-
Credit Card, Insurance, At Utility Companies, Magbibigay Ng Grace Period Sa Due Date
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

Kahapon, March 16, 2020, ay inanunsyo ng Palasyo na inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "mainland Luzon" sa ilalim ng enhanced community quarantine bilang sagot sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dalawa sa mga hakbang na kasama dito ay ang pagsasagawa ng mahigpit na home quarantine o pananatili sa bahay, at ang pagsuspinde sa biyahe ng mga pampublikong sasakyan. Ibig sabihin, para sa karamihan ng mga manggagawa, ititigil muna ang malakihang operasyon ng mga kumpanya at hindi muna sila papasok sa trabaho.
Marami ang nagpahayag ng pag-aalala sa ganitong sitwasyon, dahil nangangahulugan din ito ng kaunti o walang sweldo, lalo na doon sa mga arawan ang kita.
Isang apela ang hiningi ni Pangulong Duterte sa mga kumpanya, at iyon ay ang bigyan ng palugit ang kanilang mga customer sa pagbabayad ng bills. Dininig naman ang hiling na ito. Heto ang listahan ng mga utility, insurance, at credit card companies na nag-extend ng deadline.
What other parents are reading
Banks
Security Bank
Ang customers at patrons ng credit cards, home loan, personal loan, auto loan, business mortgage loan at business express loan ay bibigyan ng 30-day extension kung ang due date nila ay pasok sa petsang March 16, 2020 hanggang April 14, 2020 at walang past due balance.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRCBC Bankard
Nagpatupad ang RCBC Bankard ng payment holiday para sa mga credit card holders nito na may good standing. Ang mga credit card bills na may due date ng March 16 hanggang April 15, 2020 ay maaring bayaran pagkatapos ng 30 araw.
Eastwest
Magbibigay ang Eastwest Bank ng 30-day extension sa mga eligible customers ng kanilang credit cards, at sa auto, personal, mortgage, at EEL loans. Ang mga magqu-qualify dito ay makakatanggap ng advice sa pamamagitan ng text message o e-mail.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosCitibank
Ang mga credit card holders na may good standing ay bibigyan ng one-month extension sa kanilang payment due date kung ito ay mula March 16, 2020 hanggang April 12, 2020. Hindi rin sila papatawan ng late fee.
What other parents are reading
Insurance
Pru Life UK
Ang mga premium payments na due ng March 16, 2020 hanggang April 30, 2020 ay bibigyan ng grace period na 31 hanggang 60 araw. Walang karagdagang interes na ipapataw sa mga magbabayad sa loob ng grace period.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInsular Life
Ang lahat ng policy payments na may due date na March 11, 2020 hanggang April 30, 2020 ay bibigyan ng 60-day grace period.
Sun Life Philippines
Magbibigay ng 60-day grace period ang Sun Life sa mga may Sun First Aid/Plus at Hospital Income Benefit Rider kung sakaling ang mga ito ay mada-diagnose ng COVID-19.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFWD Life Philippines
Magbibigay ang FWD ng 90-day grace period sa payments sa kanilang mga customers na mada-diagnose ng COVID-19.
Cocolife
May 30-day na grace period ang mga policy holders ng Cocolife na may unpaid dues mula March 1, 2020 hanggang April 12, 2020.
Utilities
Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagbigay ng 30-day payment extension period sa mga postpaid customers nila ang PLDT Home at PLDT Enterprise.
Meralco
Ang mga Meralco bills na may deadline ng March 1 hanggang April 14, 2020 ay may 30-day extension.
Gayundin, sinabi ng Meralco na ipinagpapaliban muna nila ang anumang maintenance work na hindi kailangan para maiwasan ang power interruption.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaynilad
Sinabi ng water services provider na hindi muna nila isasagawa ang pag-disconnect ng mga account na hindi pa bayad. Ibig sabihin, maari pang bayaran ang bill hanggang Abril 14, 2020.
Globe Telecom
Magbibigay ang Globe ng 30-day bill payment extension mula sa petsa ng due date ng kanilang mga Globe Postpaid, Business, at Enterprise customers.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSmart Communications
May 30-day payment extension ang mga postpaid customers ng Smart at Sun.
What other parents are reading
Skycable
Ini-extend ng Skycable ang deadline ng pagbabayad ng bills ng 30 araw.
Cignal
Ang cable TV operator ay magbibigay ng 30-day payment extension mula sa due date ng kanilang mga subscribers.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments