embed embed2
  • Troy At Aubrey Miles, Proud Sa Binatang Anak Na Mas Gustong Mag-Aral Kaysa Mag-Artista

    Kahit maraming showbiz offers, mas pinili ni Maurie ang manatili sa eskwela
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Bagamat nasa dugo niya ang pagiging artista, mas pinili ni Maurie Obligacion, panganay na anak ng aktres na si Aubrey Miles, ang tapusin ang pag-aaral kaysa pumasok sa show business.

    Madami raw ang offers sa 19-taong-gulang na binata na pumasok sa pag-aartista, ayon sa kanyang ina, pero nang tanungin siya ni Aubrey kung ano ang gusto niya, ang sagot daw ni Maurie ay, "Mom, I want to study," ayon sa ulat ng Pep.ph.

    Masaya si Aubrey, 40, na ganito ang sariling kagustuhan ng anak. "Happy ako na, 'Oh my god, this kid is really finishing.'

    "I don't know. Parang minsan, 'Ano'ng nagawa ko? Bakit siya ganito?'

    "Totoo pala iyon. What did I do to deserve this? May mga ganoong wording na ngayon ko lang sinabi.

    "He's really doing good in school. Proud ako na gusto niya. Hindi ko pinilit."

    What other parents are reading

    Nag-aaral si Maurie ng Entrepreneurship sa De La Salle University, kung saan din siya nagtapos ng senior high school noong nakaraang taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Proud din ang partner ni Aubrey na si Troy Montero dahil sa pagpupursigi ni Maurie na ipagpatuloy ang pag-aaral, kahit pa nakatikim na ito ng buhay celebrity. Para sa iba kasi, mas nakaka-engganyo ang mag-artista. 

    "He's in college and he's kinda experiencing things as an influencer, a blogger now. So, parang may taste of that [showbiz] side," kwento ni Troy sa Pep.ph.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "But you know, what's so nice, he's like, 'You know what, I'm doing good in school. I wanna continue,' which like, oh my god!"

    Si Maurie ay anak ni Aubrey sa dating kasintahan, ang aktor na si JP Obligacion.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sina Troy at Aubrey ay may dalawa pang anak, si Hunter, 10-taong gulang, at ang bunsong babae na si Rocket, isang taong gulang. 

    Noong September 2019, nag-vlog si Aubrey tungkol sa kanyang experience bilang isang ina na magpapaaral na sa kolehiyo, at kasama doon ang paghahatid nila ni Troy kay Maurie sa school dorm kung saan siya manunuluyan habang nag-aaral.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles