embed embed2
  • Inalala Ni Lovely Abella Ang ‘Humble Beginnings’ Ng Negosyo Nila, Nangako Sa Mga Empleyado

    Itinatag ni Lovely at kanyang asawang si Benj Manalo ang kanilang kumpanya noong kasagsagan ng pandemya.
    by Jocelyn Valle .
Inalala Ni Lovely Abella Ang ‘Humble Beginnings’ Ng Negosyo Nila, Nangako Sa Mga Empleyado
PHOTO BY Instagram/lovelyabella_
  • Bukod sa live selling na naging sandalan ni Lovely Abella nang mahinto pansamantala ang trabaho bilang artista dahil sa COVID-19 pandemic (basahin dito), sumabak din siya at kanyang mister na si Benj Manalo sa iba pang negosyo.

    "Humble beginnings" ang pagsasalarawan ni Lovely sa pagtatag nilang mag-asawa sa kanilang kumpanya na Seven Long Table Marketing Inc. sa kasagsagan ng pandemya noong September 2020.

    Si Lovely ang tumatayong chief executive officer (CEO) habang si Benj naman ang chief operating officer (COO). Distributor sila ng ilang produkto: Lovely Cosmetics, Caf'eatte slimming coffee, Kaysha Sandalia footwear, at Pareja apparel.

    Pagbabalik-tanaw ni Lovely sa isang Instagram post: "Nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na. Ginamit namin ang unang napundar namin ng asawa ko @benj na bahay ginawang stockroom at office."

    Pagpapatuloy ng dancer-turned-comedienne na mainstay ng Bubble Gang gag show ng GMA-7: "Pero sadyang napakabuti mo LORD. Di na naman kami kasya knowing na SOLD OUT ang mga stocks namin. Kailangan na ng mas MALAKI na warehouse para mas madami ang mabibigyan namin ng WORK.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "I know kung ano ang purpose namin sa mundo and dont worry Lord pangako magiging Daan mo kami. Congrats team seven long table. Laban!"

    Nagkuwento si Lovely sa isa pang post, kalakip ang ilang litratong nilang mag-asawa kasama ang kanilang mga empleyado.

    Aniya, "Di kami mapapagod ni sir @benj para sa mga taong to. Dahil nakita namin na iba ang effort at pagmamahal ninyo sa kompanyang meron tayo. Congratulations team. And good job. Thank you so much Lord Sa pamilyang to. Praying na ang bahay na to ay magiging magandang ala-ala na lang sa lahat."

    Nangako rin siya sa kanilang mga empleyado: "Mas malaki na ang gagalawan natin this year or next year."

    Business tips

    Sa mga nagbabalak na magbitiw sa trabaho para magtayo ng sariling negosyo, pero merong mga maliliit na anak, may payo ang padre de pamilya na si Nico Bacani. Aniya, may ilan ka munang sagutin na mga tanong, tulad ng mga sumusunod:

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    1. Ang naiisip mo bang negosyo ay hindi na makakapaghintay pa sa loob ng isa hanggang dalawang taon, o kung malalaki na ang mga anak mo?
    2. Meron ka bang ipon na katumbas ang anim na buwang suweldo, na siyang gagamitin mo sa pagpapatakbo ng negosyo at hindi magagalaw ang budget para sa bahay?
    3. Meron ka bang exit strategy sakaling hindi maganda ang kinalabasan ang iyong negosyo?
    4. Kakayanin mo bang pagsabayin ang iyong trabaho at negosyo, o kailangan mo talagang mag-resign?
    5. Meron ka bang mapagi-iwanan ng mga bata kung maging masyado kang abala sa pagpapatakbo ng negosyo o sa mga panahon ng business emergency?
    6. Sa tingin mo ba maaabot mo ang goal mong mas makasama ang iyong pamilya kumpara kung mananatili ka sa trabaho mo?

    Basahin dito at dito para sa business success stories.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close