-
Philvolcs: Listahan Ng Pinakaapektadong Barangay Sa Pagsabog Ng Taal Volcano
Ang bayan ng Taal, Cuenca, at Lemery ang apektado ngayon ng heavy ashfall mula sa bulkan ng Taal.by Jocelyn Valle . Published Jan 13, 2020
- Shares
- Comments

Nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano simula nang mag-alboroto ito noong Linggo, January 12, 2020 at magbunga ng usok, lava, at abo. Mahigpit na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na sangay ng Department of Science and Technology (DOST), ang volcanic activity na posibleng humantong sa pagsabog nito nang lubusan.
Sa huling update ng Phivolcs, na ibinahagi sa Twitter hapon ng January 13, ay may malakas na pagbuhos ng abo, o ashfall, sa parteng southwest ng bulkan, na tinatawag ding volcanic island. Ito ay ang mga bayan ng Taal, Cuenca, at Lemery sa probinsya ng Batangas.
Inabisuhan na ang mga residenteng malapit sa bulkan na lumikas na. Patuloy pa kasi ang volcanic earthquakes sa paligid nito, na may lakas mula Intensity 1 hanggang 4.
Naglabas din ang Phivolcs sa Twitter ng listahan ng mga barangay na maaaring maapektuhan ng Taal volcano pagdating sa volcano tsunami (basahin dito), ballistic projectile (tignan ang listahan sa baba), o mga bato na iniluluwa ng bulkan sa kapaligiran nito, at base surge (ayon sa U.S. Geological Survey, ito ay "ring-shaped cloud of gas and suspended solid debris that moves radially outward at high velocity from the base of a vertical eruption column.").
Ang probinsiya ng Batangas ang pinakaapektado sa mga posibleng pangyayari ng volcano tsunami, base surge and ballistic projectile. Kasama ang siyudad ng Tagaytay, Tanauan, at Lipa sa sinasabing suceptible sa volcano tsunami and base surgePhivolcsADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNabigyan na din ng babala ang lahat tungkol sa ashfall, na ibinuga nito na umabot sa mga karatig-probinsya ng Batangas at maging sa Metro Manila. Nagdudulot daw ito ng irritation at breathing problems, lalo na mga matatanda. (Basahin dito ang health advisories.)
Ayon sa Twitter post ni GMA-7 reporter Raffy Tima ay may isang lugar malapit sa Tagaytay, isang isyudad sa Cavite na may overlooking view ng Taal Volcano, ang natabunan ng lagpas isang pulgada ng abo kasabay ng pag-ulan kinagabihan at naging maputik. Nang sumikat daw ang araw kinabukasan ay tumigas ang putik ngunit madulas pa rin, kaya marami sa mga mag-ari ng sasakyan sa parking area ang nagdesisyon na lisanin ang lugar.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNag-anunsiyo naman ang mga nangangasiwa ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pansamantalang “on hold” ang kanilang arrival at departure areas. Kanselado din daw ang paglipad ng mga eroplano. Pinayuhan pa ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa airlines kung saan sila nakatakdang sumakay.
Ngunit bandang tanghali ng Lunes, January 13, ay nagsimula muli ang operasyon sa NAIA. Ibinalita ito ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal sa kanyang press conference noong araw ding iyon, ayon sa ulat ng GMA News Online.
Ani Montreal, “As early sa this morning at around 4, we started to clear the ashfall in relation to the runway. In terms of volume, sa runway ho, parang a little over or less than isang pulgada ’yong kapal na deposit na tinanggal natin.”
Dagdag pa niya na binibigyan priyoridad ang mga eroplanong palabas ng runway para magkaroon ng espasyo para naman sa mga parating na eroplano. Paliwanag niya, “Kailangan i-schedule natin ang arrival dahil, as we speak, lahat hong parking slots sa ating paliparan, magmula sa Terminal 1 hanggang sa Terminal 4, are full of aircraft.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPinaalalahan niya ang mga pasahero na siguraduhin sa kanilang airline na tuloy ang flight nila bago tumulak papuntang airport.
What other parents are reading

- Shares
- Comments