embed embed2
  • Tatay Na Si Baron Geisler: 'I'm In Love'

    Baby girl ang panganay ng aktor at kanyang misis.
    by Jocelyn Valle .
Tatay Na Si Baron Geisler: 'I'm In Love'
  • Ganap nang ama si Baron Geisler. Nanganak ang misis ng aktor na si Jamie Evangelista nitong January 20, 2020 sa Chong Hua Hospital sa Cebu City, kung saan sila nakabase. 

    Ibinahagi ni Baron ang magandang balita, kalakip ang ilang larawan, sa kanyang social media accounts noong araw ding iyon. Tulad ng pag-anunsiyo niya ng pagbubuntis ni Jamie noong October 27, 2020, baby girl ang kanilang panganay at Talitha Cumi ang pangalan nito. 

    “I’m in love,” sambit ni Baron sa caption para sa mga litrato, kabilang ang ilang shots na nakangiti siya habang nakatingin sa sanggol. Nagdagdag pa siya ng mga hashtags na #Imagine, #TalithaCumiGeisler, #LittleGirlArise, at #ThankYouJesus, na pawang naglalarawan sa lubos niyang kasiyahan.   

    Base sa iba pang larawan, mabuti din ang lagay ng bagong ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Ikinasal sina Jamie at Baron noong September 12, 2019 sa huwes ng Quezon City Hall.

    Nang mag-guest sila sa ABS-CBN talk show na Magandang Buhay noong July 2019 ay ikinuwento nila ang kanilang love story. Taong 2018 nang magtungo ang Manila-based actor sa Cebu City para seryosohin na ang rehab para sa kanyang pagkalulon sa alak, na nagtulak sa kanya na masangkot sa ilang kaso. Doon niya nakilala si Jamie, isang clinical psychologist na tagaroon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inamin ni Baron sa TV interview na love at first sight ang nangyari sa kanya. Aniya, “Kasi ako, dumadating sa akin every four years. It takes me a long while bago ako bigyan ng Diyos ng ‘This is the one! Eto talaga ang dapat mong i-pursue.’

    “So when I met her sa rehabilitation center, niloloko-loko ko na siya. Sabi ko, ‘Okay ’to, ah!’ Pero di pa puwede kasi nasa loob pa ako ng rehabilitation center. Nag-antay ako. Gumradweyt ako. And then I asked her out.”

    Inamin din ni Jamie na nakaramdam siya ng kilig sa kanyang manliligaw pa noon. Paliwanag niya sa Magandang Buhay, “Pero people would tell me, ‘Huy, he’s bad news’ Ganyan. Pero ako, I did not judge him sa past niya. Binigyan ko siya ng chance, and I figured out hindi naman siya shallow. Eto palang taong ito, matalino, he’s very interesting to talk to.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    September 7, 2018 nang maging magkasintahan sila. Pagbabalik-tanaw ni Baron, “Tinanong ko kung puwede kaming kumain sa labas. Then naging maayos ang usapan namin. Gaya ng sinabi niya, hindi shallow.

    "Ako, tingin ko sobrang baba kasi wala na akong babalikan. Ang iniisip ko ’yong barbershop, ’yong Gents Barber PH. Wala na ’ko sa showbiz, ’tapos siya ’yong nag-support sa akin, na nagpataas ng morale ko na, ‘No, you still have many chances in life.’”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang matapos ni Baron ang kanyang rehab sa Yap Wellness Center, nanatili siya sa Cebu at itinayo ang Gents Barber PH katuwang ang head counselor at program director ng center na si Jheck Yap. Unti-unti ay nakabalik siya sa showbiz, simula nang magkaroon siya ng guest role sa long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Jamie ay single mother of two boys, sina Joaquin at Javi, at hindi ito naging problema sa kanyang relasyon kay Baron. Lahad niya, “It was never an issue. I’ve always been honest with him. I had a relationship before...We all have a past, right? I did accept him for his past.

    “I told him it’s a priviledge for you if you get to know my kids. It’s not something negative, na excess baggage sila. So that’s what I made him understand. Sa situation namin, I had to also make him understand na priority din ang mga bata. Hindi sila puwedeng mapabayaan.”

    Sang-ayon naman dito si Baron, 37 years old. Pahayag niya, “Na-in love ako agad sa mga bata. Actually, may mga times na sinasabi ko nga… She has a 6-year-old son, sabi ko, ‘Alam mo, Jamie, mas mahal ko si Javi [kesa sa 'yo].’ 

    “’Yong attachment no’n, and me wanting to be a father for a long time, parang long overdue na talaga. Maganda na naging practice sa akin ’to pag nagkaroon kami ng sarili ni Jamie, alam kung ano kahit paano kung paano mag-alaga ng baby, ng bata.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles