embed embed2
  • Para Maging Epektibong Working Mom! 6 Work-At-Home Best Practices

    Narito ang ilang kailangan mong gawin para maging maayos ang pagtatrabaho mo sa bahay.
    by Ana Gonzales .
Para Maging Epektibong Working Mom! 6 Work-At-Home Best Practices
PHOTO BY Pexels
  • Maraming benepisyo ang pagtatrabaho sa bahay. Bukod sa hindi mo na kailangan pang lumabas at mag-commute, mas komportable rin ang galaw mo kung nariyan ka lang sa sarili mong tahanan.

    Bagaman mukhang madali at ideal ang work-at-home setup, mayroon din itong mga kaakibat na hamon. Halimbawa, kung ikaw ang parehong nagta-trabaho at nag-aalaga ng anak mo, bahagyang magiging mahirap ang pagta-trabaho sa bahay.

    Hindi ibig sabihin nito ay imposible nang maging work-at-home mom. Sa katunayan, maraming mga nanay ang matagumpay na nagagampanan ang tungkulin nila bilang nanay at ang tungkulin nila bilang empleyado. Kailangan lang nilang siguraduhing ginagawa nila ang mga work-at-home best practices na ito.

    Work-at-home best practices na kailangang tandaan

    Magtalaga at i-maintain ang regular office hours

    Ang isa sa mga hamon ng pagtatrabaho sa bahay ay ang pagtatalaga ng limit kung hanggang anong oras ka lang magtatrabaho.

    Malimit may mga work-from-home parents na hindi na napapansing labis na pala ang oras na ginugugol nila sa harap ng computer.

    Maaari itong maging dahilan ng burnout o labis na pagod kung hindi ka mag-iingat. Kaya naman importanteng mayroon kang (at mahigpit mong sinusunod) nakatalagang office hours o work schedule.

    Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang labis na pagtatrabaho at magkakaroon ka pa ng sapat na panahon hindi lang para sa pamilya mo, kundi para na rin sa sarili mo.

    Planuhin ang iyong araw

    Kaakibat ng pagkakaroon ng office hours ang pagsunod sa isang komprehensibong schedule. Planuhin mong mabuti ang araw mo para hindi ka ma-overwhelm at wala kang makalimutan sa alin mang responsibilidad mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ugaliin ang paggawa ng listahan ng mga bagay na kailangan mong ma-accomplish—mula sa pinaka-urgent hanggang sa hindi masyadong mahalaga.

    Ayon sa mga eksperto, makakatulong kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga mabibigat na gawain sa umpisa ng araw mo.

    Huwag na huwag mo ring kakalimutang magkaroon ng breaktime. Mahalaga na may oras ka para lumayo sa computer mo, tumingin sa malayo para maipahinga ang mga mata mo, at maglakad-lakad para naman hindi mangawit ang katawan mo.

    Magbihis ng maayos

    Kapag sa bahay ka lang nagtatrabaho, hindi mo na nga naman kailangang magbihis o mag-makeup dahil pamilya mo lang naman ang makakakita sa iyo.

    Pero payo ng mga eksperto, isa sa mga pinakamahalagang work-at-home best practices ang pagbibihis ng maayos bago ka 'pumasok' sa trabaho.

    Nakakaapekto kasi ang pananamit mo sa iyong pag-iisip habang nagtatrabaho ka. Nakakatamad nga naman kung paggising mo ay diretso ka na sa trabaho.

    Ugaliing maglaan ng oras para maligo, magsipilyo, magsuklay, at magbihis nang maayos bago ang opisyal na simula ng work hours mo.

    Hindi kailangang bihis na bihis. Magmaintain lang ng casual work wardrobe para makundisyon mo ang isip mo na umpisa na ng trabaho.

    Kapag tapos na ang office hours mo, pwede ka na ulit magsuot ng pambahay.

    Magtalaga ng isang work area

    Importante ang consistency kapag work-from-home ka. Kaya naman kabilang sa mga work-at-home best practices ang pagkakaroon ng isang designated work area.

    Hindi kailangan na may nakatalaga kang kwarto kung wala namang espasyo sa bahay ninyo. Ang mahalaga lang ay may lugar ka kung saan hindi ka maiistorbo—sa halip ay maiinspire ka pang pagbutihin ang trabaho mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Iwasan ang mga distractions

    Kapag nasa office ka, nakakahiyang manood ng mga YouTube videos o gumawa ng ibang bagay maliban sa trabaho mo. Pero kapag nasa bahay ka, napakadaling isindi ang TV at manood ng kung anu-ano.

    Para maging matagumpay ang pagtatrabaho mo sa bahay, limitahan ang mga distractions tulad ng pagsisindi ng TV at iba pang maaaring mag-alis ng isip mo sa ginagawa mo.

    Mahalaga ring ipaalam mo sa mga miyembro ng pamilya mo ang iyong schedule para hindi ka nila istorbohin habang nagtatrabaho ka.

    May mga time management apps din na pwede kang i-download para ma-monitor mo ang oras mo at maiwasan mo ang mga distractions.

    Huwag umiwas sa mga collaborations

    Minsan, mas masayang mag-isa ka lang na nagtatrabaho at hindi ka nakikipag-usap sa iba. Mainam ito kung may mga gawain kang kailangan talaga ng matinding focus.

    Pero importante rin na i-maintain mo ang pakikipagkapwa tao mo kahit na online lang kayo nag-uusap at nagkikita-kita ng mga teammates mo.

    Mapapansin na sa lahat ng mga work-at-home best practices na ito, ang lumalabas na pinakamahalagang aspeto para maging matagumpay ka ay ang pagkakaroon ng balance.

    Importanteng balanse ang oras mo sa trabaho at oras mo sa pamilya. Importanteng balanse ang pahinga at pagkayod. Importanteng balanse ang pagtatrabaho nang mag-isa at ang pagta-trabaho nang may kasama ka.

    Ang tamang balanse, kabilang ang mga work-at-home best practices na ito ang magiging susi mo para maging matagumpay ka sa pagiging work-at-home mom.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles