embed embed2
  • Malaking Tulong Ang Pagiging Ina Ni Judy Ann Santos Sa Kanyang Award-Winning Performance

    Nanalo si Juday bilang Best Actress sa 2019 Metro Manila Film Festival
    by Jocelyn Valle .
  • Dahil sa kanyang madamdaming pagganap bilang ina ng batang may cancer sa pelikulang Mindanao ay nagwagi si Judy Ann Santos bilang Best Actress sa ongoing 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

    Naganap ang awards night, o Gabi ng Parangal, nitong December 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. Ito ang ikalawa niyang award para sa parehong performance pagkatapos siyang hirangin na Best Actress din sa Cairo International Film Festival noong November. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Mindanao, na dinirek ni Brillante Mendoza, gumaganap si Judy Ann bilang Saima Datupalo. Ang mister ni Saima na si Malang (Allen Dizon) ay abala bilang military medic kaya siya ang nakatutok sa pangangalaga ng kanilang only child na si Aisa (Yuna Tangog).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mula sa kanilang bahay sa Maguindanao, na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, ay bumibiyahe si Saima at Aisa papunta sa malaking siyudad ng Davao para sa pagpapagamot ng bata. Sa Davao City ay tumutuloy ang mag-ina sa House of Hope, isang temporary home para sa mga pediatric cancer patients at kanilang mga tagapangalaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Inalala ni Judy Ann ang ilang karanasan sa paggawa ng pelikula nang dumalo siya sa advance screening ng Mindanao noong December 9 sa The Podium sa Mandaluyong City. 

    Kuwento niya, “Very chronological kasi ang pagkaka-shoot ni Direk sa mga eksena namin, that’s why along the way, pabigat din nang pabigat ang mga eksena. Kasi mabigat din ang batang ’to, e!”

    Bumaling siya sa katabing 6-year-old costar na si Yuna at nag-baby talk. “Akala n’yo hindi, ah! Medyo bumigay ang balakang ni Tita dito,” sabi niya, sabay tawa. “But this girl, ang laking tulong nitong batang ’to sa akin. Considering that this is her first film, ang laki ng contribution niya.”

    Komento pa niya, “’Yon ang maganda pag raw na raw ang bata. Kung ano ang sabihin mo sa kanya, mararamdaman niya kaagad kasi bata at wala siyang ibang pinanggagalingan na proyekto na umarte siya. Kaya nararamdaman namin siya agad ni Allen. Pag masaya siya, masaya siya. Bad trip siya, bad trip siya. Pag wala na siya sa mood, wala na siya sa mood. Pack up na kami…Kain na lang kami ng pancit. Gano’n.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagwagi din si Yuna bilang Best Child Performer sa 2019 MMFF at Best Actor naman si Allen. Nagkamit ng pito pang awards ang produksyon ng Mindanao, kabilang na ang Best Picture at Best Director.

    Malaking tulong kay Judy Ann, 41, ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa kanyang award-winning performance. Ten years na silang kasal ng mister na si Ryan Agoncillo, 40, at meron silang tatlong anak. Ang panganay na si Yohan ay 15 years old, habang ang middle child at only boy na si Lucho ay 9 years old. Ang bunsong si Luna ay 4 years old na sa darating na January 8, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan din ni Judy Ann ang kanyang “pinakamamahal na asawa” at kanilang “three beautiful children.” 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles