embed embed2
  • Maaari Kang Kumita Ng P10,000 Pataas Kada Araw Sa Online Job Na Ito

    Bagay na bagay ito sa mga nanay dahil bukod sa flexible ang oras, pwede ka ring kumita ng malaki.
    by Ana Gonzales .
Maaari Kang Kumita Ng P10,000 Pataas Kada Araw Sa Online Job Na Ito
PHOTO BY Unsplash
  • Isa na siguro ang pagiging writer sa mga online jobs na talaga namang hindi nawawala ang demand. Halos lahat kasi ng mga kumpanya ngayon, ano man ang industriya, ay naglalabas na ng iba't-ibang uri ng content online.

    Ibig sabihin, nangangailangan sila ng mga taong kayang magsulat ng mga blog posts, articles, social media posts, at iba pa. Kaya naman kung naghahanap ka ng online job, writer ang isa sa mga trabahong pwede mong aplayan.

    Ano ang online writing?

    Ito ang pagsusulat ng ano mang uri ng content na babasahin o ikokonsumo online. Ibig sabihin, makikita ang mga isusulat mo sa mga websites, blogs, at social media pages na binabasa ng mga tao sa kanilang computer, smartphone, o ano mang digital device.

    Kaya naman tinatawag din itong digital writing o 'di naman kaya ay content writing.

    Anu-ano ang iba't-ibang uri ng online writing?

    Mayroong iba't-ibang uri ang online job bilang writer. Marami kasing uri ng online content na pwedeng gawin, kaya naman hindi ka mauubusan ng proyekto kung sakali mang ito ang magiging trabaho mo. Narito ang ilan:

    Web content writing

    Ang web content ang pundasyon ng isang website. Bilang web content writer, trabaho mong isulat ang ano mang lalabas sa home page, landing page, about us page, at contact page ng isang website.

    Mahalaga ito dahil ito ang mga impormasyong madalas ay unang binabasa ng isang tao kapag pumupunta siya sa isang webpage.

    Para maging matagumpay ka bilang isang web content writer, kailangan mo ng SEO writing knowledge. Ito kasi ang magagamit mo para makapagsulat ng web content na madaling hanapin online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante ring engaging at conversation-friendly ang paraan mo ng pagsusulat para madali itong mabasa ng sino mang bibisita sa website.

    Blog writing

    Bago man nauso ang vlogging, mayroon nang blogging. Ito ang siyang babalik-balikan ng mga bumibisita sa website. Ito ang mga makabuluhang articles na ibinabahagi ng mga mambabasa sa kani-kanilang social media profiles. Ito ang magsisilbing 'meat' o 'laman' ng website.

    Walang isang tamang paraan ng pagsusulat ng mga blogs dahil maraming styles ang pagpipilian.

    Social media writing

    Ito ang malimit na hinahanap ng mga kumpanya ngayon dahil malaking porsyento ng mga tao online ay talagang nakatutok sa kanilang social media accounts.

    Malimit na ang isang website ay may sarili nitong social media account. Ang trabaho mo bilang social media writer ay gumawa ng mga copy na maiksi ngunit malaman.

    Tandaan na dumadaan lang ang mga tao sa feed ng social media account nila. Para maging epektibo kang social media writer, kailangang mapatigil mo sila sa pagdaan at mapalingon mo sa content na sinulat mo.

    PR writing o press release writing

    Ito ang ano mang isusulat mo na may kinalaman sa latest tungkol sa isang kumpanya. Maaari itong maging balita tungkol sa nalalapit nilang event o 'di naman kaya ay announcement tungkol sa latest nilang produkto.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong isulat kung mayroon kang online job bilang writer.

    Anu-anong mga skills na kailangan para magkaroon ng online job bilang writer?

    Ayon sa aming online community, madalas ay hindi nila sinusubukang mag-apply sa mga online jobs na writer ang hinahanap. Marami sa kanila ang hindi komportableng tawagin ang mga sarili nila na writer dahil na rin sa kawalan ng experience.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero kung mahilig kang magbasa ng mga articles online at kung malimit kang tumambay sa mga blogs at iba't-ibang website, hindi malayong matuto kang maging online writer.

    Narito ang ilang sa mga skills na kakailanganin mo:

    Strong research skills

    Kailangang masipag kang magresearch kung gusto mong mag-apply sa online job bilang writer. Mas tumataas kasi ang value o kalidad ng isinusulat mo kung base ito sa mga pag-aaral at may batayan ang mga sinasabi mo.

    Organizational skills

    Hindi lang ito pagdating sa workstation mo, kundi pati na rin sa kakayahan mong iorganisa ang iyong araw para ma-meet mo ang mga deadlines mo.

    Malimit kasi ay may nakatalagang deadline para sa mga isusulat mo. Kung dadaan pa ito sa isang editor, mas kailangan mong maging organisado.

    Editing skills

    Maganda na mayroon kang basic editing skills, lalo na kung wala kang magiging editor na titingin sa isinulat mo.

    Mahalaga rin na alam mo ang mga tinatawag na key writing processes. Hindi kailangang bihasa ka sa pagsusulat sa ingles, bagaman malaking tulong ito.

    Ang mas mahalaga ay ang kakayahan mong magsulat ng mga articles at blogs na madaling intindihin, sundan, at basahin. Kailangan ding alam mo kung ano ang may appeal sa mga mambabasa o sa target market ng isinusulat mo.

    Magkano ang maaaring kitain sa online job bilang writer?

    Isa sa mga dahilan kung bakit maraming naeengganyong mag-apply sa mga online jobs na naghahanap ng writer ay dahil maganda ang kita rito.

    Iba-iba ang halagang maaari mong hingin, depende sa ipapasulat sa iyo. Para sa mga simple at maiiksing articles o social media copy, pwede kang maningil ng mula $20 o Php965. Maaari itong tumaas ng hanggang $100 o Php4,800, depende sa hirap ng ipapasulat sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang mga online writers na per oras ang bayaran. Ibig sabihin, walang nakatalagang bilang ng article. Sa halip, oras mo ang binabayaran nila.

    Kung hindi kaso sa iyo ang dami ng gagawin, pwedeng ganitong paraan ng pagbabayad ang gawin mo. Maaari kang maningil ng $10 o Php480 kada oras. Kung magtatrabaho ka ng walong oras sa isang araw, maaari kang kumita ng Php3,800 mahigit.

    May mga kliyente ring pumapayag na per page ang bayaran ninyo, lalo na kung mga academic papers o transcription ang ipapagawa sa iyo.

    Ang maganda pa rito, maraming kliyente ang pwede mong pagsabay-sabayin, depende na lang sa kakayahan mong magsulat. Sa mga online job bilang writer kasi, mahalaga ang sipag, time management, at pagsunod sa deadline. Kung mayroon ka ng mga ito, malaki ang maaari mong kitain bilang writer.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles