Buntis si Marian Candace T. Jinahon mula sa panganay nila ng asawang si Keril noong 2018 nang matuklasan niya ang cloth diaper. Na-curious siya sa “usual lampin” pero disposable diaper ang tabas at may Velcro-type hook-and-loop fastener.
Nagsimula si Candace mag-research tungkol dito hanggang napadpad sa Facebook page ng Cloth Diaper Advocates Philippines (CDAPH), na siyang daan para makabili siya ng ilang pirasong “preloved” items.
Nang manganak siya, pinasuot pa rin niya ng disposable diapers si Baby Kiel, pero ilang linggo lang dahil na-realize niya ang daming nalikhang basura nito, at problema sa kanilang lugar sa Marinduque ang waste disposal.
Simula noon, hindi na bumili si Candace ng disposable diaper at exclusive cloth diaper na ang pinasuot niya kay Baby Kiel. Sa huling bilang niya nitong March 2021, nakaipon na siya ng 93 pieces na cloth diaper, pati na 115 flats at 15 boosters.
Nagagamit ang mga ito hindi lang daw ni Baby Kiel, na 2 years old na ngayon, pero maging ang ang ikalawang anak nilang si Baby Maxxe, na 5 months old.
Baby Maxxe, March 2021
PHOTO BY Marian Candace T. Jinahon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lahad ni Candace na nakagastos silang mag-asawa ng halos Php33,000 para sa buong stash nila ng cloth diaper. Nagkakahalaga ng Php350 ang bawat set na naipon nila sa nakaraang dalawang taon.
Kung sa disposable diaper daw, base sa kanyang computation gamit ang ordinary brand para sa dalawang bata hanggang marating nila ang 3 years old, baka Php145,200 ang gastos nila.
Samakatuwid, sabi pa ni Candace, nakatipid sila ng Php112,200. Ang laki ng diperensya sa halos Php33,000 nilang gastos sa cloth diaper, kahit raw idagdag pa ang bayad nila sa electric bill, water bill, at detergent.
Suot ni Baby Kiel ang isang set ng cloth diaper mula baby siya hanggang ngayon na 2 years old na siya. Karga siya ng kanyang tita na si Margarita Nenet.
PHOTO BY Courtesy of Marian Candace T. Jinahon
Nakabawas din sila ng 14,520 piraso ng soiled disposable diapers na tiyak niyang matatambak lang sa landill.
CONTINUE READING BELOW
watch now
Bukod sa tipid sa pera at bawas sa basura, malaking tulong daw sa health ng mga bata ang cloth diaper. Mas madalang daw ang pagkakataon na magkaroon sila ng rashes at magkasakit sa urinary tract infection (UTI).
Sabi pa niya Candance, hindi naging problema sa kanilang pamilya nang magkaubusan ng disposable diaper sa simula ng COVID-19 pandemic noong March 2020. Naging bonding na rin daw nilang mag-asawa ang paghahanap ng cloth diaper at nakahanap siya ng advocacy. Hangad daw niyang mahikayat ang kapwa niya mommies na gumamit ng cloth diaper.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.