embed embed2
  • Wais Tips: Anong Magandang Gawin Sa Mga Aguinaldong Natanggap Ng Mga Bata?

    Ibinahagi rin ng mga ina kung paano nila ginastos ang bonus ni mister.
    by Ana Gonzales .
Wais Tips: Anong Magandang Gawin Sa Mga Aguinaldong Natanggap Ng Mga Bata?
PHOTO BY iStock
  • Sabi nga nila, ang Pasko ay para sa mga bata. Siguradong inabangan ng mga anak mo ang pagkakataong mamasko sa mga ninong at ninang nila.

    Kung maraming nakuhang aguinaldo ang mga anak mo, siguradong nag-iisip ka na kung anong magandang gawin dito. Narito ang ilan sa mga ginawa ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    Magbukas ng junior savings account

    Maaga pa lang ay nagtatanong na ang mga nanay sa Village kung anong magandang savings account para sa mga mapapaskuhan ng mga anak nila.

    Maganda ang ideyang ito dahil binibigyan mo ng choice ang anak mo kung paano niya gagastusin ang pera niya kapag malaki na siya. Magandang paraan din ito para turuan ang anak mo na gawing priority ang pag-iipon kaysa pag-gastos.

    Ayon pa sa mga nanay, maaari itong magsilbing fund para sa mga bagay na gustong bilhin ng anak mo ngunit hindi kasama sa inyong monthly budget.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    I-invest ito para sa kanilang kinabukasan

    Isa pang ideya ng mga nanay sa Village ay ilagay sa insurance o educational plan ang napaskuhan ng mga anak nila. Mabisang paraan ito para paghandaan ang kinabukasan ng mga anak mo. 

    Bukod pa riyan, malaki ring tulong ito sa inyong mag-asawa para hindi kayo mabigla sa gastos kapag nagsimula na ang inyong anak na mag-aral.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa pamamagitan din ng investments, matuturuan mo ang mga anak mo na maging mas wais pagdating sa pagpili kung saan nila ilalagay ang kanilang pera.

    Ipunin ito sa kanilang alkansya

    Bagaman mas magandang ilagay mo sa banko ang napaskuhan ng mga anak mo, pwede mo rin namang ilagay sa kanilang alkansya—lalo na kung hindi gaanong malaki ang aguinaldong natanggap nila. 

    Dahil hawak mo at ng mga bata ang pera, mas madali silang matuksong gastusin ito para bumili ng mga gusto nilang laruan. Ito na ang pagkakataon mo para turuan sila ng kahalagahan ng pag-iipon. Maging wais sa paghati ng pera sa pagitan ng ipon nila at pambili nila ng gusto nilang laruan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Anong magandang gawin sa 13th month pay bukod sa pag-invest at pag-save nito?

    Kalimitan ay ginagamit ng mga pamilya ang 13th month pay ni mister para sa handa ngayong Pasko at Bagong Taon. Ngunit ayon sa mga nanay sa Smart Parenting Village, pwede mo ring gamitin ito para mag-advance sa mga bayarin tulad ng insurance, sasakyan at housing loans. Sa ganitong paraan, malaki ang igagaan ng inyong bayarin sa hinaharap. 

    Isa pang magandang paraan para gamitin ang natirang 13th month pay ninyong mag-asawa ay ang pagdadagdag nito sa inyong stocks at mutual fund investments

    Ayon naman sa isang daddy sa Village, pagdating sa pag-gastos ng mga aguinaldo at bonuses, kailangang unahin muna ang mga pangangailangan bago ang mga gusto o iyong needs before wants strategy.

    What other parents are reading

    Kapag holiday season, hindi maikakaila na bagaman maraming aguinaldo at may 13th month pay, marami ring gastos. Kaya naman kailangang maging wais talaga pagdating sa pag-bubudget para maging masagana ang pagpasok ng bagong taon at hindi kayo magsimula na nakalubog sa utang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano ninyo ginastos ang 13th month pay ninyo at kumusta ang plano ninyo para sa aguinaldong natanggap ng mga bata? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles