;
embed embed2
  • Damay-Damay Na 'To! Here's What Moms Are Buying On The 11.11 Sale

    Anong laman ng cart mo ngayon?
    by Ana Gonzales .
Damay-Damay Na 'To! Here's What Moms Are Buying On The 11.11 Sale
PHOTO BY Instagram/Din Real Bautista/Lego
  • Kung noon ay nakikipag-unahan tayo sa pagpila sa mga malls para makarami ng mabibili tuwing may sale, ngayon naman ay nagpupuyat tayo para i-checkout ang laman ng ating mga carts.

    MORE ITEMS YOU CAN ADD TO YOUR CART HERE:

    Online shopping na kasi ngayon ang mas pinipili ng maraming tao, lalo na't marami sa atin ang hindi nakakaalis ng bahay dahil sa COVID-19 pandemic.

    Para mas makatipid, naging ugali na ng mga online shoppers na mag-abang ng mga sales at gumamit ng mga vouchers. Ang siste, illagay mo muna ang lahat ng mga gusto mong bilhin sa iyong cart at saka mo ito iche-checkout sa mismong araw ng sale.

    Tinanong namin ang mga nanay na kabilang sa aming #SPMomNetwork, kung ano ang laman ng cart nila at heto ang ilan sa mga balak nilang bilhin. I-add to cart mo na rin!

    Workout clothes at equipment

    Marami sa mga #SPMomNetwork mommies ang talaga namang masipag magworkout. Kaya naman karamihan sa mga laman ng cart nila ay mga workout clothes at equipment.

    "I was never the type naman to really buy a lot pero lately, my focus is wellness. Working out helps a lot in fighting this "inner pandemic" so I do whatever it takes to get by happily!" Kwento ni mommy Din Real-Bautista.

    Anong laman ng cart niya? Mayroons crop tops, leggings, activewear sets, jump ropes, at caps. Bumili rin siya ng mga libro para sa kanyang anak na si Monica.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Change lifestyle naman si mommy Alyssa Jimeno kaya marami ring workout clothes sa kanyang cart. Karamihan sa mga ito ay mga sports bra at yoga pants.

    Mga gamit sa pagluluto

    Dahil mahilig magluto si mommy Katzi Felix Santos, puro gamit sa kusina at pang-bake ang mayroon siya sa loob ng cart niya.

    "I love cooking with my Instant Pot. The food cooks so quickly and everything comes out more flavorful," sabi niya. Nonstick na pot naman daw ang gusto niya ngayon para hindi dumidikit ang pagkain.

    Mayroon din siyang Instant Pot Silicone lid cover sa kanyang cart, pati na rin mga baking ingredients tulad ng bread flour, cake flour, AP flour, chocolate chips, at vanilla. "The lockdown made my twins and I discover our love for baking," kwento pa niya.

    Bukod pa sa kanyang cooking and baking essentials, balak din niyang bumili ng mga open-ended toys tulad ng Lego Creative Brick Box at pangguhit tulad ng Crayola Slick Stix.

    Pink air fryer na pang terno naman sa kanilang pink oven ang nasa cart ni mommy Bryce Tucker-Tiburcio. "I think it would be good for my busy or lazy days, I'll just pop something and attend to other chores, then may ulam na kami. And also because it's a healthier way of eating fried foods since you don't need to use oil. Low fat na, wala pang talsik!"

    Baby clothes at books

    Syempre hindi pwedeng lumipas ang mga online sales kung hindi bibili ang mga mommies ng baby clothes at books.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    'Yan ang nasa cart ni mommy Moise Santos. "There are so many baby books and cute baby clothes that I want to buy for my baby boy!" Excited na kwento niya.

    Mga baby books mula sa Fully Booked online shop ang balak bilhin ni mommy. Oorder din daw siya ng wooden rainbow stacker na isa ring popular na laruan ngayon.

    Plantita supplies

    Marami rin sa mga nanay sa #SPMomNetwork ang plantita, tulad ni mommy Luisa Pua. Plant stand at planters ang balak niyang bilhin para mas maging organisado ang kaniyang mga plant babies.

    Umorder din daw siya ng mga Christmas ribbons, mga Santa Claus decorations, night light, at iba't-ibang laruan.

    Bukod pa sa mga ito, plano ring bumili ng mga #SPMomNetwork mommies ng pandekorasyon sa bahay, laruan ng mga kids, anti-COVID-19 supplies, at iba pang mga may kinalaman sa pagiging plantita.

    MORE ITEMS YOU CAN ADD TO YOUR CART HERE:

    Kayo? Anong laman ng cart ninyo? I-share mo na iyan sa comments section. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles