embed embed2
  • Ang Iba't-Ibang Uri Ng SSS Loan Na Puwede Mong Makuha Maliban Sa Salary Loan

    Kahit pensiyonado pwede pa ring makapag-apply ng loan.
    by Jocelyn Valle .
Ang Iba't-Ibang Uri Ng SSS Loan Na Puwede Mong Makuha Maliban Sa Salary Loan
PHOTO BY @ThamKC/iStock
  • Hindi lang retirement benefits ang hatid ng Social Security System (SSS), bagkus may loans din. Alamin kung alin-alin at kung paano makakuha ng mga ito.

    SSS Salary Loan

    Ang mga aktibong miyembro ng SSS — maging employed, self-employed, o voluntary man-ay may pagkakataong makahiram sa ahensiya sa pamamagitan ng salary loan. Magagamit ang loan bilang pantawid sa panandaliang pangangailangan, tulad ng “educational or health needs, purchase of gadgets or any other material,” ayon kay SSS assistant vice-president for media affairs Ma. Luisa Sebastian.

    Nakasalalay ang halaga ng salary loan sa kabuuang kontribusyon ng miyembro at kung gaano na siya katagal naghuhulog sa SSS. May ilan pang bagay na isaalang-alang para sa aplikasyon ng pautang.

    More from Smart Parenting

    Kapag pipiliin ang one-month salary loan

    Dapat nakapagtala na ang miyembro ng kabuuang 36 monthly contribution. Ang anim dito, kailangan naitala sa loob ng huling 12 buwan bago magsumite ng aplikasyon.

    Ang halaga ng one-month salary loan ay katumbas ng average ng naitala nang monthly salary credits sa huling 12 buwan ng paghuhulog ng kontribusyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag pipiliin naman ang two-month salary loan

    Dapat nakapagtala na ang miyembro ng kabuuang 72 month contribution Ang anim dito, kailangan ding naitala sa loob ng huling 12 buwan bago ang aplikasyon.

    (Basahin dito ang step-by-step application ng SSS Salary Loan.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting


    SSS Calamity Loan Assistance Program

    Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic na patuloy na nagdudulot ng maramihang pagkakasakit at malawakang pagbagsak ng ekonomiya, maituturing itong isang kalamidad na higit pa sa mga nakaraang bagyo at lindol. Kaya naman binuksan ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembrong nawalan ng trabaho o nakakaranas ng problemang pinansyal bunsod ng pandemya.

    Sa pamamagitan ng CLAP, makakahiram ang miyembro ng hanggang Php20,000, depende sa kanyang monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan. Mas mababa ang interest rate na ngayong 6 percent mula sa dating 10 percent kada taon. Pinalawig pa ang payment term na tatakbo hanggang 27 buwan, kumpara noon na hanggang 24 buwan lamang. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pasok din ito sa three-month moratorium period na idineklara bilang malasakit sa mga lubusang naapektuhan ng pandemya. Kaya magsisimula lamang ang payment term sa ikaapat na buwan makaraan ang approval date ng loan. May service fee na katumbas na 1 percent ng kabuuang halaga ng loan, pero hindi na applicable ang advance interest.

    Isa pang konsiderasyon ang pagkansela sa dating requirement na pagsumite ng dokumento na nagsasaad na nakatira ang SSS member sa declared calamity area dahil buong bansa ang nailagay sa state of calamity. Ang aplikasyon sa CLAP ay bukas hanggang September 14, 2020.

    (Basahin dito ang kumpletong requirements at procedure ng SSS CLAP.)

    More from Smart Parenting


    SSS Pension Loan

    Maaari ring makakuha ng pautang ang mga retiradong pensiyonado, basta pasok sila sa mga panuntunan para sa Enhanced Pension Loan Program (PLP).

    • Dapat tumatanggap na ng regular pension na hindi bababa sa isang buwan at “active” ang status ng pension.
    • Dapat hindi lalampas sa 85 ang kanilang edad sa katapusan ng termino ng pautang. Ibig sabihin, kapag pinagsama ang edad na nakasaad sa aplikasyon at saka ang bilang ng taon na tatakbuhin ng pagbabayad ay 85 o pababa ito.
    • Dapat walang kinakaltas mula sa kanilang monthly pension para sa nauna nang loan, sobrang benepisyo na binabayaran ng SSS, o kung ano pa man.
    • Dapat hindi tumatanggap ng paunang pension sa ilalim ng SSS Calamity Package.

    Ang kagandahan nito, pinalaki na ang halaga ng pautang habang pinababa naman ang interes at pinahaba ang kabuuang termino ng pagbabayad. Ito ay para maiwasan ng pensioner na maging biktima ng mga loan shark, ayon sa naunang ulat ng SmartParenting.com.ph.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring manghiram ang pensioner mula 3 hanggang 12 times ng laki ng kanyang basic monthly pension (BMP), at may dagdag benepisyo pang Php1,000. Makakapili siya ng termino ng pagbabayad mula 6, 12, at 24 months. Ang interest rate naman ay 10 percent kada taon o 0.83 percent kada buwan. Sundin ang mga hakbang sa SSS website.

    SSS Housing Loan

    Nagbibigay ang SSS ng tulong sa pabahay sa pamamagitan ng Direct Housing Loan Facility for Workers’ Organization Members (WOMs). Ito ay para sa mga SSS members na miyembro din ng “duly registered and accredited workers’ organizations.” 

    Ang WOMs ay ang mga asosasyon ng manggagawa sa pribadong sektor na kinikilala ng Department of Labor and Employment (DOLE), Securities and Exchange Commission (SEC), o ng Cooperative Development Authority. Kabilang dito ang trade union center, federation, national union, local/chapter o independent union.

    SSS Business Loans

    Sumusuporta din ang SSS sa pag-unlad ng mga iba-ibang negosyo at industriya, pati na ang paglago ng small and medium industries (SMEs). Ito ay sa pamamagitan ng ilang business at development loan programs at credit facilities. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles