embed embed2
  • Buntis Na OFW Ang Unang Kaso Ng COVID-19 sa Vigan City

    Galing Taiwan, sumailalim muna siya sa 14-day quarantine sa Metro Manila.
    by Jocelyn Valle .
Buntis Na OFW Ang Unang Kaso Ng COVID-19 sa Vigan City
PHOTO BY iStock
  • Isang buntis na overseas Filipino worker (OFW) na umuwi mula Taiwan at namalagi sa Metro Manila ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa siyudad ng Vigan at ikatlo naman sa Ilocos Sur.

    April 15 nang umuwi ang 30-year-old OFW mula sa Taiwan at dumating sa Metro Manila, ayon kay Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson sa ulat ng Inquirer.

    Agad naman daw itong tumalima sa ipinapatupad na health protocol. Sumailalim siya sa 14-day quarantine sa isang hotel sa Pasay City habang hinihintay ang resulta ng kanyang coronavirus test.

    What other parents are reading

    Noong May 9, kumuha siya ng test na real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR), at negatibo ang resulta nito, ayon naman kay Vigan Mayor Juan Carlo Medina sa ulat ng Rappler.

    Nang makauwi siya ng May 26, kasama ng iba pang OFWs na lulan ng bus, sa Vigan City. Sumailalim siya sa home quarantine ng isang linggo nang makauwi sa kanyang lugar sa Barangay Pantay Daya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    June 3, bumisita siya sa ilang gusali sa paligid ng plaza sa Vigan City at kumuha ng prenatal checkup sa isang clinic sa siyudad din. Pagkalipas ng apat na araw, June 7, nagpatingin naman siya sa City Health Office dahil sa nararamdamang pananakit ng katawan na may kasamang pangangati ng lalamunan at lagnat mga kilalang sintomas ng COVID-19. (Basahin dito ang ilan pang senyales.)

    What other parents are reading

    Kumuha siya muli ng coronavirus test bilang pangalawa niya mula nang dumating mula Taiwan. Sa pagkakataong ito, positibo ang resulta. Naka-confine na siya ngayon sa Ilocos Sur District Hospital sa bayan ng Magsingal.

    Samantala, sinimulan ng Vigan City contact tracing team ang imbestigasyon sa mga supermarket at pawnshop na pinuntahan ng pasyente. Ngunit hindi na daw makilala ang sinakayan nitong taxi at tricycle.

    Pinalawig naman ng Ilocos Sur provincial government ang contact tracing sa mga kalapit na bayan ng Sinait, Narvacan, Santiago, Sta. Cruz, at Tagudin. Nagpahayag pa si Governor Singson na ang naunang dalawang kaso ng COVID-19 sa probinsiya ay gumaling na. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close