;
embed embed2
  • Sabi Ni Dimples Romana, ‘Puwedeng Abutin Ang Mga Pangarap’ Sa Ganitong Paraan

    Pinag-ipunan ng actress at mom of two ang pagbili ng Bencab at Manansala artwork.
    by Jocelyn Valle .
  • Isa na namang pangarap ni Dimples Romana ang natupad nang mapunan niya ng mga inaasam na bagay ang bago niyang condo unit.

    Kabilang sa mga iyon ang artwork nila Benedicto “Bencab” Cabrera at Vicente Manansala, na parehong nagawaran ng titulong National Artist for Visual Arts.

    Kuwento ni Dimples sa condo tour na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, matagal na niya at kanyang asawang si Boyet Ahmee planong mag-invest sa art. Sumusubok din daw siyang magpinta pero hindi naman daw kasing husay ng mga maestro.

    Naka-display katabi ng front door ng condo unit ang Bencab artwork na may titulong Young Lovers (conte pencil on paper, 1993). Biro pa ng aktres na pinapaalala ng artwork ang kabataan nila ng mister at para manatili silang bata.

    Hindi kalayuan ang isa pang Bencab, ang Dance Sabel (archival print, 2014). Ang muse ni Bencab na si Sabel ay para raw ang iconic character niyang si Daniella Mondragon mula sa hit teleseryeng Kadenang Ginto.

     

    PHOTO BY YouTube/Dimples Romana Official
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Pag-amin ni Dimples, matagal niyang pinag-ipunan na makabili ng Bencab. Noon daw na nakilala niya si Bencab habang nagbabakasyon silang mag-anak sa Baguio (kung saan nakabase at mayroong museum ang tanyag na pintor), napabulong siya ng dasal.

    Hindi makakalimutan ni Dimples ang nasambit niya noon sa sarili: “Lord, sana po talaga makabili ako ng Bencab.”

    Nasaagot nga ang kanyang dasal, pati na ang isa pang inaasam na Manansala artwork (Still Life Seafood woodcut, 1955). Sa may dining area naman naka-display ang obrang 66 years old na pero hindi kumukupas.

    Lahad ni Dimples, "Minsan, masarap lang talaga mangarap. Basta ang importante: wala kang tinatapakan na tao, wala kang ninanakawan, wala kang inaagrabyado, malinis ang trabaho. Puwedeng abutin ang mga pangarap."

    Nabili ng nagsisimulang art collector ang Bencab at Manansala artworks sa isang auction ng Leon Gallery. Tinatayang mula Php300,000 hanggang Php390,000 ang estimate price ng Young Lovers, ayon sa Invaluable auction website. 

    Bukod sa artwork, kapansin-pansin ang maaaliwalas na ayos ng condo unit ng pamilya ni Dimples. Loft-type ito kaya may second floor at may magandang view ng Makati City.

     

    Payo ni Dimples na gumamit ng manipis na kurtina para may natural light na perfect pang-selfie.
    PHOTO BY YouTube/Dimples Romana
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Takaw-pansin din ang ilan pang kagamitan sa pangatlong condo unit sa listahan ng real estate property ng mag-asawang Dimples at Boyet. Nabigyan na din nila ng tirahan ang kanilang kasam-bahay (basahin dito).

     

    Ang sliding pantry ni Dimples ay balot ng solihiya, tulad ng maraming cabinet sa condo unit.
    PHOTO BY YouTube/Dimples Romana
    Ang isa pang pinakaiingatan na bagay ni Dimples ay ang Bible na ginamit sa kasal nila ni Boyet noong 2003. Mayroon na silang dalawang anak: Callie, 17, at Alonzo, 6.

     

     

    Sabi ni Dimples sa hawak na wedding Bible, "It gives me comfort whenever Boyet and I fight.
    PHOTO BY YouTube/Dimples Romana Official
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mapapanood dito ang vlog ni Dimples:

     

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles