-
600 Pribadong Ospital, Wala Ng Balak Magrenew Ng PhilHealth Accreditation
Karamihan sa mga ospital na ito ay hindi pa raw nakakatanggap ng reimbursement mula sa PhilHealth.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang open letter na inilathala sa dyaryo ng Private Hospitals Association of the Philippines o PHAPi, nakasaad na maraming private hospitals ang diumano ay hindi pa nakakakuha ng kanilang reimbursement mula sa Philippine Health Insurance, Inc. o PhilHealth. Bukod pa rito, ilang ospital din sa Mindanao ang nawalan ng Philhealth accreditation dahil sa ilang pending cases.
Ayon sa report ng CNN Philippines, “PHAPi said they could not understand why some hospitals in Mindanao got their PhilHealth accreditations revoked when no decision has been reached on the complaints against them over upcasing — the practice of declaring that a patient has a different ailment to get higher reimbursements from the state health insurer.” Dagdag ng PHAPi, ang mga ospital na ito ay hindi nabigyan ng pagkakataong marinig sa isang formal hearing.
Nagpahayag din ng oposisyon ang PHAPi laban sa ilang provisions na patungkol sa rules and regulations na nakasaad sa Universal Health Care law.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPinabulaanan naman ng PhilHealth ang mga alegasyon ng PHAPi. Sa isang interview kasama ang CNN Philippines, sinabi ni PhilHealth president and chief operating officer na si Ricardo Morales, na iba ang sinasabi sa kanila ng member-hospitals ng naturang samahan. “What they're telling us is something completely different,” sabi ni Morales. “They want to retain their accreditation because most of these hospitals are sustained by reimbursements. If they cut [it] off, our patient members would have to go to hospitals that are accredited with PhilHealth,” dagdag pa niya.
What other parents are reading
Umalma rin si Morales sa ginawa ni PHAPi president Rustico Jimenez na pagsasapubliko ng mga diumano’y unpaid claims—isang bagay na maaari naman daw nilang naayos “in private and very quickly”. “I find it strange and uh amusing that he is threatening to discontinue the accreditation of his so-called member-hospitals,” pahayag niya.
Hindi naman itinanggi ni Morales na mayroon silang mga medical bills na hindi pa nila naireimburse. Ayon sa open letter ni Jimenez, mayroong mahigit kumulang Php3 billion unpaid claims ang Philhealth sa 125 na pribadong ospital. “Although we do have unpaid claims, it is not the magnitude that this ad claims to be,” sabi ng PhilHealth chief. Sabi pa niya, “all large businesses have unpaid accounts but ours is manageable.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Patungkol naman sa mga ospital sa Mindanao na nawalan ng accreditation, sabi ni Morales ay maibaballik sa kanila ito sa linggong ito. Ayon sa statement na inilabas ng PhilHealth patungkol dito: “Our legal procedures follow strict rules on due process when cases are filed against our providers. These hospitals were properly asked to explain their side on their alleged involvements in fraudulent activities.”
Sabi pa ni Morales pinaiigting at mas nagiingat lang daw sila para maiwasang maulit ang naunang insidente ng diumano’y pandaraya sangkot ang WellMed Dialysis Center.
Malaking tulong ang PhilHealth sa mga tao, lalong-lalo na sa mga buntis, dahil malaki ang nababawas sa bayarin at gastos pang medisina sa tulong ng ahensya. Kaya naman nakiusap si Health Secretary Francisco Duque III sa mga miyembro ng PHAPi na huwag ituloy ang kanilang bantang hindi na makipag-ugnayan sa PhilHealth. “Sana naman ‘yung kanilang banta ay hindi nila itutuloy dahil maraming makakawawa dyan. Unang una ‘yung mga pasyente kung saan nandon ang mga pribadong pagamutan, at ang mga pagamutan na ‘yan din ang mawawalan ng kita at baka hindi na nila matustusan ang kanilang operations,” sabi ni Duque sa programang The Source ng CNN Philippines.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments