embed embed2
  • Sako-Sako Ng Bigas Donasyon Ni Ara Mina Sa Apektado Ng COVID-19

    May ilan pang relief efforts ang aktres at negosyante sa gitna ng health crisis.
    by Jocelyn Valle .
  • Nagbigay si Ara Mina at ang kanyang grupo na Team DARVE ng bigas bilang donasyon sa mga residente ng Quezon City at Caloocan, maging sa mga naninirahan sa probinsya ng Laguna, Rizal, at Pampanga, partikular ang siyudad ng Angeles.

    Nitong Huwebes, May 14, 2020, nag-post si Ara sa kanyang Instagram account ng ilang litrato ng mga sako ng bigas na lulan ng isang malaking trak. Aniya ang mga iyon ay kanilang “munting tulong” para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic “na sana malayo ang marating.”

    Nagpasalamat ang actress-entrepreneur sa mga volunteer at tauhan ng local government units (LGUs) “na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan.” Nagbigay din siya ng inspirasyon sa kanyang Instagram followers. Lahad niya, “Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo.”

    More from Smart Parenting

    Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagpaabot ng tulong si Ara sa mga nangangailangan ngayong panahon ng health crisis dulot ng coronavirus. Kaya naman nang magdiwang siya ng kanyang 41st birthday noong isang linggo, May 9, ay sinamantala ng ilang nakatanggap ng tulong na batiin at pasalamatan siya sa pamamagitan ng isang video.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naka-post ang video sa Instagram ni Ara. Kuwento niya na nasorpresa siya nang matanggap niya ang video sa pamamagitan ng isang kaibigan noong gabi ng kanyang kaarawan. Katatapos lang kasi nilang mamigay ng 200 piraso ng food packs at drinks sa frontliners ng Commonwealth Hospital and Medical Center bilang kanyang birthday treat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag niya ang ang food packs ay mula sa kanilang donation drive na “Support A Hero” at sa kanya mismong negosyo, ang cosmetic at personal care line na Ara Colours. Ang mga inumin naman daw ay galing sa Goodwill Heart Foundation. 

    Puno ng pasasalamat si Ara. Sabi pa niya, “Thank you so much. Nakakatouch especially na #QuarantineBirthday ngayon…Thank you so much for the greetings and I hope nakapagpasaya kami somehow sa kabila ng mga effort and sacrifices nyo. May God bless you all!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Dahil ipinapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ay nagkaroon si Ara ng simpleng selebrasyon sa kanyang bahay. Kapiling niya ang anak na si Amanda Gabrielle at piling kamag-anak, tulad ng kapatid at kapwa-artista na si Cristine Reyes at ang anak ni Cristine na si Amarah. Nag-video call na lamang daw siya sa iba pa nilang kapamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katuwang ni Ara ang unica hija na tinatawag din niya sa palayaw na Mandy, five years old, sa pag-repack ng mga relief goods. Nakapamahagi na sila ng mga donasyon na kape, gatas, at chocolate drink para sa mga bata at senior citizens ng ilang lugar, tulad ng Caloocan, Malabon, at Binangonan sa Rizal.

    Sa unang linggo pa lang ng ECQ noong Marso ay nagsimula na ang relief efforts ni Ara, na may-ari din ng pastry shop na Hazelberry. Nag-bake siya ng cakes at cupcakes para sa mga frontliners ng Pasig Doctors Medical Center; AFP Medical Center; Angeles, Pampanga Police Station 5, at San Mateo, Rizal checkpoints. Hinikayat din niya ang mga kaibigan at tagasubabay na magbigay ng donasyon para sa  face mask, face shield, at personal protective equipment (PPE) ng mga nangangailangan.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles