maiiwasan na magastos ang ibang pera na nakalaan sa ibang bagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Ang sikreto ay ang pakikipagtulungan

    Kahit ikaw ang budget manager ng pamilya, kailangan pa rin ang pakikipagtulungan ninyong pareho mag-asawa, sa pagpaplano ng pinansiyal na pangangailangan ng pamilya. Makipag-usap at mag “brain-storming” kayong mag-asawa, para sa ikatatatag ng inyong pamilya.

    Si Laira Pelesco ay isang full-time mom kay Keilah Bree, 6, at Kendall Soleil, 3. Kabilang siya sa Smart Parenting Mom Network at isang part-time licensed financial advisor. Sundan siya sa kaniyang Instagram @truthsofmommylai at sa kaniyang blog truthsoflai.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles