Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Andrea del Rosario, Hinihingan Ng Advice Ng Kapwa Viva Hot Babes Na Moms Na Ngayon

    Ang actress at ex-public servant ay may unica hija na 9 years old.
    by Jocelyn Valle .
  • Aminado si Andrea del Rosario na sa kanilang magkakagrupong Viva Hot Babes ay mas nakakatanda siya sa nakakarami. Siya ay 41 years old na ngayon at 9 years old naman ang kanyang unica hija na si Bea. 

    Kaya naman siya rin ang nahihingan ng payo ng kanyang mga katrabaho at kaibigan, na pawang mga nanay na rin katulad nina Katya Santos, Maui Taylor, at Zara Lopez. Mga kasama niya ang mga ito sa all-girl group na sumikat simula taong 2003 dahil sa kanilang sexy songs, dance moves, movies, at home videos.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Mostly about love,” sabi ni Andrea, sabay ngiti. “I don’t know if I can contribute. Yeah, we talk. A few days ago, we had a mini reunion. It’s nice because they’re my contemporaries. I grew up with them.”

    More from Smart Parenting

    Nagkuwento pa ang actress at former Calatagan, Batangas vice-mayor sa SmartParenting.com.ph sa premiere night kamakailan ng pelikulang pinabibidahan ni Aga Muhlach at kinabibilangan din niya, ang Miracle in Cell No. 7.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumaganap si Andrea bilang nanay ng batang babae na masasangkot sa isang aksidente ngunit ang pagkamatay nito ay isisisi ng kanyang asawa, na isang powerful politician (Tirso Cruz III), sa karakter ni Aga.

    Emosyonal ang court scene nila dito kung saan isasalaysay ni Aga ang mga pangyayari ayon sa kagustuhan ng taong nagdidiin sa kanya sa krimen. Kalahok ang pelikulang ito ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), na magbubukas sa mga sinehan sa December 25, Araw ng Pasko, at tatakbo nang dalawang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Damang-dama ni Andrea ang kanyang karakter dahil magkaedad ang anak niya sa pelikula at sa totoong buhay. Thankful siya sa pagkakaroon ng anak. Aniya, “Buti na lang, nakahabol ng isa.”

    Aware daw ang kanyang unica hija sa kanyang trabaho bilang aktres at hinahayaan niyang mapanood nito ang ilan sa mga nagawa niya. Minsan lang ito nangyayari dahil naka-monitor siya sa screen time dahil, paliwanag niya, “sobrang information load na with the phone and all.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Andrea na mabuti na lang at mas nahihilig si Bea sa musical shows at movies. Ngunit may pagkakataon din na nagsasabi ang bata na gusto nitong mag-artista, kaya kinakabahan siya.

    Kapag nakakarinig siya ng komento na, “Mom, I like what you do. I wish I could do that,” ay mabilis niyang sinasabihan ang kanyang anak ng “No, let’s stick to being a doctor.” ’Yan daw ang kanyang pangarap para kay Bea.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayong Pasko ay magdidiwang silang mag-ina kasama ang kanyang boyfriend na si Anthony Garcia, isang polo player. Magsasalo sila ng Noche Buena sa bahay ni Anthony at, kinabukasan sa Pasko, ay sa pamilya naman ni Andrea. Hindi daw mawawala ang kare-kare, turkey, at lechon sa kanilang mga handaan.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles