Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Shopping Pa More: Mayroon Ka Bang Compulsive Buying Disorder?

    Online man o sa retail stores ka namimili, ano mang sobra ay masama.
    by Ana Gonzales .
Shopping Pa More: Mayroon Ka Bang Compulsive Buying Disorder?
PHOTO BY iStock
  • Sa panahon ngayon ng kabi-kabilang digital transformations, hindi na lang sa malls, kapag holiday season, nagkakaroon ng sale. Kahit sa ordinaryong araw ay pwede ka nang bumili ng mga items na halos kalahati na ang presyo dahil sa discounts. 

    Kaya naman marami ang naeengganyo na mamili ng mamili lalo na kung ang sale ay sa mga online shops. Sa isang click lang kasi, sa cellphone man o sa computer, pwede ka ng bumili ng kahit anong gusto mo. Kung may vouchers ka pa at kung anu-anong discounts, murang-mura mo talaga makukuha ang mga dati’y inaasam-asam mo lang.

    More from Smart Parenting

    Dagdagan mo pa ito ng kung anu-anong ads na makikita mo sa iyong telepono at sa telebisyon—mas malaki ang posibilidad na mamili ka ng mamili.

    Paano kung sobra-sobra na ang pinapamili mo at nakakaapekto na ito sa budget ng inyong pamilya? Paano kung madalas niyo na itong pinag-aawayang mag-asawa? Baka mayroon kang oniomania.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang oniomanio o compulsive buying disorder?

    Ayon sa Tech Times, ang oniomanio ay kilala rin sa maraming tawag: shopping addiction, compulsive buying, o buying addiction. Alin man sa mga ito ang kilala mo o narinig mo na, pare-pareho lang ito ng ibig sabihin—hindi mo mapigilan ang sarili mong mamili.

    Sa isang pag-aaral na nailathala sa VeryWellMind, ipinapaliwanag doon na ang shopping addiction ay isang behavioral addiction kung saan ginagamit ng isang tao ang shopping o pamimili para maging masaya o makaiwas sa ano mang negatibong pakiramdam.

    Sabi ng psychologist na si April Lane Benson, isang eksperto sa compulsive buying disorder (CBD), ang labis na pamimili ay maihahalintulad sa paghahanap ng pagmamahal sa maling lugar. “Shopping is never going to, in an enduring way, meet your need for love and affection,” paliwanag niya.

    More from Smart Parenting

    Bakit nga ba nagkakaroon ng CBD ang isang tao?

    Ilan sa mga dahilang nakikita ng mga eksperto kung bakit nadedevelop ang compulsive buying disorder sa isang tao ay:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Para makaiwas sa stress o emotional pain
    • Naghahanap sila ng paraan para sumaya agad (instant gratification)
    • Nakakatulong ang pamimili para i-boost ang kanilang self-esteem
    • May gusto silang imahe na ipakita sa publiko
    • Ito ang nagiging paraan nila para kumonekta sa ibang tao

    Paano malalaman kung mayroon kang compulsive buying disorder?

    Paliwanag ng CNBC, ang mga taong may compulsive buying disorder ay mamimili lang ng mamimili at wala silang pakialam sa maaaring maging financial at psychological effect nito sa kanila.

    Ugali rin nilang bumili ng mga bagay na kalimitan ay hindi nila kayang bayaran at madalas ay hindi naman talaga nila kailangan. Marahil ay pamilyar ka na rito at kilala mo ito bilang retail therapy. Kung paminsan-minsan mo itong ginagawa, hindi ito maituturing na psychological disorder. Ngunit kung ginagawa mo itong madalas at nararamdaman mong kailangang kailangan mo itong gawin para maging masaya at okay ka, maaaring mayroon ka ngang shopping addiction.

    More from Smart Parenting

    Kung nagkakabaon-baon ka na sa utang at naaapektuhan na pati ang mga kailangan mo talagang bayaran katulad ng iyong monthly bills at iba pang financial obligations, maaaring hindi mo alam na mayroon kang shopping addiction.

    Tandaan, ang taong may compulsive buying disorder ay may malakas na malakas na pangangailangan para mamili. Ginagamit nila ang shopping upang i-regulate ang kanilang emotions at wala silang pakialam sa kalalabasan nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong dapat gawin kung mayroon kang shopping addiction?

    Ibinahagi ni Donald Black, isang psychiatry professor mula sa University of Iowa, ang ilan sa mga maaari mong gawin upang ma-overcome mo ang iyong compulsive buying disorder:

    Unang-una, hindi dapat ikaw ang naghahawak ng credit card, ATM card, at checkbook mo. “Easy credit fuels the problem,” paliwanag ni Black. Dapat ay sapat na cash lang ang meron ka para mabili ang mga basic needs mo sa isang araw.

    More from Smart Parenting

    Pangalawa, huwag kang mamili mag-isa. Ugaliin mong magpasama sa isang taong pinagkakatiwalaan mong kaya kang bawalin kapag napaparami na ang mga pinapamili mo. Kung online ka naman namimili, alisin mo sa cellphone o tablet mo ang mga apps kung saan ka madalas namimili.

    Makakatulong din kung hahanap ka ng ibang paraan para magpalipas ng oras. Sa halip na maghapon at magdamag kang nakababad sa iyong telepono at namimili, lumabas ka na lang o di kaya ay makipagusap sa mga tao. Pwede kang magsulat, magbasa o mag-aral ng bagong pampalipas oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi maikakaila na masarap talaga sa pakiramdam ang pamimili. Masaya kapag may natatanggap kang package at mayroon kang bagong gamit. Masarap ang pakiramdam kapag nakakakita ka ng mga bagong bagay sa malls o di kaya ay nakakapagsuot ka ng bagong damit. Pero kung nauubos naman ang pera mo at umaabot ka sa puntong nawawalan ka ng pambayad sa bills, hindi ka na nakakabili ng gatas ng anak mo, o ‘di kaya ay wala kayong pera para sa emergency, hindi na maganda ang iyong shopping habits. Kung nakakarelate ka sa mga ito, kumonsulta ka na agad sa doktor.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles