embed embed2
  • Buntis Muli Si Miriam Quiambao Sa Edad 45 At Walang Fertility Workup

    Ang panganay nila ng asawang si Ardy Roberto ay magtu-two years old na sa February 2021.
    by Jocelyn Valle .
Buntis Muli Si Miriam Quiambao Sa Edad 45 At Walang Fertility Workup
PHOTO BY YouTube/Miriam Quiambao TV
  • Buntis sa ikalawang pagkakataon si Miriam Quiambao sa edad 45 years old. 

    Ibinahagi ng beauty queen-turned-actress/TV host/inspirational speaker ang magandang balita katuwang ang kanyang asawa, si Ardy Roberto, sa kanilang YouTube channel nitong December 30, 2020.

    “We’re excited to share with you the great news that we are…” pahayag ni Miriam habang nasa loob sila ni Ardy ng sasakyan. “I’m positive! Not with the virus. But I’m positively pregnant.”

    Kuwento niya na 8 weeks at 6 days siyang buntis nang ginawa nila ang video noong December 26. Malalaman daw nila ang gender ng baby sa susunod na linggo.

    Aniya, “We’re not expecting, but we’re praying for it.” Dagdag naman ng kanyang mister, “Praying and planning. Planning stage pa lang.”

    Sa Facebook, dagdag ni Ardy, “Of course we did our part, but this time there were no work ups, no planning, we were just enjoying our lockdown honeymoon...AND AYUN! Nabuntis si Missis!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-iisip pa lang daw sila kung magpapa-work up na sila hanggang napagkasunduan nilang magpakonsulta na sa doktor. “Para kung may mga tests na gagawin, magawa na,” paliwanag nila. 

    Pero bago pa man sila magkaroon ng appointment, nagulat na lang si Miriam na nag-skip siya ng period bandang November. Wala naman daw siyang nararamdamang sintomas ng pagbubuntis na naranasan niya noong nagdadalang-tao sila sa panganay nilang si Elijah.

    Ang napapansin lang daw niya, parati siyang "hapong-hapo." Pakiramdam niya, ang tamad-tamad niya kaya gusto na lang niyang matulog. Pero wala ng iba pang senyales, gaya ng pagsusuka. Basta hindi siya dinatnat ng regla, kaya nagpabili na siya ng home pregnancy test kit sa asawa. 

    Malabo pa nga raw ang isang linya sa ginamit nilang kit. Buti na lang naitabi pa ng soon-to-be mom of two ang digital pregnancy test, at doon klaro na buntis nga siya.

    Bagamat nagulat sila sa resulta, “pleasant surprise” naman daw ito at may dalang mensahe ng “hope” para sa lahat na walang imposible sa Diyos.

    Ikinasal sina Miriam, Miss Universe 1999 first runner-up, at Ardy, isang Christian motivational speaker at author, noong March 25, 2014.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkaraan ng apat na taon, nabuntis si Miriam sa edad 43 ng walang tulong mula sa reproductive technology. Bagamat high-risk pregnancy, ligtas niyang naipanganak si Elijah noong February 2019. (Basahin dito.) 

    Mapapanood ang vlog ng mag-asawang Miriam at Ardy dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles