embed embed2
  • P5K - P8K Cash Assistance Ng Gobyerno Sa ECQ: Paano At Sino Ang Makakatanggap?

    Tingnan ang listahan ng kwalipikasyon kung kasama ka nga
    by Lei Dimarucut-Sison .
P5K - P8K Cash Assistance Ng Gobyerno Sa ECQ: Paano At Sino Ang Makakatanggap?
PHOTO BY @aldarinho/iStock
  • Na-extend ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) hanggang April 30, 2020, pero dahil wala pang kasiguruhan kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic, maraming Pilipino ang umaasa sa gobyerno para sa tulong pinansyal. Dito pumapasok ang Social Amelioration Program (SAP).

    Ang SAP ay cash emergency subsidy program (ESP) para sa 18-milyong pamilyang Pilipino na lubhang naapektuhan ng ECQ. Ito ay ipinag-uutos ng bagong batas, ang Bayanihan To Heal As One Act, na pinirmahan ng Pangulo noong March 25, 2020.

    Ang programang ito ay pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of BUdget and Management (DBM), and Department of the Interior and Local Government (DILG).

    Ang unang bahagi ng pamimigay ng SAP cash assistance ay naisagawa na sa mga kwalipikadong pamilya, bagamat may mga katanungang umusbong mula dito. Pinag-usapan at pinagdebatehan kung sino nga ba ang maituturing na "middle class" at kung sino ang mahihirap. Heto ang paliwanag base sa inilabas na impormasyon ng gobyerno.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magkano ang SAP cash assistance

    Ayon sa Joint Memorandum Circular No. 1 Series 2020, bawat kwalipikadong pamilya ay makakatanggap ng mula Php 5,000 hanggang Php 8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan para pantustos sa pagkain, gamot, at personal na gamit. Nag-iiba ang halaga ayon sa nananaig na minimum wage kada rehiyon. Isinasaalang-alang din ang iba pang subsidy programs ng DSWD.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Halimbawa, ang pinakamataas na halaga na maaring matanggap ng isang pamilya sa National Capital Region (NCR) ay PHP 8,000. Sa Cordillera Administrative Region (CAR), nasa Php 5,500. Sa CALABARZON (Region IV-A) naman, nasa Php 6,500 ang pinakamataas na halaga. Sa Region 5 o Bicol Region, ito ay nasa Php 5,000.

    Tandaan din na ang SAP ay ibinibigay kada pamilya at hindi kada indibidwal. Isang beses lang makakatanggap ng cash aid ang isang pamilya kada bigay, kahit higit sa isa ang qualifying factor ninyo (halimbawa, parehong may buntis at may senior citizen din sa pamilya ninyo). Gayundin naman, kung magkasama ang ilang pamilya sa iisang tirahan o compound, maaring magkahiwalay ang pag-a-apply ng cash aid.  

    What other parents are reading

    Sino ang kwalipikadong tumanggap ng SAP?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nilinaw ng pamahalaan na ang mga makakatanggap ng SAP ay ang mga pamilyang pinakanangangailangan ng tulong pinansyal, lalo na iyong lubos na naapektuhan ng ECQ. Bukod sa datos ng pamahalaan, naglabas din ang DSWD ng listahan ng qualifying factors para sa mga kabahayan.

    1. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay senior citizen o edad 60 pataas.

    2. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay may kapansanan/person with disability (PWD).

    3. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay buntis o nagpapadede ng anak.

    4. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay solo parent.

    5. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay overseas Filipino worker (OFW) in distress. Kasama dito ang OFW na ni-repatriate o pinabalik sa Pilipinas, o pinagbawalang bumiyahe sa labas ng bansa simula January 2020 dahil sa COVID-19 global health crisis.

    6. Kabilang ang iyong pamilya sa mga indigent/indigenous people, o iyong mga tribo na sinertipikahan ng DSWD o ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) bilang mahihirap. Kasama dito ang mga pamilyang nakatira sa mga kinikilalang ancestral grounds; iyong mga nangangaso, at iyong kasama sa informal workers ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) o sa tagapangulo ng tribo o council of elders.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. Kabilang ang iyong pamilya sa mga underprivileged, o iyong sakop ng poverty threshold ang kita ayon sa itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ang mga pamilyang walang tirahan, pati ang nakatira sa mga pansamantalang tirahan lang, ay kasama din.

    8. Ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay kabilang sa informal economy workers gaya ng:

    • direct-hire o mga manggagawang kinukuha nang iregular o paminsan-minsan lang, gaya ng mga tubero, labandera, at iba pa
    • mga manggagawang subcontracted, base sa Articles 106 at 107 ng Labor Code
    • mga home workers, o mga taong gumagawa ng kanilang pagkakakitaan sa bahay, gaya ng craft-making o food production at food processing
    • mga katulong o kasambahay, ayon sa itinakda ng Kasambahay Law o Domestic Workers Act of 2013, na hindi nakakatanggap ng sahod o hindi nakakapagtrabaho dahil sa quarantine
    • mga driver ng pampublikong sasakyan (pedicab, tricycle, jeepney, bus, taxi, Transport Network Companies (TNC) at Transport Network Vehicle Service (TNVS) gaya ng Grab, Angkas, at Joyride, kung ang sasakyang kanilang minamaneho ay hindi kanila at nakadepende ang kanilang kita sa boundary system. Gayunman, kung ang driver ang may-ari ng sasakyan pero ito lamang ang kanyang pinagkakakitaan, kasama pa din siya sa listahan. 
    • mga micro-entrepreneur na nangangasiwa ng kanilang sariling maliit na negosyo, mga distributor ng goods at services, o mga negosyong may land asset na hindi lalagpas sa Php 100,000 ang halaga (halimbawa, mga may-ari ng sari-sari store)
    • mga nagmamay-ari ng maliit na family business gaya ng karinderya, pagtitinda sa palengke, at mga street vendors
    • mga kumikita ng mas mababa sa minimum wage na siya ring tanging kumikita sa pamilya
    • mga magsasaka, mangingisda, at mga trabahador sa sakahan o palaisdaan at mga serbisyong kaugnay nito, na ang buwanang sweldo ay mas mababa sa itinakdang poverty line
    • mga empleyadong apektado ng "no-work, no-pay" na hindi makapagtrabaho dahil sa quarantine, at hidi sakop ng anumang issuance ng DOLE tungkol sa adjustment measures program 
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kung ikaw ay kwalipikado, kakailanganin mong magprisinta ng ID at iba pang katunayan gaya ng certificate na ikaw ay nawalan ng trabaho, na makapagpapatunay ng iyong kalagayan.

    Ang mga pamilyang sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o 4Ps, ng DSWD at automatic na kabilang sa makikinabang sa SAP. 

    Ang mga beneficiary ng 4Ps ay tumutupad din ng mga kwalipikasyon ng SAP, gaya ng mga magsasaka, mangingisda, mga walang tirahan, mga indigenous people, mga nasa informal sector, iyong mga malalayo at liblib na lugar, iyong nakatira sa mga lugar na walang kuryente. Sinusuri ng DSWD ang listahan ng 4Ps kada taon. 

    Paano mag-apply ng SAP

    Bukod sa datos na galing sa DSWD at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang mga lokal na pamahalaan o LGU ay maggsusumite din ng listahan ng mga pamilyang nangangailangan ng cash assistance bunsod ng pinalawak na ECQ. 

    Para magawa ito, magpapamahagi ang LGU ng mga Social Amelioration Cards (SAC) sa bawat pamilya sa pamamagitan ng barangay. Kailangan itong sagutan (alamin dito kung paano). Ito ang titingnan ng DSWD para alamin kung ang isang pamilyang wala sa kanilang database ay dapat isama doon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makipag-alam sa inyong barangay o munisipalidad ukol sa listahan ng mga naaprubahang makatanggap ng SAP, at kung kailan at paano ito ipapamigay. Ipinapaskil ng DSWD ang schedule ng cash aid kapag naibigay na ito sa LGU para mai-distribute.

    Paano kung hindi ka nag-qualify sa SAP?

    Hindi lamang SAP ang programa ng pamahalaan para tulungan ang mga mamamayan ngayong quarantine. Makipag-alam din tungkol sa mga sumusunod: 

    - DSWD - relief goods, pagkain, at Livelihood Assistance Grants (LAG), o tulong sa sustainable livelihood program (SLP) para sa mga naapektuhan ng community quarantine

    - DOLE - CAMP o Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers (TUPAD)

    - DTI - COVID-19 Pondo Para sa Pagbabago at Pag-Asenso Enterprise Rehabilitation Fund (P3-ERF) at ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3), na itinatag para sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs)

    - DTI - Livelihood Seeding Program/Negosyo sa Serbisyo sa Barangay program, na tumutulong sa pagproseso ng business regustration at nagbibigay tulong teknikal at pinansyal sa mga MSME

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    - DA - Cash Assistance for Farmers Survival and Recovery (SURE) Assistance para sa mga magsasakang hirap
    Ang mga ito ay sang-ayon sa mga patnubay na itinakda ng pamahalaan. Kung mayroon kang katanungan ukol sa pagpapatupad ng pamamahagi ng SAP sa inyong lugar, tumawag sa hotline ng DSWD sa +63 (28) 951-2803. 

    For the latest COVID-19 cases, check out our reportr COVID-19 case tracker link.

    For the latest news and updates on COVID-19, check out reportr.world/covid-19.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close