;
embed embed2
  • Katas Ng YouTube! Makakabili Na Si Mimiyuuuh Ng Bahay Para Sa Kanyang Pamilya

    Kwento ng vlogger at influencer, umabot pa sila dati sa punto na pinapalayas sila dahil hindi nakakabayad ang nanay niya.
    by Ana Gonzales .
Katas Ng YouTube! Makakabili Na Si Mimiyuuuh Ng Bahay Para Sa Kanyang Pamilya
PHOTO BY YouTube/Mimiyuuuh
  • Isa sa mga pinaka kinagigiliwan ng mga netizens ngayon sa YouTube ay ang vlogger at influencer na si Mimiyuuuh. Sa dami ng mga relate na relate at natutuwa sa kanyang vlogs, naging boses siya ng navigation app na Waze.

    What other parents are reading

    Marami sa mga vlogs niya ay tungkol sa fashion. Madalas din niyang 'guest' ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang tatay na lagi niyang ibinibida ang mga iniluluto.

    Mapapansing magiliw talaga ang 23-year-old vlogger sa kanyang mga magulang. Kaya naman hindi na kataka-takang inilaan niya ang malaking bahagi ng kanyang mga kinita sa YouTube para makabili ng bahay para sa kanyang pamilya.

    What other parents are reading

    Sa kanyang pinakahuling vlog, ibinahagi niya ang house hunting nila ng kanyang nanay at tatay. Kwento niya, bata pa lang daw talaga siya'y pangarap na niyang makabili ng bahay para sa kanya at sa kanyang mga magulang.

    "Nai-imagine ko na ang mga mangyayari sa bahay namin," kwento niya. "Si tatay sobrang hilig magluto. Naimagine ko na ang magandang kitchen at magandang tugtugan habang nagluluto siya."

    What other parents are reading

    Malaki at maaliwalas ang unang bahay na tinignan ng vlogger kasama ang kanyang mga magulang. Isa nga sa mga hinahanap nila ay iyong bahay na may taniman. Diretso naman sa kusina ang tatay niya na mukhang excited na sa mga pwede nitong lutuing putahe.

    Maganda't malaki rin ang pangalawa at pangatlong bahay na tinignan nila. Sabi ng mga magulang ni Mimiyuuuh, pinakabenta sa kanila ang unang bahay na pinuntahan nila.

    What other parents are reading

    "Sobrang dream ko talaga na magkabahay. Kasi ever since, hindi talaga kami nagkabahay—nagrerenta lang kami," kwento niya. "May time nga po na pinapalayas pa kami kasi hindi nakakabayad 'yung nanay ko."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog dito:

    May kwentong house hunting ka rin ba? Kumusta ang naging experience ninyo ng partner mo sa pagbukod at paghahanap ng bahay? I-share mo 'yan sa comment section.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles