Simula nang maging mommy si Anne Curtis, mas appreciated na niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
Ang nanay ni Anne na si Carmencita Ojales ang umalalay sa kanya at kanyang asawang si Erwan Heussaff nang manganak siya sa Australia noong March 2020. Dahlia Amelie ang pangalan ng kanilang panganay.
Matagal nang nakabase doon ang kanyang nanay kasama ang kapatid niyang lalaki na si Thomas James Curtis-Smith. Tubong Australia naman ang tatay nila Anne, Thomas, at isa pa nilang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, na isa ring artista sa Pilipinas tulad ni Anne.
"Totoo pala na mas spoiled pa ang apo," sabi ni Anne sa virtual presscon niya bilang endorser ng Jollibee. "Family thanksgiving" kasi ang tema ng advertising campaign ng fast-food chain para sa May 2021.
Sabi pa ni Anne, appreciated niya ang paga-alaga at paga-asikaso ng kanyang nanay hindi lang sa kanya pero lalo na kay Dahlia. Kaya sambit niya, "She’s an amazing lola!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nang makabalik sina Anne at Erwan, bitbit si Dahlia, sa bansa pagkatapos ng lampas isang taon na pamamalagi sa Australia, ang kapatid niyang si Jasmine ang tumutulong sa kanya.
Nagpaabot ng pasasalamat si Anne kay Jasmine, na tinatawag niyang 'sestra,' sa pamamagitan ng Instagram. Nag-post siya ng maiksing video ni Jasmine habang nakikipaglaro kay Dahlia.
Aniya sa caption, "#IDontSayThisEveryDay But thank you to my sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work or may it be just any random day, I appreciate you coming to play house or lutulutuan and yes, even magic magic with Dahlia."
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.