;
embed embed2
  • Ama At Family Members Ni Angel Locsin 'From Separate Houses' Tinamaan Ng COVID-19

    Angel: "It’s been a week of feeling helpless."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
  • Hindi lang pala ang 94-year-old na ama ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares ang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang pamilya kundi marami pang iba.

    Ayon sa aktres, 10 miyembro ng kanilang pamilya mula sa iba’t ibang pamamahay ang nahawaan ng virus. Hindi malinaw kung kasama sa sampu ang kanyang amang may COVID din.

    Nagpasalamat si Angel sa lahat ng nagdasal para sa kanyang ama, na nauna niyang pinanawagan noong September 12.

    Mensahe niya sa kanyang Instagram Stories noong September 13, 2021: “Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember.

    “I just needed to airout yesterday. 10 members of the fam from separate houses got covid. Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family. [heart emoji]”

    PHOTO BY Instagram/therealangellocsin
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang tinutukoy ni Angel na binura niyang post ay ang tungkol sa pagkakaroon ng COVID ng kanyang ama. Sabi niya sa nasabing post, naging “helpless” sila sa loob ng isang linggo dahil sa pagpositibo ng ama na isang senior citizen.

    Buong post ni Angel: "It’s been a week of feeling helpless. Imagine having COVID at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

    "So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass."

    Matapos mag-post ni Angel, bumaha ang dasal para sa ama mula sa mga kaibigang celebrities at ordinaryong netizens.

    Fully vaccinated na ang ama ni Angel.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Celebrities talk about losing family members to COVID-19 here.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles