-
Mabilis Ka Bang Mag-Type? Pwede Kang Kumita Ng P20,000 Pataas Sa Online Job Na Ito
Basta't mayroon kang stable internet connection at maayos na computer, magagawa mo ito, part-time man o full-time.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa panahon ng social distancing, community quarantine, at work-from-home, hindi nakapagtataka ang biglang pagdami ng mga naghahanap ng trabaho online.
Ilan sa mga kalimitang job listings na makikita mo ay ang pagiging virtual assistant, web content writer, at transcriptionist.
Lahat ng dapat mong malaman tungkol sa pagiging transcriptionist
Ano ang transcriptionist?
Sa trabahong ito, makikinig ka sa mga recorded audio files at saka mo ita-type ang lahat ng maririnig mo para maging text document ito. Ilan sa mga audio files na maaari mong marinig ay maaaring patungkol sa mga usaping medikal o legal.
Anu-ano ang mga kailangang equipment ng isang transcriptionist?
Importanteng mag-invest ka sa magandang headset para malinaw mong marinig ang mga salita sa audio file na tinatranscribe mo. Kailangan mo rin ng mabilis na laptop at stable na internet connection.
Anu-ano ang mga skills na kailangan para maging transcriptionist?
Mas maganda rin kung mabilis kang mag-type at marunong ka ng mga keyboard shortcuts para mas mabilis ang pagtatype mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng isang magaling na transcriptionist ay may mabusisi. Importante kasi ang accuracy sa pagiging transcriptionist. Kailangan mo ring maging organisado, dahil malimit ay mahigpit ang mga deadlines ng mga transcriptionists.
Magkano ang kinikita ng mga transcriptionists?
Depende ito sa skill level mo. Kung nag-uumpisa ka pa lang, pwede kang kumita ng $10 o mahigit Php500 sa bawat audio clip na ita-transcribe mo. Habang mas tumatagal ka naman sa pagiging transcriptionist, maaari ka nang kumita ng mula $20 hanggang $45 o Php1,000 hanggang Php2,300.
Sa website na onlinejobs.ph, marami kang makikitang naghahanap ng transcriptionists. Mayroong full-time at mayroon ding part-time.
Maaari kang kumita ng Php20,000 hanggang Php40,000 bilang full-time transcriptionist. Walong oras ang kalimitang shift at work-from-home ito kaya hindi mo na kailangang umalis ng bahay.
Madalas, kapag ganito na kataas ang bayad, ang mga audio files na ita-transcribe mo ay mga medical reports, case notes, case studies, at iba pang mga medical documents. Ganito rin kataas ang bayad kung legal notes ang ita-transcribe mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPwede ka namang kumita ng hanggang Php10,000 bilang part-time transcriptionist. Kalimitan, ang tinatranscribe ng mga part-time workers ay mga videos na kailangang mai-summarize. Labinlimang minuto hanggang isang oras ang karaniwang haba ng mga videos na kailangang ma-transcribe.
Ang hinahanap ng mga employers sa ganitong arrangement ay iyong mga transcriptionists na maglilista ng bullet points tungkol sa kung ano mang napanood nila sa video. Hindi kailangan ng verbatim na transcription. Ang mahalaga, makuha mo ang pinaka-summary ng video.
May ilan na nagbabayad ng hanggang $12 o Php600 sa bawat video na magagawan mo ng summary at bullet points. Kung gusto mong kumita ng malaki, kailangan mong magpractice na makapag-summarize ng maraming videos.
Samantala, may iba naman na nagbabayad ng oras sa halip na bilangin ang nagawa mo. Madalas ay mas mababa ang bayad kung kada oras ang singil. May ibang nagbabayad ng $2 o Php100 per hour.
Alin man sa mga ito ang mapili mo, hindi ka pa rin talo pagdating sa maaari mong kitain. Basta't mabilis at accurate ang iyong transcriptions, siguradong hindi ka mahihirapang makahanap ng mga kliyente.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNasubukan mo na bang maging online transcriptionist? Kumusta ang iyong experience? Magkano ang kinita mo sa bawat project? I-share mo lang 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments