-
Nagka-Negosyo Dahil Sa Pagtitipid! May Kita Sila Na Hanggang P6,000 Kada Buwan
Mobile phone at internet connection lang ang kailangan sa ganitong negosyo.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
- Maaaring magkaroon ng negosyo nang hindi mismong gumagawa ng sariling produkto. Ito ay sa pamamagitan ng resale o reselling business.PHOTO BY courtesy of Didi Adriano
Naging popular ang pagiging reseller ngayong panahon ng community quarantine dahil nalimitahan ang paglabas ng bahay bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Imbes na sa tindahan, bumibili ang karamihan sa mga reseller na nagpo-post ng kanilang paninda sa social media, at online na din ang kanilang transaksyon.
How do I become an online reseller? Online reseller jobs from home
Online reseller ng frozen food at iba pa
Online reseller ang mom of three na si Chichi Robles bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic. Ngunit naging matumal ang paninda niyang designer bags, wallets, at shoes dahil dito. Samantala, ang kanyang mister na si Jonas ay nagtatrabaho bilang business manager ng isang distributor ng frozen food items.
Nang magpasiya ang kompanya na mag-work from home ang kanilang mga empleyado, nagbigay ito ng freezer para makabenta sina Jonas at iba pa ng mga produkto gaya ng siomai, tapa, tocino, bacon, hotdog, at lumpiang Shanghai.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKuwento ni Chichi sa SmartParenting.com.ph, “Since my freezer na ako, nagdagdag ako ng iba pang products na meron mga friends ko para tulungan kami sa pagtinda. Basta hindi kalaban ng product nina husband.
Sabi ni Chichi, “Meron din akong ice cream, coffee, Spanish sardines, Himalayan salt, Himalayan inhalers. Basta kung anong puwedeng ibenta para maka-help din kay husband since medyo nagbawas din noon ng days of work kaya naapektuhan din ang income.”PHOTO BY courtesy of Chichi RoblesCONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Is being a reseller profitable? How much capital do you need
Hindi naman daw kalakihan ang kailangang puhunan sa reselling business dahil base naman sa kung ano at ilan ang order na dumating. Kaya madalas na sold out ang paninda niya at may pasobra lang nang kaunti. Ipagpalagay daw na mula Php2,000 hanggang Php3,000 bawat produkto, habang Php3,000 sa buong frozen food items na ibinebenta niya.
Hindi rin daw kalakihan ang kita kada piraso ng produkto, lalo na sa frozen food items dahil may sinusunod na suggested retail price (SRP) mula sa kompanya. Kaya hindi niya puwedeng taasan masyado ang pasa niyang presyo. Pero kung malakas ang benta sa isang buwan, puwedeng kumita mula Php4,000 hanggang Php5,000.
Ang advantage sa ganitong negosyo, sabi ni Chichi, ay hawak niya ang oras niya kaya mas marami siyang panahon para sa kanyang pamilya. Isa lang daw ang nakikita niyang disadvantage, at iyon ay kapag nagustuhan ng mga anak niya ang kanyang paninda. Hindi na daw siya makahindi at ibibigay na lang niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLahad pa niya, “Mapatrabaho o selling is a good way to earn money, basta pinagtiyagaan at pinaghirapan. Sa akin naman, kahit maliit ang kita, basta happy ako at happy ang costumer ko, okay na ako. Basta nakakaraos kaming family, walang may sakit, at saka ang pinaka-importante sa lahat, kuntento ka sa mga bagay na ginagawa mo at nakakapagpasaya ito sa ’yo.”
Onilne reseller opportunities
Naging online reseller si Didi Adriano nitong health crisis lang dahil napansin niyang masyadong nagtaas ang presyo ng COVID-19 essentials, gaya ng face masks, face shield, alcohol, at vitamin C. Upang makatipid kahit paano, bulto na ang binili niya para sa kanya at tatlo niyang anak sa asawang overseas Filipino worker (OFW) na si Nelson.
Nagsimula si Didi ng kanyang reselling business sa Facebool dahil may sobra sa kanyang napamili. Nabalitaan ito ng kanyang mga kaibigan na negosyante, at hinikayat siya na ibenta din ang kanilang mga produkto.PHOTO BY courtesy of Didi AdrianoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa COVID-19 essentials, nagbebenta si Didi ng food items tulad ng longganisa, pancit habhab, biko, suka, honey, at maging ang Korean alcoholic drink na soju at ang probiotics partner nito. Meron din siyang non-food items na cologne, lotion, deodorant, at pati na load retailing.
How do you succeed as a reseller?
Sabi niya sa aming panayam, nagsimula siya sa Php5,000 na puhunan at Php200 na kita kada araw dahil kaunti pa lang daw ang nakakaalam sa kanyang reselling business. Kalaunan, kumikita na siya nang hanggang Php500 araw-araw at umaabot pa ng Php6,000 kung susumahin sa isang buwan.
Aniya, “Basta nagpo-post lang ako ng paninda sa Facebook, mga kakilala ko ang bumibili. Kahit natutulog ako, may benta kasi minsan, hindi ako nag-post, may kumatok dito sa bahay na friend, bumili ng worth Php650 na products…Paano pa kung full blast ako at online selling lang ang ginagawa ko, e di mas malaki ang kita.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMinsan, hindi na kailangan ng puhanan dahil cash naman ang bayad ng buyer. Hindi na daw kasi uso ang palista system o uutangin pa ang product. Mainam ang ganitong sistema dahil iwas sakit ng ulo sa singilan at may pambayad kaagad siya ng bagong paninda.
Ang kagandahan pa sa online reselling business, sabi ni Didi, sa bahay lang siya nagtatrabaho at hindi niya kailangang umupa ng puwesto para patakbuhin ang negosyo. Ayos na daw ang mobile phone na may internet connection dahil sa pamamagitan lang ng Facebook at word of mouth, magkakaroon na ng buyer.
Kung minsan nga lang daw ay biglang hindi na bibilhin ng buyer ang paninda. Kaya kung hindi man lugi, natutulog naman ang puhunan, at kapag naabutan na ng pagbaba ng presyo sa merkado, halimbawa ang disposable face mask, hindi na niya mabebenta ito ayon sa bili niya dati.
Nakaranas na rin daw siya ng mga potential buyer na maraming reklamo at ikukumpara pa siya sa ibang online reseller. Gayonpaman, palagay ni Didi na kabilang na ang online reselling sa new normal na hatid ng COVID-19 pandemic.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments