-
Quarantine Negosyo! Bawi Ang Puhunang P5,000 Pagkaraan Ng 2 Linggong Benta
Tatlong magkakapatid ang nagtayo ng negosyong household cleaning productsby Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Upang matugunan ang economic impact na dulot ng COVID-19 pandemic, nakaisip ang tatlong magkakapatid ng mapagkakakitaan para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin sa kanilang bahay. Nagtayo sila ng home-based business na paggawa at pagbebenta ng household cleaning products, tulad ng dishwashing liquid, fabric conditioner, at liquid laundry detergent.
“Quaranclean” ang ibinigay na brand name ng Calimutan siblings na sina Pia, 21; Miguel, 19; at Tobit, 16, sa kanilang mga produkto. Ito ay dahil nabuo ang kanilang ideya mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong mid-March 2020.
Kuwento ng kanilang mommy na si Miriam de Guzman-Calimutan sa SmartParenting.com.ph , ginagabayan lang niya at ng kanyang mister na si Al ang kanilang mga anak. Pero ang tatlong magkakapatid ang mismong nagpapatakbo ng Quaranclean.
Sabi ni Miriam sa mga anak, “Natuwa kaming mag-asawa dun sa pagkakaroon nila ng desire to help, earn and learn. Mabuti na rin hanggang maaga, matuto sila paano magpatakbo ng negosyo.”PHOTO BY courtesy of Miriam de Guzman-CalimutanADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng panganay nilang si Pia ang communications and sales manager. Tourism graduate siya na nagtatrabaho bilang spa manager nang mapahinto pamansantala dahil sa ECQ. Nakatalaga bilang production and quality control manager si Miguel, na incoming Grade 12 student at suma-sideline sa isang multilevel marketing company. Advertising manager naman ang bunso at incoming Grade 8 student na si Tobit. Siya din ang gumawa ng advertising video ng Quaranclean.
Nakatoka ang mga magulang nila sa accounting side ng negosyo dahil certified public accountant (CPA) si Al. Tinutulungan naman siya ni Miriam na itaguyod ang kanilang home-based accounting firm.
Ayon kay Miriam, nagkakahalaga ng Php5,000 ang initial capital para sa Quaranclean. Sa loob lamang ng dalawang linggo, nabawi na nila ang kanilang puhunan.
Paliwanag pa ni Miriam kung bakit household cleaning products ang napiling negosyo ng kanyang mga anak: “Iniisip kasi nila that time kung ano raw ang madalas kailanganin ng mga tao. Ayaw nila sa food business kasi daw ayaw nila ’yung may masisira or matitira pag di nabenta. At kasabay ng mga alcohol at face masks na selling like hotcakes, they decided to make dishwashing liquid.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowNagsimula ang tatlong magkakapatid sa pagbili ng do-it-yourself (DIY) kit para sa dishwashing liquid at panonood ng instructional videos sa YouTube. Ngunit hindi sila nakuntento sa kinalabasan ng kanilang experiment dahil wala daw pinagkaiba sa mga nabibiling mas murang dishwashing liquid.
Ang gusto daw ng mga anak niya, sabi ni Miriam, ay de kalidad na produkto kaparis ng leading brand pero di kasing mahal. Kalaunan, nagawa nila ito sa tulong ng kaibigan ni Miriam na ang negosyo naman ay pagbebenta ng raw materials para sa mga sabon. Nakuha nila ang tamang formula at sukat para marating ang vision ng Quaranclean na “abot-kaya sa bulsa pero hindi nakokompromiso ang kalidad.”
Isa ang aktres na si Rosanna Roces sa mga nakasubok na ng Quaranclean, at nagustuhan niya ito, base sa kanyang Facebook post.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTulad ng iba pang negosyo, may mga hinarap silang paghihirap sa patayo ng Quaranclean. Pagbabalik-tanaw ni Miriam, “Siyempre, may mga tapon din kami dahil may mga trial and error hangga’t hindi namin naa-achieve ’yong gusto naming formulation.
“Then, at first, we sell it pa in promo price, ’yung tipong ang profit margin namin, maliit lang. Pero sabi namin, ‘Sige lang. Importante ma-try ng mga tao ’yung aming products.’ By God’s grace, nagsimula kami officially selling mid-May ng dishwashing liquid. Then, first week of June we came up with fabric conditioner, and now, our new baby, liquid laundry detergent.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMabibili ang dalawang variants ng dishwashing liquid na Lemon at Calamansi sa 1 liter at 250 ml. Ang retail price ng 1 liter ay Php80 at Php70 naman ang wholesale (12 pieces), samantalang Php50 ang 250 ml. Pero kung bibilhin ang package kit (1 liter for refill and 250 ml with flip cap), P120 na lang ito.
Sa kabilang banda, ang dalawang variants ng fabric conditioner na Ocean Fresh at Passion ay mabibili sa 1 liter sa halagang Php100 pag retail at Php90 kung wholesale. Php100 din ang 1 liter ng liquid laundry detergent.
Nakabase ang Quaranclean sa Cainta, kaya sa mga karatig-bayan sa Rizal, maging sa Marikina at Quezon City, pa lamang ang delivery schedule nila. Pero maaayos naman daw ang delivery sa mas malayong lugar. May plano din silang marating ang online store para mas maraming makabili ng Quaranclean products.
Sa kasalukuyan, matatawagan ang Quaranclean sa +63 905 559 1962 at makaka-order din sa kanilang Facebook page @QuarancleanEst20.
What other parents are reading

- Shares
- Comments