embed embed2
  • Akala Namin Si Lilo! Naging Nostalgic Si Andi Eigenmann Nang Makita Niya Ang Photos

    Halos eight years ang age gap ng panganay na si Ellie at bunsong si Lilo.
    by Jocelyn Valle .
  • Naging nostalgic si Andi Eigenmann nang mahalungkat niya ang kanyang photo collection na kuha gamit ang Polaroid instant camera. Nakita kasi ng “part-time actress, full-time holistic island-living mama” ang ilang old photos nila ng panganay na si Ellie Eigenmann na nakaligtaan niya noon na i-post sa kanyang Instagram account. Kaya naman nitong Thursday, March 12, 2020 ay ibinahagi na niya sa social media platform.

    Kuwento ni Andi sa caption na kinunan ang mga litrato noong nakatira pa silang mag-ina sa bahay ng kanyang nanay na si Jaclyn Jose, isang award-winning actress, sa Metro Manila kapiling din ang kanyang younger brother na si Gwen. Dagdag niya na eight years na ang nakalipas mula noon.

    “Ellie being just about the same age as Lilo is now!” sambit niya, sabay alala sa pangalawa niyang anak na ipinanganak noong July 24, 2019. Dugtong pa niya, “How cute is my firstborn looking like a little marshmallow!????”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Sa isa pang Instagram post ni Andi, na nakabase na sa Siargao Island, ay sinabi niyang excited siya sa twinning moments ng kanyang two girls, lalo na’t halos 8 months old na si Lilo Eigenmann ngayon.  

    Pahayag ng mom of two, “My girls are summer ready! We are back to taking pictures against the wall. Hehe! Now that Lilo is older, we are getting excited to dress up in coordinated outfits together and it’s been so much fun. We don’t know how long or if we will be able to keep this up, but for now, we will take pictures for memories. I don’t know if it is obvious but it was quite a struggle doing this— fun though!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Instagram din idinaan ni Andi ang kanyang pagkamangha sa bilis ng paglaki ni Lilo. Aniya, “This little ball of sunshine’s balance has been getting better each day. Almost ready to run around the beach with ate Ellie and all the other kids this summer! I still can’t believe she is more than halfway to a year old already.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, ang tatay ni Lilo na si Philmar Alipayo ay masayang makapiling ang kanyang mag-ina matapos ang biyahe ng mga ito sa Metro Manila. Lubos ang excitement ng champion surfer na tubong Siargao sa pagbabalik ng anak na tinawag niya sa kanyang Instagram post na “my love love.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles