embed embed2
  • Singer Carol Banawa Ay Registered Nurse At Frontliner Sa U.S.

    Registered nurse na ang dating ABS-CBN singer-actress.
    by Jocelyn Valle .
Singer Carol Banawa Ay Registered Nurse At Frontliner Sa U.S.
  • Bilang isang registered nurse na ngayon, nasa hanay ng mga frontliner ang U.S.-based Filipina singer na si Carol Banawa.

    Nitong April 11, 2020 ay ibinahagi ni Carol sa kanyang Instagram account ang litratong nagpapakitang suot niya, bukod sa face mask, ang face shield na ginagamit ng ospital na kinabibilangan niya pangdagdag proteksyon laban sa coronavirus.

    Lahad ng 39-year-old singer-turned-nurse sa caption, “New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks. Preparing for the incoming surge of #covid patients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go...”

    What other parents are reading

    Nabanggit ni Carol sa mga nauna niyang post na nakatalaga siya sa operating room, ngunit sa panahon ng health crisis ay naatasan siyang tumulong sa ibang unit. 

    Ang United States ang may pinakamaraming confirmed COVID-19 cases sa buong mundo. Nasa 639,664 na, ayon sa April 16, 2020 datos mula sa John Hopkins University Center for Systems Science and Engineering. Ang 30,985 sa mga ito ay binawain na ng buhay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Carol ay naninirahan sa U.S. federal state na Washington D.C. kapiling ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo at kanilang dalawang anak na sina Chelsea, 13, at River, 8. Kilala din siya sa kanyang full married name na Carol Claire B. Crisostomo.

    What other parents are reading

    Nagdiwang sina Carol at Ryan ng 17 taon ng pagsasama noong September 2019. Kasal naman sila sa simbahan sa loob ng 13 taon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Namana ng kanilang panganay ang talento ni Carol sa pagkanta. Ito daw ang kanilang bonding activity, ayon sa isa pang Instagram post ng singer na nagpasikat ng mga kantang “Bakit ’Di Totohanin,” “Iingatan Ka,” at “Stay.”

    Sa Instagram post na iyon mapapanood ang video ng mag-inang Carol at Chelsea na kumakanta ng version nila ng dance tune ni Camila Cabello na "Senorita."

    What other parents are reading

    Bagamat pagkanta ang naging susi ni Carol sa pagpasok sa showbiz noong 1994 sa ABS-CBN kiddie gag show na Ang TV, nakilala din siya bilang aktres sa mga TV series na Tabing Ilog, Sa Dulo ng Walang Hanggan, at Bituin.

    Pagkatapos magbida sa Bituin, kung saan gumanap siyang anak ni Nora Aunor, ay tumulak siya sa U.S. noong 2003 upang mapagamot ang kanyang maysakit na ama. Kinalaunan, pinili niyang manatili doon at magkapamilya. 

    Nag-umpisa si Carol sa health care field bilang licensed practical nurse at nagpatuloy sa pag-aaral. Noong May 2018 ay nakamit niya ang Associate of Science degree in Nursing sa Northern Virginia Community College sa kanilang lugar sa Washington D.C. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lang siya simpleng graduate, bagkus isang summa cum laude. Kumuha siya ng board exam at kaagad na natanggap sa trabaho bilang registered nurse.

    Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong propesyon ay hindi niya kinalimutan ang pagkanta. Nagkakaroon pa rin siya ng concert sa U.S. at nagiging bahagi ng concert tour ng ABS-CBN. Huli siyang napanood sa Kapamilya network nang dumayo ang Sunday musical program na ASAP sa U.S. state na California noong August 2019. 

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles