Noong dekada 1990, isa lang ang ibig sabihin kapag 4:30 na nang hapon — Ang TV na! Oras na para manood ng kiddie gag show sa ABS-CBN na kinatatampukan ng mga cute at talented na mga kabataan. Isa sa mga pinauso nilang catchphrase noon ang “Esmyuskee,” na halaw sa “Excuse me,” at sinasambit nila ito sa kanilang mga comedy skit.
Umere ang Ang TV mula October 1992 hanggang April 1997. Nagkaroon ito ng movie spinoff, ang Ang TV: The Adarna Adventure, na ipinalabas sa mga sinehan noong 1996. Ito ay isinagawa sa ilalim ng direksiyon ni Johnny Manahan (mas kilala bilang Mr. M). Bukod sa pagiging direktor, kilala din si Mr. M bilang nanguna sa pagtatag ng Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN na nangangalaga sa mga showbiz career ng maraming sikat na artista ngayon, kabilang na ang mga nanggaling sa Ang TV.
Makalipas ang 23 taon, naipalabas muli ang Ang TV: The Adarna Adventure sa pamamagitan ng ABS-CBN Film Restoration, na isang sangay ng Kapamilya network na nangangasiwa sa pagsasaayos muli ng mga pelikula. May programa itong tinawag na “Reelive the Classics,” kung saan binibigyan ng pagkakataon ang publiko na manood ng mga pelikulang digitally restored at remastered na. Kabilang ang Ang TV: The Adarna Adventure sa edisyon ng “Reelive the Classics” na tumakbo mula September 20-26, 2019 sa Power Plant Cinema sa Rockwell Center, Makati City.
CONTINUE READING BELOW
watch now
Dumalo ang ilang bahagi ng Ang TV: The Adarna Adventure, kabilang ang mga artista nito na sina Camille Prats, Patrick Garcia, Paolo Contis, Lindsay Custodio, Nikka Valencia, Alfred Manal, Gio Alvarez at ang kapatid nitong si Guila Alverez. Ang ilan sa kanila ay kasama ang kani-kanilang mga anak sa panonood ng kanilang pelikula.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lahad ni Nikka sa video: “Salamat sa movie na ’to, hindi na-disappoint ang mga anak ko. Na-appreciate nila ang movie.”
Sabi naman ni Camille: “It’s wonderful, refreshing to see it again. Doon ko na realize how memorable the whole movie was. It’s something that I would definitely want my kids to see again.”
Masaya din si Paolo na mapanood ang luma nilang pelikula na parang naging bago ang dating para sa kanya. Hinalintulad niya ang karanasan sa pagsakay sa isang time machine. Sang-ayon ni Patrick, “Sarap maging bata ulit. On and off cam, kulitan lang kami.”
Mapapanood din ang Ang TV: The Adarna Adventure sa Cinema ’76, na may sinehan sa San Juan (#160 Luna Mencias St.) at Quezon City (Anonas St., Project 4) hanggang October 27.
Gusto mo pa rin mag nostalgia-trip? Basahin ang inspiring relationship ni Manilyn Reynes at Aljon Jimenez dito.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.