embed embed2
  • 'Di Ka Rin Ba Nagbibihis Sa Harap Ni Hubby Tulad Ni Heart Evangelista?

    Ikinwento niya ito sa isang heart-to-heart talk with Dr. Aivee Teo.
    by Ana Gonzales .
  • Tunay na iba-iba ang dynamic ng mga relasyon. Bukod sa depende ito sa dalawang taong involved, depende rin ito sa kung ano ang para sa kanila ay mas nakabubuti sa kanilang pagsasama.

    Sa isa sa mga pinakahuling episodes ng Aivee Day, pinag-usapan nina Heart Evangelista at Dr. Aivee Teo ang buhay mag-asawa—mula sa kung paano nakilala ni Heart ang kanyang asawang si Chiz Escudero, hanggang sa kung paano nila pakitunguhan ang isa't-isa.

    "Crush ko talaga siya."

    Kwento ni Heart, noong una pa lang ay hanga na siya kay Chiz. "I had a huge crush on him," sabi niya. "Tita Miriam (Defensor Santiago) asked me, 'Who's your crush?'"

    "I really like Chiz Escudero," ang naalala niyang sagot niya. Sabi pa ni Heart, "He was my dream guy. Somebody I didn't think I'd end up with because he was married."

    May sparks ba agad sa first date?

    "It was okay. He had a friend with him," kwento ni Heart nang kamustahin ni Dr. Aivee ang kanilang first date ni Chiz. "I didn't think he liked me," sabi pa ni Heart.

    Paano hinahandle nina Chiz at Heart ang conflict?

    Sabi nila, mas magiging matagumpay daw ang isang pagsasama kung hindi tinutulugan ang problema. Iba naman ang approach nina Heart at Chiz. "When we argue, Chiz is well-spoken," kwento ni Heart. "He's really good with debate so I don't win."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Usually, I choose my battles," dagdag ni Heart. "I'm quiet and it pisses him more when I'm quiet. I'm guilty also of going up and sleeping," pag-amin niya. "Tinutulugan ko siya."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "There is no point arguing and fighting when you guys are angry. Let it pass," payo ni Heart.

    Any tips for moms na feeling losyang na?

    "I always believe that you should never let go of yourself just because you got married and have kids," kwento ni Heart. "It's not that you're being vain or being vain is a sin. It's taking care of yourself for your self-worth."

    Ayon naman kay Dr. Aivee, "You owe it to yourself to take care of yourself."

    "You can be an empowered woman if you can take care of yourself, your looks, and your body," dagdag pa niya.

    Hindi lang din daw ito tungkol sa pagpapaganda para sa iyong asawa, sabi ni Heart. "You're doing it for yourself as well."

    "Don't dress in front of your husband."

    Ayon kay Heart, isa sa mga natutunan niya sa daddy niya ang pag-iiwan ng kaunti para sa sarili. "If you go to the toilet, close the door."

    "If magbibihis ka, don't make bihis in front of your husband," dagdag pa niya. "Ako, I don't. When he sees me naked, he'll only see me naked when it's 'that moment'"

    "Because it has to be fresh sa mata niya," dagdag ni Heart.

    Sang-ayon naman si Dr. Aivee at Heart sa isa't-isa na minsan, nagiging masyado nang komportable ang mag-asawa kaya nawawala na ang mga ganito sa isang pagsasama.

    Para sa iba pang usapang self-love at beauty, pwede mong panooring ang kabuuan ng vlog ni Dr. Aivee dito:

    Hindi ka rin ba nagbibihis sa harap ng asawa mo tulad ni Heart? I-share sa comment section kung kumusta ang ganitong experience. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles