Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Magkano Nga Ba Ang Maiipon Mo Sa 52-Week Money Challenge?

    Maaaring makatulong ang money challenge na ito kung naghahanap ka ng ibang paraan para makaipon ng pera.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Magkano Nga Ba Ang Maiipon Mo Sa 52-Week Money Challenge?
PHOTO BY Pixabay
  • Mas dumarami na ang wais na mga nanay ngayon, dahil na rin sa tulong ng makabagong teknolohiya at pati na rin ang mga social media platforms kung saan mas maraming  pamamaraan ng pagtitipid at pag-iipon ang naipapakilala. Mas bukas ang talakayan, pagbabahagi ng karanasan at pagbibigay ng payo sa panahon ngayon kumpara noon.

    Isa sa mga tungkulin ng isang nanay ang pangasiwaan ang budget ng pamilya, kaya naman kasama ang pagtitipid at pag-iipon sa mga priorities natin.

    More from Smart Parenting

    Taong 2014 pa ng mag-viral ang 52-weeks money challenge sa Pilipinas. Mula sa post ni Rhea Mocorro o mas kilala bilang si Kuripot Pinay, natuklasan ng mga Pilipino ang kakaibang paraan ng pag-iipon na ito. 

    Marami na ang sumubok sa money challenge na ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, kaya naman naisipan ni Rhea na gayahin ito at gumawa ng sariling bersiyon na pasok sa lifestyle ng mga Pilipino. Sa loob nga ng isang taon ay nagtagumpay siya at naka-ipon ng mahigit sa Php60,000. Ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan habang isinasagawa ang money challenge na ito at kung paano mapapadali at mapapabilis ang pag-iipon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano nga ba ang 52-weeks money challenge?

    Para sa mga nanay na hawak ang budget para sa buong pamilya madali lamang ito. Kailangan lang nilang magtabi ng pera kada linggo simula sa unang linggo ng taon hanggang sa huling linggo ng taon. Ang pinagkaiba lamang nito sa normal na pag-iipon ay kailangang doblehin ang halaga ng kanilang itinatabi bawat linggo hanggang sa matapos ang challenge.

    Tulad ng ginawa ni Rhea, nagsimula siya sa halagang Php50 sa unang linggo, sa ikalawang linggo naman ay dinoble niya ito kaya nagtabi siya ng Php100 at patuloy lang ang kanyang pag doble sa orihinal na halaga hanggang sa huling linggo inabot ng Php2,600 ang kanyang itinabi kaya nabuo niya ang Php68,900.

    More from Smart Parenting

    Maaring sumubok sa money challenge na ito kahit sa mababang halaga lamang, kapag nagsimula sa halagang  Php1, pagkatapos ng taon ay makakaipon ng Php1,378. Maliit lamang ang halaga na ito pero kung sa mga hindi gaano nakakaluwag sa buhay malaking bagay na ito, maari nang pambili ng regalo para sa mahal sa buhay o pang simpleng handaan para Pasko o Bagong Taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung magsisimula naman sa Php10, makakaipon ng Php13,780. Maari na itong gamiting puhunan sa isang maliit na sari-sari store o kaya naman pambili ng isang bagong kagamitan sa bahay.  

    Para naman sa mga may gustong mag simula sa mas mataas na halaga, kung maghuhulog ng P100, makaka-ipon ng Php137,800 pagkatapos ng taon. Ang perang ito ay maari nang gamitin pang-kasal, pang-umpisa ng negosyo o pang downpayment sa sasakyan.

    Mga kailangan ihanda para sa 52-weeks money challenge ayon kay Kuripot Pinay

    More from Smart Parenting

    Goal

    Kailangan na malinaw ang dahilan o goal mo sa iyong pag-iipon. Magkano ang kailangang maipon at para saan ito? Ito ang magiging motivation mo para makumpleto ang money challenge na ito. 

    Piggy Bank

    Payo din niya na ilagay ang naiipon sa isang lalagyan tulad ng garapon o bote ng tubig. Mas maganda kung hindi makikita ang nasa loob para hindi matuksong bilangin kung ilan na ang naipon. Mahalaga kasi na mayroong pinaglalagyan ng ipon na medyo mahihirapan kang dukutin. Kapag may lagayan, hulog lang ng hulog at hintayin na lang matapos ang 52-weeks money challenge bago ito buksan.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Template

    Ang money saving challenge na ito ay may template na, ngunit dahil ito ay nagsimula sa ibang bansa, gumawa ng sariling version si Kuripot Pinay para tugma sa Philippine peso. Maari itong i-download sa internet at i-print para maging gabay sa iyong pag-iipon.

    Narito ang tatlong paraan para mapadali at mapabilis ang pag-iipon gamit ang 52-weeks money challenge:

    Kailangan malinaw ang layunin ng nag-iipon.

    Ayon pa rin kay Kuripot Pinay, ito ang paghuhugutan mo ng lakas at motivation para ipagpatuloy ang challenge lalo na at bawat linggo ay tumataas ang halaga na kailangan mong itabi. Kailangan na iisa lang ang layunin para mas siguradong matutupad ito.

    More from Smart Parenting

    Mas magiging masaya ang pag iipon kung mas marami ang involved.

    Kaya naman mainam din na involved na rin sa pag-iipon ang mga tatay o buong pamilya, siguraduhin lang na may iisang layunin para pare-pareho ng motivation. Halimbawa ng mga layuning pang-pamilya ay pang-travel. Sa pamamagitan ng 52-weeks money challenge maaring makaipon ang isang pamilya ng para sa isang bakasyong engrande.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magtabi habang maaga pa.

    May mga hindi inaasahang gastos o kaya naman ay hindi kakayanin sa mga susunod na linggo ang pagtatabi ng pera dahil sa mga nakapilang bayarin. Mas mainam na habang kaya pa ng budget at wala pang masyadong bayarin ay mapaghahandaan na nang maaga ang mga susunod pang linggo para hindi mahinto sa pag-iipon.

    More from Smart Parenting

    Walang limitasyon ang challenge na ito.

    Maaring babaan o taasan ang halagang itatabi. Ang pinaka mahirap nga lang na parte sa 52-weeks money challenge na ito ay ang sa mga huling buwan at linggo ng taon dahil mataas na ang halagang kailangan itabi, at dahil panahon din ito ng kapaskuhan, kabilaan din ang gastos ng pamilya, idagdag mo pa ang mga tukso tulad ng sale at promos sa mga malls, sunod sunod na din ang selebrasyon na kailangan paghandaan. Kailangan ng determinasyon at paninindigan para makumpleto ang challenge na ito. 

    Payo nga ni Chinkee Tan, isang kilalang wealth coach, kailangan sundin ang formula na:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    INCOME - SAVINGS = EXPENSES

    para magtagumpay sa 52-weeks money challenge na ito. 

    Proven and tested na ang formulang ito ayon kay Chinkee Tan.  Marami ng tao ang natulungan niya para makamit ang financial freedom gamit ang formulang ito. Ayon sa kanya, mas makokontrol ang paggastos at hindi mauubusan ng budget kung isasama ang savings sa priority.

    More from Smart Parenting

     

    Madami kasi ang inuuna ang pag gastos at ang natitira ang itinatabi para sa savings. Kaya naman madalas ang nangyayari ay wala ng naitatabi dahil nagagastos na lahat ng income. 

    Ayon kay Chinkee Tan, ang epektibong pag-iipon ay nagsisimula sa sariling disiplina at willingness na simulan ito. Kahit anong pamamaraan pa ang gamitin para sa pag-iipon, naka-salalay sa nag-iipon kung mapagtatagumpayan niya ito.

    Walang mahirap sa isang diterminadong nanay. Kung para naman sa kinabukasan ng pamilya ang pinaghahandaan, at nariyan ang buong pamilya para sumuporta, siguradong madali lang makakaipon.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles