-
Naloko Ka Na Ba Ng 'Phishing' Scam? Pwedeng Mangyari Sa Isang Maling Click Lang Sa Email
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

May kilala ka bang naloko na sa "phishing"?
Phishing ba kamo? May kinalaman ba yan sa isda?
Ang sagot, wala. Walang koneksyon ang "phishing" sa "fishing."
Ang "phishing" ay isang bagong termino na tumutukoy sa ilegal na paraan para kuhanin ang iyong mahahalagang impormasyon at gamitin ito para ma-access ang iyong privacy o ari-arian.
Halimbawa, maaring magpanggap ang isang tao na empleyado sila ng bangko kung saan mayroon kang account at i-email ka para hingin ang iyong impormasyon. Kapag nakuha na nila ito, madali na para sa kanila ang mag-withdraw ng pera.
Kadalasan, nangyayari ang lahat ng ito nang hindi mo napapansin, at magugulat ka na lang na nabawasan na o wala na ang pera mo.
Marami pang ibang paraan ang ginagamit sa phishing. Kadalasan, sa email o text message ito ipinapadala.
Sa isang tingin ay mukhang katiwa-tiwala ang pinanggalingan ng message — halimbawa, gagamit sila ng logo o letterhead ng iyong bangko. Ang goal nila, kumbinsihin kang i-click ang isang link o i-open ang isang attachment sa message. Kapag nag-click ka, maisasagawa na nila ang kanilang panloloko.
Ano ang maaring mangyari kapag nag-click ka sa isang phishing message?
1. Maaring makuha ang account number mo at mapalitan ang PIN o password mo
2. Maaring makuha ang buong pangalan mo, maiden name ng nanay mo, at birthday mo - lahat ng impormasyong ito ay karaniwang ginagamit para i-verify ang mga account sa bangko
3. Maaring makuha ang detalye ng credit card mo, at pwede nilang gamitin itong pambayad kahit saan nang hindi mo nalalaman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4. Maari nilang ma-hack, o ma-access nang walang pahintulot mo, ang iyong email o social media accounts, at sumulat o makipag-ugnayan sa mga kakilala mo gamit ang iyong pangalan
Ilan lamang ito sa pwedeng mangyari. Ang totoo, napaka-creative na ng mga scammer ngayon kaya mahirap ilista ang lahat ng paraan.
What other parents are reading
Pero kung magiging mapagmasid ka, maaring maiwasan mo ang isang phishing attack. Narito ang ilang halimbawa ng modus kung paano naisasagawa ang phishing sa text o email. Kadalasan, sasabihin nito na kailangan mong i-click ang link (o button):
- Dahil may "suspicious activity" o "log-in attempt" sa account mo
- Dahil may problema sa account mo, o sa bayad mo
- Para i-update ang iyong personal information
- Para i-claim ang premyong napanalunan mo
At marami pang iba.
Paano maiiwasang mabiktima ng phishing?
1. Maging mapagbantay at mapagtanong.
Kilala ka ba ng nagpadala ng message at ginamit ba ang iyong pangalan? Tama ba ang grammar ng nagsulat? Kadalasan sa mga phishing messages ay "generic" — ibig sabihin, hindi naka-address sa iyo (dahil sa maraming tao nila ipinapadala).
Isipin mo din, paano ka mananalo ng premyo kung wala ka namang sinalihang contest? Sino ang biglaang mag-iiwan sa iyo ng pamana sa ibang bansa? Huwag masilaw sa ipinangakong makukuha.
2. Gumamit ng multi-factor authentication.
Ibig sabihin nito, dalawa o higit pang beses ikukumpirma sa iyo kung may gagawin kang transaksyon. Halimbawa, pag may binili ka online gamit ang iyong credit card, bukod sa hihingin sa iyo ang security code na nasa iyong card, may ipapadala pang text ang bangko at kakailanganin mong ilagay ang code na iyon para matuloy ang iyong pagbili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended Videos3. Mag-set up ng security software sa iyong computer at telepono.
Magpatulong sa ibang nakakaalam kung hindi ka pamilyar dito. May mga libreng software na pwedeng i-install sa iyong mga gadgets para protektahan ang iyong data.
4. Kung may pagdududa ka, burahin agad ang message.
Kung sa pakiramdam mo ay isang phishing email ang iyong nakuha, markahan mo na agad ito na spam at i-delete.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments