;
embed embed2
  • Buntis Si Beth Tamayo sa Edad 43 Sa Pamamagitan Ng IVF

    Sa September 2021 ang due date ng dating aktres, na nakabase sa United States.
    by Jocelyn Valle .
  • Sa edad 43, buntis si Beth Tamayo sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF). 

    Ibinahagi ng aktres, na matagal nang nakabase sa United States, ang magandang balita sa Instagram ngayong March 21, 2021. Noong March 3 naman niya inanusyo ang kasal nila ng asawang si Adam Hutchinson.

    Makikita sa post ni Beth ang flat lay ng baby items, kabilang ang announcement ng inaasahang pagdating ng kanilang unang supling sa September 2021.

    Masayang pahayag niya sa caption, “Bout time to tell the world that WE ARE PREGNANT!” Inamin din niyang hindi naging madali ang pinagdaanan nilang mag-asawa, pero “it was worth it” naman daw.

    Hindi naman daw kasi “easy path” ang IVF. Kaya laking pasalamat niya sa tinatawag niyang “team” sa pangunguna ng kanyang doktor, pati na sa kanyang asawa at kanilang pet dog na si Lily White Socks.

    Ibinida ni Beth ang pagiging “awesome partner” ni Adam. Sinigurado raw ng kanyang mister na ipagmaneho siya sa lahat ng clinic appointments niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi man siya masamahan sa loob ng clinic bilang pagsunod sa COVID-19 health protocol, ramdam naman daw niya ang suporta.

    Dagdag pa ni Beth na-perfect na ni Adam ang “art of giving shots,” bilang pahiwatig sa mga injection na kailangan niyang matanggap alinsunod sa proseso ng IVF.

    Napapalakas daw talaga ang loob niya, lalo na kapag sinasabihan siya ng asawa na isa siyang “badass.”

    Nagpasalamat rin si Beth sa mga kapwa niya miyembro ng IVF community “for spreading love, hope, and positivity all day, every day!”

    Panalangin naman ang mensahe niya para raw sa mga patuloy na sumusubok na mabuntis (trying to conceive). Aniya, “I see you, we see you, and we are praying for you! Hang in there!”

    Bago pumirmi sa U.S. noong 2009, naging abala si Beth sa kanyang acting career. Miyembro siya ng That's Entertainment mula 1991 hanggang 1996 at isa sa paboritong leading lady sa action at comedy movies.

    Huli siyang napanood sa pelikulang A Mother's Story, na kinunan sa U.S. at ipinalabas noong 2011.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles